• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-27 22:12:07    
Tsina, ginugunita ang ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Long March

CRI
Ang taong ito ay ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Long March ng Red Army ng Tsina. Sa iba't ibang porma, ginunita ng iba't ibang sirkulo ng lipunang Tsino ang naturang pangyayaring historikal na may napakahalagang katuturan sa mga mamamayang Tsino at kurso ng kasaysayan ng sangkatauhan.

Upang malabanan ang pananalakay ng Hapon, mula noong Agosto ng 1934 hanggang Oktubre ng 1936, isinagawa ng Red Army ang mahabang lakbay-martsa o higit na popular na tawag na Great Long March. Nakaranas ito ng napakaraming kahirapan at dumaan sa bihirang-bihirang mapuntahang jokul at grasslands at 11 Lalawigan, hanggang sa banding huli makarating sa kanilang pupuntahan--ang Kahilagaan ng Lalawigang Shanxi. Sa kurso ng Long March ng Red Army, idinaos ng Partido Komunista ng Tsina ang Zunyi Meeting--Pinakamahalagang Pulong--sa Lalawigang Guizhou. Sa panahon ng pananatili ng Red Army sa Guizhou, nagkaloob ang mga mamamayan ng Guizhou ng malaking tulong sa hukbong ito, at mahigit 10 libong mamamayan ang sumapi sa Red Army. Para rito, idinaos kamakailan ng Lalawigang Guizhou sa Military Museum of Chinese People's Revolution dito sa Beijing ang isang eksbisyon bilang paggunita sa Long March, at halos 100 libong tao ang nanood dito.

Si Madam Zuo Taibei, ay anak na babae ni Zuo Quan, isang bantog na heneral ng Pulang Hukbo. Pagkaraang mapanood ang eksbisyon, naantig ang kaniyang damdamin ng "diwa ng Long March". Ipinalalagay niyang ang diwa ng Long March ay mahalagang hiyas ng nasyong Tsino. Sinabi niya:

"Noong kasalukuyang nagmamartsa sila sa damuhan, hindi na sapat ang kanilang dalang bigas, kaya pagkaraang maubos ang bigas na ito, kumain sila ng damo, at marami ang namatay dahil sa gutom. Sa kabila ng kahirapang ito, malakas pa rin ang determinasyon ng iba na malampasan ang kahirapan, at sa wakas nakadaan sila sa grassland at jokul. Kaya sa palagay ko, kung mayroong diwa ng Long March sa inyong isip, ang lahat ng kahirapan ay mapapawi."

Bukod dito, noong ika-16 ng kasalukuyang buwan, nagdaos din ang Military Museum ng napakalaking eksibisyon bilang muling pagsariwa sa kasaysayan ng Long March. Samantala, ang iba pang malaking museo ng Beijing na gaya ng China National Museum, ay nagdaos din ng mga eksbisyon bilang paggunita sa Long March. Magkakasunod na idinaos ng iba pang purok ng bansa ang mga aktibidad na kinabibilangan ng simposyum hinggil sa diwa ng Long March at iba pa, at ang mga aklat, eksibisyon at pelikula na may kinalaman sa Long March ay naging mainit na nilalaman ng sirkulong pangkultura at pansining ng Tsina nitong ilang araw na nakalipas.

Ang awiting "10 ulit na paghahatid sa Red Army" na inawit ng grupong pansining ng Beijing Military Area ay isa sa mga pinakamagandang awitin na may kinalaman sa Long March ng Red Army. Muling isinaayos at inawit ng grupong ito ang nasabing awitin at itinanghal sa buong bansa para itaguyod ang diwa ng Long March.

Sa maraming lathalain bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Long March ng Red Army, dalawang aklat ang pinag-ukulan ng malaking pansin. Ang isa ay "Red Army 1934--1936" --isang "historical and illustrative book"--na inilathala ng Beijing Sanlian Bookstore, at ang isa naman ay ang on-the-spot record literature "Long March" na nilikha ng awtor na si Wang Shuzeng sa loob ng anim na taon.

Nang kapanayamin ng mamamahayag, sinabi ni Wang Shuzeng na noong nagdaang taong 2000, naglathala ang isang American publishing company ng aklat, at sa aklat na ito, ang mga dalubhasa sa iba't ibang larangan ng mga bansang Kanluranin ay pumili ng isang daang malalaking pangyayaring naganap mula noong taong 1000 hanggang 2000 na nakaapekto nang malaki sa kurso ng kasaysayan ng sangkatauhan, at isa sa mga ito ay ang Long March ng Red Army. Nagkatimo sa kaniyang damdamin ang balitang may kinalaman sa muling pagtugaygay o re-tracing ng dalawang kabataang Swedish sa landas ng Long March sa loob ng dalawang taon, at madalas niyang naitatanong sa kaniyang sarili kung ano ang hinahanap ng dalawang kabataang ito sa landas na ito.

"Nananalig akong ang muling pagtugaygay ng mga kabataang dayuhan sa landas ng Long March ay naglalayong sambahin at hanapin ang isang uri ng diwa."

Marami pang ibang aktibidad bilang paggunita sa Long March. Idinaos kamakailan sa Beijing ang isang malaking vocal concert--Long March Ode: Paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Long March ng Red Army, at ito ay nagpapakita ng walang-katulad na mayamang pamana ng Long March.