• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-23 21:56:10    
Tianjin Economic and Technological Development Zone

CRI
Mula noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo, sinimulang itatag ng Tsina ang mga Pambansang Sona ng Kaunlarang Pangkabuhayan at Panteknolohiya o NETDZ sa mga lunsod para makalikha ng kapaligiran ng pamumuhunan sa pamantayang pandaigdig nang sa gayo'y hikayatin ang mas maraming pamumuhunang dayuhan. Nitong mahigit 20 taong nakalipas, itinatag na ang mahigit 50 sonang ito at kabilang dito, ang Tianjin Economic and Technological Development Zone na itinatag noong 1984 ay isa sa mga pinakamaaga at isa sa mga sona na nagkamit ng kapansin-pansing tagumpay.

Matatagpuan ang Tianjin Economic and Technological Development Zone sa dakong silangan ng Tianjin, lunsod sa hilagang Tsina at ang saklaw nito ay lumampas sa 30 kilometro kuwadrado. Malapit ito sa dakong silangan sa Daungan ng Tianjin, pinakamalaking daungan sa hilagang bansa at ang layo nito sa Beijing, kabisera ng bansa, ay 140 kilometro lamang. Kombiniyente ang komunikasyon dito at mainam ang kapaligiran ng pamumuhunan.

Noong nagdaang buwan, magkasamang naglaan ng 28 milyong Dolyares ang Cabot Chemical Co. Ltd., kilalang kompanyang kemikal sa daigdig at isang kompanyang Tsino para maitatag sa sonang ito ang isang bahay-kalakal na espesyal na gumawa ng carbon black, isang mahalagang materyal na industriyal. Ipinahayag ni Kennett Burnes, chairman at CEO ng nasabing kompanya, na ang dahilang kung bakit nagtatag sila ng kompanya sa sonang ito ay mainam ang kapaligiran ng pamumuhunan dito.

"Ikinagagalak naming mamuhunan sa lugar na ito. Sa isang banda, mabuti ang posisyong heograpikal dito dahil malapit ito sa isang deepwater port, sa kabilang banda, mainam din ang mga impraestruktura rito. Umaasa kaming ang bahay-kalakal na ito ay magiging pinakamalaki at pinakamaunlad sa teknolohiya sa daigdig."

Bukod sa kapaligiran ng pamumuhunan, ang pagkakaloob ng mainam na serbisyo sa mga kompanyang dayuhan ay isa pang katangian sa Tianjin Economic and Technological Development Zone. Noong 15 taong nakaraan, nagtipon ang pangasiwaan ng sonang ito ng mga organo ng pamahalaan sa industriya't komersyo, tax revenue at iba pa sa loob ng sona para magkaloob ng serbisyo sa mga kompanyang dayuhan at malutas nang napapanahon ang kanilang mga problema sa proseso ng pag-unlad. Kaugnay nito, sinabi ni Chen Lei, manager ng Departmento sa Suliraning Pampubliko ng Motorola Inc. sa Tsina, na

"Laging isinasaalang-alang ng mga tagapangasiwa ng sona ang mga isyu sa pananaw ng mga mamumuhunan at tinutulungan nila ang mga mamumuhunan sa pagpapabilis ng pag-unlad ng kanilang bahay-kalakal. Itinatag namin at pamahalaan ng Tianjin ang isang lupong pangkooperasyon at sa mga pulong ng lupon, tinutulungan at pinatpanubay kami ng pamahalaan sa paglutas sa mga problema. Sa gayon, naitatag ng mga kompanyang dayuhan at pamahalaang lokal ang isang napakainam na platapormang pangkooperasyon."

Dahil sa kapansin-pansing tagumpay ng sona, nitong nakalipas na walong taong singkad, itinuturing ito ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na isa sa mga pinakamabuting NETDZ ng bansa at lugar na may pinakamataas na return rate sa pamumuhunang dayuhan sa bansa. Bukod dito, itinuturing ito rin ng UN Industrial Development Organization bilang isa sa 100 lugar ng daigdig kung saan pinakamabilis ang kaunlarang industriyal.

Ayon kay Pi Qiansheng, isang opisyal ng naturang sona, ang target sa pag-unlad ng sona sa hinaharap ay magiging isang pandaigdig na processing and manufacturing center at isang baseng baguhin ang hay-tek na maging sa tunay na resulta.

"Ang pag-unlad ng sona sa hinaharap ay dapat ilagay sa mga aspekto ng pagpapataas ng lebel ng mga industriya, pagpapahusay ng kabuhayang panrehiyon at pagpapabuti at pagpapataas ng papel nito. Kaya naming itayo ang isang makabagong sona na patingin sa daigdig, angkop sa eksistensiya ng iba't ibang kultura at angkop sa paninirahan at pag-unlad ng sangkatauhan."

Napag-alamang pagpasok ng kasalukuyang taon, muling lumitaw ang mainam na tunguhin ng paghikayat ng sona ng pamumuhunang dayuhan. Noong isang buwan, 14 na kompanyang dayuhan ang bagong namuhunan sa sona at ang kabuuang halaga ng kanilang pamumuhunan ay umabot sa halos 700 milyong Dolyares.