• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-02 09:42:47    
Teknolohiyang pangnabigasyon ni Zheng He

CRI
Sa kanilang mahigit-30 taong ekspedisyon sa Indian Ocean at Western Pacific, maraming bagong linyang pandagat na tulad ng linyang naglalayag sa Indian Ocean hanggang sa Aprika ang nilikha ni Zheng He at ng kanyang plota. Sa prosesong ito, napaunlad din ang mga teknolohiyang pangnabigasyon ng plota ni Zheng He.

Noong Song Dynasty, sinimulan nang gamitin ng mga mamamayang Tsino ang compass sa nabigasyon. Pero, limitado ang gamit ng compass: ibig sabihin, maaari itong makapagturo ng direksyon, pero, hindi nito maaring itakda posisyong heograpikal sa dagat ng mga bapor. Kaya, kung maglalakbay-dagat sa maliwanag na gabi si Zheng He at kanyang plota, kasabay ng paggamit ng compass, ginagamit nila, pangunahin na, ang astronomikal na teknolohiyang pangnabigasyon, alalaong baga'y itinatakda nina Zheng He ang posisyong heograpikal ng kanilang mga bapor sa pamamagitan ng lokasyon ng mga tala. Madalas na itinatakda ang lokasyon ng bapor sa direksyong hilaga-timog sa pamamagitan ng pagsukat sa sea-level height ng Polaris. Pero, masalimuot ang panahong pandagat at kung magiging maulap at hindi makikita ang mga bituin, hindi maaaring gamitin ang astronomikal na teknolohiyang pangnabigasyon. Sa kondisyong ito, dapat umasa sa pisiograpikal na teknolohiyang pangnabigasyon. Ang pisiograpikal na teknolohiyang pangnabigasyon ay isang teknolohiyang ayon sa linya, layo, lalim ng tubig, anyo sa ibaba ng ilog o dagat na itinatadhana ng mapang pangnabigasyon, sa pamamagitan ng iba't ibang instrumentong tulad ng compass, log, sounder at iba pa, iginagarantiyang mapayapang makakarating ang mga bapor sa destinasyong puwerto. Noong sinaunang panahon ng Tsina, maraming pamamaraan ng pisiograpikal na teknolohiyang pangnabigasyon ang nilikha ng mga mamamayang Tsino. Sa kanilang paglalakbay-dagat, tinupad ni Zheng He at kanyang plota ang naturang mga teknolohiya at sarilinang lumikha rin sila ng pisiograpikal na teknolohiyang pangnabigasyon.

Ang isa pang ambag ni Zheng He ay ang kanyang Nautical Chart. May 24 na pahina ito na kinabibilangan ng isang pahina ng paunang salita, 20 pahina ng linyang pandagat, 2 pahina ng larawan hinggil sa pagtatakda ng posisyong heograpikal ng bapor sa pamamagitan ng lokasyon ng mga bituin at isang pahinang walang-sulat. Ito ay ang pinakasinaunang tsart na pandagat ng daigdig. Ang saligang linyang pandagat na inilalarawan sa tsart ay mula sa Nanjing, kasalukuyang kapital na lunsod ng Jiangsu, lalawigan sa silangan ng Tsina, at naglalagos ito sa Yangtze River hanggang sa dagat. Pagkatapos nito, naglalakbay ito patimog, at dumadaan ito sa Indo-China Peninsula, Malay Peninsula, Malacca Strait, at naglalakbay lampas sa Sri-Lanka at umaabot ng Maldives. Mula sa Maldives, 2 linyang pandagat ang umabot pakanluran---ang isa ay tumatawid sa Indian Ocean at dumarating ng silangang pampang ng Kontinenteng Aprikano at ang isa naman ay dumaraan sa Arab Gulf at nakakarating ng Iran.

Ang mga dinadaanang bundok, isla, tulay, templo, lunsod at iba pa ay inilalarawan sa tsart sa pamamgitan ng tradisyonal na three-dimensional landscape painting ng Tsina at bunga nito'y maliwanag na nagiging reperensiya ang mga ito. Itinatakda rin, sa pamamagitan ng hugis-kuwadradong krokis, ang mga pangunahing dinaraanang bansa at dibisyong administratibo sa iba't ibang antas. Mahigit 530 pangalan ng mahigit 30 bansa at rehiyon sa Western Pacific at Indian Ocean ang makikita sa naturang tsart. Itinatakda rin sa tsart ang mga pigura ng direksyon at milyahe ng biyahe, bagay na napakapraktikal.

Ang Tsart na Nautikal ay may mahalagang katuturan bilang patunubay sa paglalakbay-dagat. Mahalaga rin ang katuturan nito sa pananaliksik sa sinaunang kasaysayang pangnabigasyon ng Tsina at paglikha ng linyang pandagat mula sa Asya hanggang sa Aprika.