May isang pulgada lamang ang haba at mas magaan kaysa sa isang mana, sila ay hindi talagang mga heavyweights. Pero sa tingin ng mga tagahanga nila, natatakpan ang kanilang pagka-bulinggit ng katapangan nila na tulad ng walang inuurungang "bull". Sila ay mga crickets, mga insektong humuhuni kung maganda ang "mood" pero para namang diyablo kung magalit.
Sa fighting season sa panahon ng taglagas, pokus ng atensyon ng libu-libong Tsino ang maliit na mandirigmang ito. Kausapin mo ang isang mahilig mag-alaga ng cricket at tuwang tuwa niyang sisimulan ang kanyang litanya hinggil sa kasiyahang dulot sa kanya ng kanyang mga maliit na pet. Nanggagaling ang mga cricket lovers sa lahat ng mga sirkulo ng lipunan at puro sila lalaki. Dahil sa atraksyon ng prospekt ng ibang mga nakapangingilig na labanan, pumupunta sila sa arena na dala ang alaga nilang insekto sa maliliit na kahon.
Maaring sobra sa pagka-agresibo ang mga crickets. Sa tuwing magkikita ang dalawang cricket sa isang masikip na lugar, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan. Madalas ginaganap ang boksing sa isang mesang tatakpan ng magaspang na papel at napapaligiran ng bubog. Ang duel ay maikli at mabangis.
Malamig na nagtititigan muna ang mga crickets nang walang-galaw, nagpapakiramdaman sa pamamagitan ng kanilang nanginginig na antennae hanggang walang-kaabug-abog tatalon ang isang cricket sa pagtatangka nitong ibaon ang parang labahang ngipin nito sa kanyang kaaway. Muuwi ito sa isang mabangis na wrestling. Nagsisikap ang bawa't isa na malusutan ang depensa ng kalaban para kagatin nang mariin. Banat-banat ang laman ng kanilang malakas na paa sa hulihan habang nagsisikap silang manimbang para mapahina ang posisyon ng isa. Ilang segundo rin silang maglilingkisan, at pagkatapos, maghihiwalay pansamantala bago ipagpatuloy ang labanan. Natatapos ang labanan pagnasugatan na ang isa o sumuko at umurong ito. Pagkatapos, ang nanalo ay nagsasagawa ng isang bukod-tanging ritual sa pamamagitan ng malakas na paghuni at pagpapaaspas ng manipis at parang gossamer na pakpak nito. Ang talunan naman, pati ang taong trainer nito, ay laylay-ulo at lulugu-lugong aalis.
Katulad din naman ng boksing ng tao, ang suntukan ng mga cricket ay mayroon ding "weight divisions". Ang featherweights ay mga 0.3 gram at ang heavyweights naman ay sisimula sa 0.4 gram.
Katulad rin ng boksing, mayroon itong elimination, semi-finals at finals. Makikipaglaban ang isang local champion sa ibang local champion, at mga iba pa hanggang sa probinsyal at kahit na rehiyonal na championships. Kaya iyong ilang natitirang matibay ay maaaring maging beterano ng isang daan o mas maraming bouts. Hindi magkakasintalino ang lahat ng mga crickets sa arte ng walang-sandatang labanan.
|