• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-02 16:45:18    
Ang kuwento hinggil sa pandang si Basi

CRI

Gaya ng alam ng marami sa inyo, ang panda ay itinuturing na national treasure ng Tsina. Sa Fuzhou, isang lunsod ng lalawigang Fujian sa dakong timog silangang Tsina, may isang popular na popular na panda – si Basi. Ang mascot na tinaguriang "Panpan" ng ika-11 Asian Games ay sa kaniya itinulad. 26 na taong gulang na ngayon si Basi at ang proporsyon ng gulang ng panda at tao ay mga 1:4. Kaya, sa panahon ng tao, si Basi ay mahigit 100 taong gulang na ang tanda. Sa artikulong ito, isasalaysay sa inyo ang kuwento hinggil sa popular na pandang ito.

Nang makita si Basi ng aming mamamahayag, kasalukuyang dinadalaw siya ng kaniyang life saver na si ginang Li Yuxing mula sa lalawigang Sichuan:

"Basi, narito si mama, may dalang pagkain mula sa mga kamag-anak sa lupang tinubuan mo."

Datapuwa't mahigit 20 taon na ang nakaraan, maliwanag pa rin sa alaala ni Li ang kalagayan ng pagkakaligtas sa buhay ni Basi. Isang araw ng Pebrero ng taong 1984, dakong hapon, nagtatanim si Li ng gulay sa kaniyang sakahang malapit sa ilog. Nang biglang mamataan niya ang isang itimat puting bagay na lulutang-lutang sa ilog. Nang mapalapit, natuklasan niyang ito ay isang panda. Agarang tumalon siya sa ilog at iniligtas ang panda mula sa tubig.

Pagkaraan ng isang gabing pagsisikap, matagumpay na napakain ni Li ang panda ng ilang bagay at pinainitan din niya ang katawan nito sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang kasuutan at pagsusunog ng apoy at unti-unting bumubuti ang kalagayan ng panda. Dinala ni Li ang panda sa isang natural reserve zone. Dahil ang panglan ng nasabing ilog kunng saan nailigtas ang panda ay "Basi Gou" at sa wikang Tsino, ang taong 1984 ay "Basi" rin, ang panda na ito ay pinangalanang "Basi".

Noong 1985, ipinadala si Basi sa Fuzhou Panda Research Centre. Salamat sa maingat na pag-aalaga at paggamot ng mga feeder ng sentro at doktor ng isang osipital na militar sa Fuzhou, mabilis na napanumbalik ang kalusugan ni Basi, Sinabi ni Chen Yucun, direktor ng nasabing sentro na:

"Nang kailanganin ni Basi ang pagsusuring medikal o makaranas ng grabeng sakit, agarang hininto ng mga doktor ang kanilang trabaho para gamutin si Basi, at ang lahat ng mga ito ay walang bayad."

Sa Fuzhou, natuto si Basi ng iba't ibang tricks na tulad ng pagsu-shoot sa basket, weight lifting, pakikipag-usap sa telepono at iba pa. Noong 1987, nang dumalaw sa rehiyon ng kanlurang pampang ng E.U., naging kilalang-kilala si Basi kapuwa sa Tsina at E.U.. Noong 1990, sa paanyaya ng Beijing, lumahok si Basi sa mga pagtatanghal ng ika-11 Asian Games, at ang mascot ng paligsahang ito ay iminodelo rin kay Basi rin. Kaya, ang kaibig-ibig na si Basi ay hindi lamang nagkamit ng pagmamahal ng buong mamamayang Tsino, kundi maging ng mga mamamayang Asyano.

Maraming tao ang nagpahayag ng kanilang pagmamahal kay Basi sa iba't ibang paraan. Si He Tianwei, puno ng samahan ng pangangalaga sa Panda ng Macau ay isa sa kanila. Noong 2005, sinadya niyang pumunta sa Fuzhou para ipagdiriwang ika-25 kaarawan ni Basi. Aktibong nangilak rin siya ng pondo para makapag-print ng picture album na pinamagatang "Ang pangangalaga sa panda sa baybaying dagat sa dakong timog silangang Tsina". Sinabi ni He na:

"Sa pangkaraniwang kondisyon, napapanatili nang 12 taon ang buhay ng panda. Ngunit, 26 taong gulang na ngayon si Basi. Lubos na nagpapakitang ito napakataas ng lebel ng pananaliksik na pansiyensiya't ng Tsina sa pangangalaga sa panda, makakapagbahagi kami ng mga karanasan sa larangang ito sa buong daigdig.

Sinabi rin ng isang matandang residente ng Fuzhou na ang panda ay pride ng buong mamamayang Tsino at ang 26 taong gulang na Basi ay pride ng mga taga-Fuzhou.

Kasunod ng pagtanda, tulad din naman ng tao, nagiging nasasakitin din si Basi, ngunit, paulit-ulit na naililigtas siya ng mga doktor. Sa kasalukuyan, malusog na naninirahan pa rin sa Fuzhou si Basi.