Dumating noong Biyernes ng Lunsod ng Xiamen ng Lalawigang Fujian ng Tsina si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas para pasimulan ang kanyang pagdalaw sa Tsina. Sa kanyang talumpati sa welcome ceremony, isinalaysay ni Arroyo ang pagtutulungan ng Tsina't ASEAN, Pilipinas't Tsina at Pilipinas't Fujian. Ipinahayag niyang may espesiyal na relasyon ang Pilipinas at Fujian at umaasa siyang ibayo pang mapapasulong ang relasyon ng Pilipinas at Fujian. Nagbigay-galang si Arroyo sa istatuwa ni Jose Rizal sa Lunsod ng Jinjiang ng Fujian at dumalaw din siya sa Lalawigan ng Jiangxi.
Kinapanayam noong Martes ng Serbisyo Filipino ang kanyang kamahalan na si Sonia Cataumber Brady, embahador ng Pilipinas sa Tsina. Inilahad ni Mrs. Ambassador ang layo ng narting ng relasyong Sino-Asean at relasyong Sino-Pilipino at ipinahayag din niya ang kanilang sariling mungkahi hinggil sa kung papaanong mapapasulong pa ang naturang mga relasyon. Ipinahayag din niya ang kaniyang obserbasyon sa Tsina noong 30 taon ang nakalipas at Tsina ng kasalukuyang panahon. Sinabi rin ng kanyang kamahalan na bilang kasalukuyang tagapangulo ng Asean, bibigkas ng talumpati si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas sa China-Asean Commemorative Summit at gayundin sa ikatlong CAEXPO, China-Asean Expo, na kapuwa gaganapin sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, sa katapusan ng kasalukuyang buwan. Inilahad din niya ang hinggil sa inaasahang matatamong bunga ng Pilipinas sa gaganaping CAEXPO at gayundin sa itatampok na produkto ng lalahok na bahay-kalakal na Pilipino.
Dumating noong Huwebes ng Maynila ang plota ng Tsina at sinimulan nito ang 5 araw na dalaw pangkaibigan sa Pilipinas. Sa seremonyang panalubong, sinabi ni Wang Fushan, pangalawang komander ng north sea fleet ng hukbong dagat ng Tsina na ang layunin ng pagdalaw na ito ay maisakatuparan ang komong palagay ng mga lider ng 2 bansa hinggil sa pagtatatag ng estratehikong partnership na nagsisikap para sa kapayapaan at pag-unlad, at mapasulong ang ibayo pang pag-unlad ng relasyong pangkaibigan ng 2 bansa. Sinabi naman ni Raul Ruivivar, komander ng navy fleet ng Pilipinas na mainit na tinatanggap nila ang pagdalaw ng plota ng Tsina at umaasa ang hukbong-dagat ng Pilipinas na mapapalakas ang pagpapalitan, kooperasyon at pagkakaibigan nila ng hukbong-dagat ng Tsina.
Idinaos noong Lunes sa Beijng ang seremonya ng pagsisimula ng serye ng aktibidad ng Tsina-Asean Friendship Tour ng taong 2006. Sinamatala ng delegasyon ng Friendship Tour ang pagkakataon ng ika-15 anibersaryo ng pagtatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN para opisiyal na magpasimula ng aktibidad na ito sa ika-27 ng kasalukuyang buwan, tutulak ito sa ika-30 ng buwang ito mula sa Guangxi ng Tsina sa Biyetnam, Laos, Cambodia, Thailand, Malaysiya, Singapore at iba pang bansa na tatagal ng 20 araw. sa paglalakbay, nagsasagawa ang delegasyon ng serye ng aktibidad na gaya ng pagpapalitang kultural, talastasang pangkalakalan, mapagkiwanggawang pag-aabuloy para ipahayag ang hangarin ng mga mamamayang Tsino kasama ng mga mamamayan ng mga bansang ASEAN na itatag at pahigpitin ang pagtitiwalaan, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba't ibang antas at larangan.
Ipinahayag dito sa Beijing noong Martes ni Tang Jiaxuan, kasangguni ng estado ng Tsina, na umaasa siyang magkasamang magsisikap ang Tsina at Thailand para puspusang na pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng kultura, edukasyon, siyensiya at teknolohiya, kaligtasan at iba pa at pasulungin ang walang humpay na pagpapalalim ng estratehikong partnership na pangkoopersyon ng dalawang bansa. Sinabi ito ni Tang nang araw rin iyon sa kanyang pakikipagtagpo kay Sid Szadsila, ministro ng Privy Council ng Thailand. Ipinahayag din ni Tang na nananalig siyang patuloy na mapapanatili ng Thailand ang katatagan at harmoniya at walang humpay na matatamo nito ang bagong bunga sa landas ng pagtatatag at pagpapaunlad ng bansa. Inilahad ni Sid ang kalagayang pulitikal sa loob ng Thailand at ipinahayag niyang hindi magbabago ang patakarang panlabas ng Thailand. At patuloy na magsisikap siya para pasulungin ang pagkaibigan at kooperasyon ng Tsina at Thailand.
|