Nitong ilang libong taong nakalipas, nagbigay ng malaking ambag para sa pag-unlad ng nasyong Tsino ang Yangtze at Yellow Rivers, kaya, tinawag ang mga itong inang-ilog o mother river ng mga mamamayang Tsino. Ngunit, nitong ilang taong nakalipas, kasabay ng pag-unlad ng kabuhyan, marami sa mga bahay-kalakal sa mga pampang ng nasabing 2 ilog ay nagdulot ng polusyon sa kapaligiran. Simula noong 1999, nagsagawa ang Tsina ng isang aktibidad na tinawag "Pangangalaga sa Inang-ilog". Dahil sa aktibidad na ito, maraming boluntaryong kabataang Tsino ang lumahok sa pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ng mga ilog. Noong nagdaang taon, ang aktibidad na ito ay nagkamit ng kauna-unahang Champions of the Earth Award ng UN. Sa artikulong ito, isasalaysay sa inyo ang kuwento hinggil sa ilang boluntaryo.
Ang nasabing "Pangangalga sa Inang-ilog" ay magkakasamang itinaguyod ng komite sentral ng Chinese Communist Youth League, pambansang kawanihan ng pangangalaga sa kapaligiran at iba pang may kinalamang departamento ng Tsina. Ito ay naglalayong pangalagaan ang kapaligirang ekolohikal sa mga purok ng Yangtze at Yellow Rivers at iba pang malaking ilog. Isinalaysay ni He Junke, isang may kinalamang namamahalang tauhan ng komite sentral ng Chinese Communist Youth League na nagkamit ang aktibidad na ito ng malawakang pagkatig ng iba't ibang antas ng lipunan at mainam ang mga natamong bunga nito sa pangangalaga sa kapaligiran. Sinabi niyang:
"Bunga ng aktibidad na ito, 350 milyong kabataan per person-time ang lumahok sa pangangalga sa inang-ilog, at 380 milyong Yuan RMB ang nalikom mula sa labas at loob ng bansa, mahigit 281 libong hektarya ng artipisiyal na kagubatan ang naitayo sa mga purok ng malalaking ilog ng Tsina. Dahil sa mga ito, epektibong napabuti ang kapaligirang ekolohikal ng malalaking ilog ng Tsina."
Nitong 7 taong nakalipas, maraming batang boluntaryo ang lumahok sa aktibidad. Ang 28 taong gulang na si Ma Xiuping ay isa sa kanila. Tumira siya sa bayang Datong ng lalawigang Qinghai sa hilagang kanlurang Tsina na nasa upper reaches ng Yellow River. Nitong ilang taong nakalipas, maraming bahay-kalakal na lumilikha ng grabeng polusyon ang naitayo sa Datong at ang mga ito ay nagtatapon ng maruming tubig sa Yellow River. Bilang isang tagpagsuperbisa ng departamento ng pangangalga sa kapaligiran ng pamhahalang lokal, ang pang-araw-araw na gawain ni Ma ay subaybayan ang mga bahay-kalakal na itp para malaman ang laki ng dulot nilang pulusyon sa kapaligiran. Ngunit, bukod sa kaniyang sariling gawain, nagpasimula rin siya ng mga iba pang aktibidad na gaya ng pag-oorganisa ng isang grupo ng mga boluntaryo sa kaniyang bayan, pagngingilak ng pondo para sa pagtatanim ng mga puno, pagsasagawa ng mga promosyon hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran at iba pa para maipaalam sa mga tao ang kahalaghan ng pangangalga sa Yellow River. Sinabi niyang:
"Gusto kong ipaalam sa mga tao na ang pangangalaga sa Yellow River ay hindi lamang naglalayong mapangalagaan ang lupang tinubuan, kundi para mapangalagaan din ang aming nag-iisang planetang mundo. Ang pangangalga sa inang-ilog ay nangangahulugan ng pangangalaga sa aming planeta."
Dahil sa malawakang impluwensiya ni Ma at ng iba pang boluntaryo sa lokalidad, nagkaroon ng kamalayan ang mga residente hinggil sa kahalagan ng pangangalaga sa inang-ilog. Sa kasalukuyan, kusang-loob na silang nangangalaga sa Yellow River.
Si Yelan ay isang free-lancer at hindi siya mayaman. Ngunit, natanim siya ng mga puno na sumasaklaw sa 0.2 hektarya ng lupa sa pampang ng Yellow River at ito ay sa sarili niyang gastos. Bukod dito, palagiang nagsasagawa rin siya ng promosyon hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran sa mga paaralan sa iba't ibang lugar ng Tsina. Sinabi niyang:
"Mayroon akong blog at mayroon akong 2 aklat na ipapalabas ngayong taon. Umaasa akong maalaman ng higit na maraming tao ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal sa pamamagitan ng pagsisikap ko."
Marami ring estudyente ng mga pamantasan ang luamhok sa aktibidad na ito. Sinabi ng isa sa kanila, si Fu Jin, na bilang mag-aaral, hindi sila nagsasagawa ng mga konkretong gawain na gaya ng pagsusuberbisa at iba pa, ngunit, maaari silang gumawa ng ilang maliit na bagay na gaya ng promosyon at iba pa at umaasa silang mas maraming tao ang makakalahok sa pangangalaga sa inang-ilog sa pamamagitan ng kanilang aksyon.
|