Dear Filipino Service,
Kumusta sa inyong lahat at sa lahat ng kaibigan diyan sa Beijing.
Sa pamamagitan ng inyong serbisyo, ipinaaabot ko ang aking best wishes sa Beijing Organizing Committee sa kanilang preparation sa grandest and greatest athletic competition. Siguro ang competition na ito will go down in history bilang kauna-unahang palakasang pandaigdig na ginanap sa isang umuunlad na bansa at isang bansang Asyano kaya maraming bansa sa Asya ang lihim na nakangiti at lihim na nananalangin para sa success nito.
Pakipasa ang aking pagbati sa kuya ng lahat ng tagapakinig ng Serbisyo Filipino--si Kuya Ramon Jr.--sa kaniyang walang kapagurang pag-e-entertain sa mga tanong ng mga tagapakinig at sa walang sawang pagbibigay-daan sa kanilang opinyon sa pamamagitan ng inyong hotline Olympics. Alam ko na malaki ang gastos ng proyektong ito kaya walang tanung-tanong na nagkontribusyon ako dito.
Sa pamamagitan din ng inyong palatuntunan, nananawagan ako sa lahat ng "text addicts" na huwag sayangin ang kanilang loads. Gamitin nila itong pang-text sa Serbisyo Filipino para mapakinabangan ni Kuya Ramon Jr. ang kanilang mensahe. Narinig kong binabasa ni Kuya ang mga mensaheng SMS sa Dear Seksiyong Filipino at Gabi ng Musika.
Salamat sa pag-uukol ninyo ng time sa sulat na ito at sa lahat ng mga sulat ng mga katulad kong sumusubaybay at nakikinig sa mga kaganapan diyan sa China tuwing 7:30 ng gabi.
Pagpalain sana kayo ni Lord...
Always, Vicky Santos Quinta Market Quiapo, Manila
|