• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-23 21:55:32    
Tagapakinig: Chinese athletes, may sense of patriotism

CRI
Magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika. Para sa ating pambungad na bilang, narito si Joy Enriquez sa kaniyang awiting "With This Love". Handog ko ito sa aking best friend na nakikinig sa mga oras na ito.

Iyan si Joy Enriquez na nagbubukas sa ating palatuntunan ngayong gabi sa kaniyang awiting "With This Love" na lifted sa kaniyang album na pangalan niya ang ginamit na pamagat.

Kayo ay nakikinig sa China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si R-A-M-O-N Jr., ang iyong loving DJ.

Salamat kay Emmie ng Pandacan. Ipinaaabot niya ang kaniyang mataos na pagbati sa lahat ng mga kaibigang Chinese sa kanilang pagdiriwang ng Pambansang Araw. Sa ngalan ng lahat ng mga kasamahan ko rito sa Serbisyo Filipino, maraming salamat sa iyo, Emmie.

Wow! Ang ganda ng boses, ano? Iyan ay tinig ni Avril Lavigne sa ating "Why" na lifted sa kaniyang "My World" album.

Sabi ng tagapakinig at kaibigan na si Leah ng Navotas,

"Kuya Ramon, sana mabuti ang kalagayan mo diyan. Alam mo, lagi kang kasama ng mga pang-araw-araw na panalangin ko kasi kailangan ka ng mga nilalang na katulad ko na kubang-kuba na sa bigat ng problema. Dapat manatili kang malakas kasi ikaw lang ang hingahan namin ng sama ng loob at ang sinasabi mo ay parang isang magic na nangyayari. God Bless, kuya."

Salamat sa iyong sulat, Leah at God Bless You too.

Iyan ang awiting pinamagatang "Everybody" na inihatid sa ating palatuntunan ngayong gabi ni Jacky Cheng. Hango iyan sa kaniyang album na pinamagatang "Are You Falling in Love". Maybe...

Sabi ng SMS mula sa 9196511659,

"Hindi malulutas ang problema ng Iran, Hilagang Korea at Middle East kasi pinanghihimasukan ng 'big powers'. Alam kasi ng 'big powers' na pag-ngalaon, makikinabang sila rito, kaya ang pinakapratikal na paraan ay lumayo sila sa isyung ito."

Thank you, 9196511659. Sumali na lang kayo sa aming Guessing Game, mabuti pa.

Sabi ng text message mula sa 9158075559,

"Ang Chinese athletes ay may sense of patriotism. Mas pipiliin nilang maglaro sa mga mahalagang palaro kaysa maglaro sa mga commercial squad bilang kinatawan ng mga kompaniya at mas malaki ang kita."

Salamat sa iyo, 9158075559. Totoo iyan.

Iyan naman si Shakira sa kaniyang awiting "Obtener Un Si" na buhat sa kaniyang "Oral Fixation" album.

Bigyang-daan pa natin ang isang SMS message.

Mula sa 9194260570,

"Sumaiyo ang Panginoon, Kuya Ramon. Narinig kong pinatugtog mo ang hiling kong awitin ni Nat King Cole. Happy ako."

Salamat sa iyo... At diyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig.