• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-26 21:24:02    
Plota ni Zheng He

CRI

Ang plota ni Zheng He ay binubuo ng mahigit 200 bapor at ito ay nagpapakita ng kakayahan ng Tsina sa paggawa ng mga oceangoing vessels noong unang dako ng Dinastiyang Ming.

Batay sa gamit ng mga bapor, may limang uri ng bapor sa plota:

Ang una ay "baochuan". Ang "baochuan" ang pinakamalaking bapor sa grupo at ito ang command ship ng plota. Ang "baochuan" ang naglululan sa mga lider ng delegasyon ni Zheng He at mga diplomata ng ibang bansa.

Ang ikalawa ay "machuan". Ang "machuan" ay may katam-tamang laki at ito ay bapor na pang-transporte. Ang "machuan" ay ginagamit para sa pagdadala ng mga kabayo at mga inaangkat at iniluluwas na paninda.

Ang ikatlo ay "liangchuan". Ang "liangchuan" ay mas maliit kaysa sa "baochuan" at ito ang ginagamit sa pagdadala ng pagkain. Tumatagal nang dalawa hanggang tatlong taon ang bawat biyahe ng delegasyon ni Zheng He, kaya dapat magdala ng pagkain na sapat para sa mahigit 20 libong tao.

Ang ikaapat ay "zuochuan". Malaki rin ang "zuochuan" at kinalulanan ito ng mga mababang opisyal, sundalo at katulong ng delegasyon ni Zheng He.

Ang ikalima ay "zhanchuan". Ang "zhanchuan" ay mga bapor na pandepensa at ito ang nangangalaga sa plota laban sa pananalakay ng mga pirata.

Ang grupo ni Zheng He ay binubuo ng may takdang bilang ng naturang limang uri ng bapor nang sa gayo'y nakakapaglulan ito ng maraming tao, nakakapagdala ng maraming bagay at nakakaranas ng pagsubok ng malayong paglalakbay sa dagat.

Ang iba't ibang uri ng mga bapor ni Zheng He ay ginawa sa magkakaibang opisyal na gawaan ng bapor sa baybaying-dagat sa silangang Tsina. Ipinasailalim ang paggawa ng mga bapor sa direkta at mahigpit na pagkontrol ng pamahalaan ng Dinastiya ng Ming at ang mga hilaw na materyal ay suplay din ng pamahalaan. Bukod sa paggawa ng bapor, mahigpit pa rin ang mga iba pang sistema ng pangangasiwa na kinabibilangan ng pagdidisenyo ng bapor, pagsusuplay ng hilaw na materyal, pagtutuos sa gastos ng paggawa ng bapor at pagsusuri sa mga materyal at bapor. Naigarantiya ng mga mahigpit na pangangasiwang ito ang kalidad ng mga bapor.

Ang bawat bapor ni Zheng He ay may mga aguhon. Mas madalas na tama sa direksyon ang mga aguhong ito at nakakapagturo sa 48 na direksyon. Ang mga ito rin ang pinakamaunlad noong panahong iyon. Bukod sa mga aguhon, ginagamit din ni Zheng He ang mga iba pang paraang ginagamit ng mga karaniwang mamamayan para sa paghahanap ng tamang direksyon.

Noong 600 taong nakaraan, ang grupo ng mga bapor ni Zheng He ay walang dudang pinakamalaki sa daigdig. Ngunit gaano kalaki ang "baochuan" o command ship ni Zheng He? Ayon sa pag-aaral ng mga ekspertong Tsino, ang "baochuan" ni Zheng He ay isang daang beses na mas malaki kaysa sa command ship ni Christopher Columbus. Ayon sa estadistika ng mga dokumentong pangkasaysayan ng Tsina, ang may-4-palapag na "baochuan" ni Zheng He ay may habang 125 metro, lapad na 50 metro at water displacement na sanlibong tonelada. Ang kay ni Columbus ay binubuo lamang ng tatlong bapor at ang water displacement ng pinakamalaki nito ay umabot lamang sa isang daang tonelada. Kung ihahambing sa mga grupo nina Christopher Columbus, Vasco da Gama at Fernando Magallanes na binubuo ng isang daan hanggang tatlong daang tao, pinakamalaki pa rin ang plota ni Zheng He na binubuo ng mahigit 27 libong tao.