Ang Yiwu ay isang maliit na lunsod sa Lalawigan ng Zhejiang sa dakong silangan ng Tsina. Ang Lunsod ng Yiwu ay kilalang kilala sa processing industry at pakyawan ng mga maliliit na komoditi at ang buong lunsod na ito ay unti-unting nagiging isang bantog na lunsod ng Tsina sa buong daigdig.
Ang Yiwu ay lunsod na may kabuuang saklaw na 15.4 na kilometro-kuwadrado at ang populasyong umaabot sa mga 200 libo. Sa buong lunsod, may 26 na libong puwesto lahat-lahat na nagbebenta ng mga maliliit na komoditi at ang kabuuang saklaw ng mga ito ay umaabot sa mahigit 500 libong metro-kuwadrado. Ang Yiwu ay isang mayamang lunsod sa Tsina. Noong isang taon, ang GDP per capita nito ay lumampas sa 3 libong Dolyares at karaniwan na lang ang milyonaryo sa lunsod na ito. Bakit ganito kayaman ang mga taga-Yiwu? Pagkaraang basahin ang artikulong ito, malalaman ninyo ang dahilan.
Si Zhou Weili ay isang 33 taong gulang na mamamayan ng Lunsod ng Yiwu. Pagkatapos ng pag-aaral sa senior high school, sinimulan niyang magpatakbo ng isang puwesto na nagbebenta ng mga headwear. Pagkaraan ng mga 8 taong pag-unlad, siya ay naging isang kilalang kilalang mangangalakal sa lokalidad.
"Mula noong taong 1995, sinimulan kong magbenta ng mga headwear. Sa simula, maliit ang tindahan ko at ang mga headwear na ibinebenta ko ay binibili ko lamang mula sa mga ibang lunsod na gaya ng Guangzhou at Shenzhen. Noong taong 1998, binuksan ko ang isang may mga 200 taong bahay-kalakal na gumagawa ng mga headwear. Unti-unting lumalaki ang saklaw ng bahay-kalakal ko at dumadami ang uri ng mga niyayari namin. Sa kasalukuyan, nagluluwas kami bawat buwan ng dalawang container ng mga produkto sa mahigit 100 bansa at rehiyon na kinabibilangan ng Europa, E.U., Aprika, Gitnang Silangan at iba pa."
Ipinalalagay ni Zhou na ang kanyang tagumpay ay utang sa reporma at pagbubukas ng bansa at sa suporta ng pamahalaang lokal. Ngunit siyempre, ang kanyang pagiging matalino sa negosyo ay isa ring mahalagang dahilan. Sa harap ng palaki nang palaking kompetisyon sa pamilihan, hindi lamang walang humpay na pinayayaman ni Zhou ang sariling estruktura ng kaalaman, nagtakda rin siya ng isang pangmalayuang target para sa kanyang kompanya.
"Ang susunod na target ko ay ang pagpapasimula ng negosyo at pagbubukas ng mga sangay sa ibang bansa. Sa loob ng darating na limang taon, magkakaroon ako ng mga sariling tindahan sa mga bansang Europeo na gaya ng Pransya at Italya."
Di-tulad ni Zhou, si Jin Luzhen ay hindi katutubong mamamayan ng Yiwu at pumunta lamang siya rito para samantalahin ang pagkakataon sa negosyo.
"Madali raw ang pagtatakbo ng negosyo sa Yiwu, kaya pumunta ako rito para subukin ang aking suwerte. Noong simula, binuksan ko ang isang kompanya ng mga sampung tao. Ngunit sa kasalukuyan, may halos isang daan tao sa aking kompanya at lumaki rin ang saklaw ng negosyo."
Nagtagumpay rin si Jin sa Yiwu. Sa kasalukuyan, ang sales volume ng kanyang kompanya ay umabot sa mga 10 milyong yuan RMB bawat taon at malaki rin ang ipinagbago ng kanyang pamumuhay. Sinabi niya,
"Nalampasan ngayon ng aking pamumuhay ang maalawang lebel at ang aking kita bawat taon ay umaabot sa mga 1 milyong yuan RMB. Mayroon akong isang kotseng Honda at sa kasalukuyan, nag-aaral ako ng computer at wikang Ingles."
Noong mga 20 taong nakaraan, ang Yiwu ay isa lamang palengke ng mga maliliit na komoditi, ngunit sa kasalukuyan, ito ay isa nang collecting at distributing centre. Ang bilang ng mga mamimili sa mga tindahan ng lunsod ay umaabot sa ilang daang person time bawat araw Mga 4000 mangangalakal na dayuhan ang pirmihang nakakatalaga sa Yiwu para bumili ng mga maliliit na komoditi at ang mga paninda na niyayari sa Yiwu ay ibinebenta sa iba't ibang lugar ng Tsina at mahigit 120 bansa at rehiyon sa daigdig. Noong isang taon, ang kabuuang halaga ng transaksyon ng mga maliliit na komoditi sa buong lunsod ay umabot sa 24 bilyong yuan RMB.
"Pagtatatag ng pinakamalaking supermarket sa buong daigdig", sumusulong ang mga taga-Yiwu sa target na ito.
|