Sa panahon ng tag-araw ng taong ito, sinalanta ang lalawigang Sichun ng napakalaking tag-tuyot. Bukod sa napakahaba na panahon ng tagtuyot na ito, napakalawak pa ng saklaw at napakataas ng digri at ito ang pinakagrabeng tagtuyot nitong 55 taong nakalipas. Grabeng nakaapekto ito sa produksyon at pamumuhay ng mga mamamayan ng Sichuan. Ayon sa opisiyal na estadistika, 108 bayan ang sinalnata ng tagtuyot, halos 10 milyong mamamayan ang halos walang mainom na tubig at mahigit 2 milyong hektarya ng sakahan rin ang sinalanta. Kasunod ng pagpasok ng tag-ulan, unti-unting humupa ang kalagayan ng tagtuyot. Ano na ang kasalukuyang kalagayan ng produksyon at pamumuhay sa mga purok na sinalanta ng tagtuyot? Sa artikulong ito, isasalaysay ko sa inyo ang pinakahuling ulat hinggil dito.
Ang Guan Yinyan ay isang nayon sa lunsod Nanchong ng Sichuan. Napakagrabe ng tagtuyot sa nayong ito ngayong taon at grabeng nakaapekto ito sa produksyong agrikultural ng mga magsasaka rito. Para matulungan ang mga magsasaka na makabawi sa kanilang mga kapinsalaan, walang bayad na nagkaloob ang pamahalaang lokal ng mga kailangang kailangang materyal sa mga mgasasaka na gaya ng binhi, pataba at iba pa. Nang dumating sa nayong ito ang aming mamamahayag, abalang-abala ang mga taga-nayon na muling magtanim ng mga buto para maigarantiya ang pagkaani sa huling taglagas. Sinabi ni taga-nayong Fan Ying'guang na:
"Walang bayad na nagkaloob sa amin ang pamahalaan ng mga buto at gayun din ng iba pang tulong para sa produksyon. Bukod dito, nagkaloob din ang pamahalaan ng 750 Yuan na subsidy sa bawat hektarya ng sinalantang sakahan. Talagang pinahahalagan ng pamahalaan ang aming mga magsasaka."
Kasabay ng muling pagtatanim ng mga binhi isinagawa rin ang mga gawain hinggil sa paglulutas sa problema ng tubig na maiinom ng mga tao at hayop na ginagamit sag awing-bukid sa purok ng tagtuyot. Sa Nanchong, mahigit 1140 ilog ang natuyo ngayong taon, kapos na kapos tubig-inumin ang mga tao at hayop. Para dito, espesyal na inorganisa ng pamhalaaan ang mga propesoynal na grupp ng well-diggers para humukay ng balon sa mga nayon. Isinalaysay ni Huang Xiaoming, puno ng rehiyong Gao Ping ng Nanchong na:
"Unang una na, nilutas namin ang isyu ng tubig na maiinom ng mga tao at hayop. Datapuwa't mahirap na mahirap ang paghuhukay ng balon sa mga rehiyong bulubundukin, matagumpay na nakahukay kami ng 3 libong balon sa purok na dinaanan ng tagtuyot, at may tubig ang bawat balon."
Sa pnanahon ng biglaan at malaking tagtuyot na ito, dahil nagsagawa ang pamahalaan sa iba't ibang antas ng Tsina ng mga hakbangin na makakabuti sa mga magsasaka, hindi grabeng naapektuhan ang pamumuhay ng mga magsasaka sa Sichuan, at buong sikap na pianumbalik din ang produksyong agrikultural. Sa iba pang development, sinimulang ipatupad ng Tsina ang patakaran na gaya ng di-pagpapataw ng taripang agrikultural, pagbibigay ng mga subsidy sa pagkain-butil, binhi at iba pa. Halimbawa, sa Nanchong, umabot sa 137 milyong Yuan RMB ang kabuuang halga ng naalis na taripa sa mga magsasaka. Talagang nabawasan ng mga ito ang pasanin ng mga magsasaka sa panahon ng tagtuyot na ito. Kaya, sapul nang salantahin ng tagtuyot, lipos ng kompiyansa ang mga magsasaka na malalampasan nila ang kalamidad ma ito. Sinabi ng taga-nayong si Fan Yushu na:
"Dati, pag dumadating ang tagtuyot, lubos na nababalisa kami sa pruduksyon at pamumuhay. Ngunit, ngayong taon, dahil nagkaloob ang pamahalaan ng mraming tulong, wala akong naramdamang anumang takot. Nananalig kami na sa ilalim ng tumpak na pamumuno ng pamahalaan, mapagtatagumpayan namin ang tagtuyot,"
Ayon sa di kompletong estatisdika, sapuil nang maganap ang tagtuoyt sa Sichuan, mahigit 300 milyong Yuan na pondo, 800 libong iba't ibang uri ng pasilidad at 26 milyong mamamayan ang ginagamit o lumahok sa paglaban sa kalamidad na ito. Kasama ng mga magsasaka, aktibong lumahok rin sa paglabang ito ang mga namumunong tauhan sa iba't ibang antas. Tumagal nang 100 araw ang tagtuyot na ito, ngunit sa panahong ito, wala ni isa mang taong namatay dahil sa kalamidad at hindi rin namayani ang malaking takot sa buong lipunan.
|