• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-10 21:52:28    
Si Ma Ji, isang alagad ng sining

CRI
Kung ihahambing sa Pinyin, may espesyal na pang-akit ang titik at wikang Tsino. Sa sining ng pandinig, naipapakita ng comic dialogue ang katangiang ito. Sa ating programa sa gabing ito, ipakikilala namin sa inyo si Ma Ji, kasalukuyang pinakabantog na alagad ng sining sa sirkulo ng comic dialogue ng Tsina.

Ang inyong naririnig ay mula sa comic dialogue na tinawag na "Friendship Ode" na magkasamang itinanghal nina Ma Ji at Tang Jiezhong noong ika-7 dekada ng nagdaang siglo, at ang nilalaman nito'y may kinalaman sa pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsina at mga bansang Aprikano. Napaka-agang lumitaw ang comic dialogue ng Tsina, at ito'y naging isang nagsasariling sining noong huling dako ng ika-19 na siglo hanggang unang dako ng ika-20 siglo.

Nang mabanggit ang sanhi ng pagkakalikha ng "Friendship Ode", sinabi ni Ginoong Ma Ji na,

"Ang 'Friendship Ode' ay nilikha 30 taon na ang nakararaan, at ang first draft ay gawa ni Ginoong Yi Xizu, na nagtatrabaho sa ika-3 instituto ng pananaliksik na pansiyensiya't panteknolohiya ng Ministri ng Daam-bakal ng Tsina, at siya'y lumahok sa disenyo at konstruksyon ng Tan Zan railway. Nagugustuhan ng mga mamamayan ang gawang ito."

Ang "Friendship Ode" ay isa sa mga bumilang ng daang comic dialogue na nilikha at itinanghal ni Ginoong Ma Ji.

Noong taong 1934, si Ma Ji ay isinilang sa isang napakahirap na pamilya. Dahil sa presyur mula sa pamumuhay, nagtrabaho si 14 taong-gulang na Ma Ji sa isang spinning mill ng Shanghai bilang isang aprentis. Pagkaraang maitatag ang bagong Tsina, siya ay nagtrabaho sa Beijing Xinhua Bookstore.

Noong taong 1956, lumitaw ang turning point sa buhay ni Ma Ji. Sa isang amateur competition, ang kaniyang talento ay nagtamo ng papuri ng mga beteranong alagad ng sining ng Tsina, at opisyal siyang sumapi sa China Broadcast Performing-Arts Troupe at naging isang propesyonal na alagad ng comic dialogue. Bunga ng patnubay ni Ginoong Hou Baolin, bantog na alagad ng comic dialogue ng Tsina at sa sariling malaking kakayahan, sa loob ng maikling na panahon, naging kapansin-pansin si Ma Ji sa sirkulo ng comic dialogue.

Nitong mahigit 50 taong nakalipas, nilikha at itinanghal ni Ma Ji ang mahigit tatlong daang gawang comic dialogue. Sa mga bansa't rehiyon kung saan maraming naninirahang ethnic at overseas Chinese, mainit na tinanggap ang mga comic dialogue ni Ma Ji. Dahil sa pagkahilig sa kulturang Tsino, nagugustuhan ng ilang mag-aaral na dayuhan sa Tsina ang comic dialogue, at magkakasunod na natutuhan nila ang mga kaalamang may kinalaman sa comic dialogue, at nagturo si Ma Ji ng ganitong kaalaman sa kaniyang mga foreign apprentices. Sinabi niya na,

"Noong isang taon, sinulat ko ang isang comic dialogue na tinawag na 'Looking for Name Brand' na may kinalaman sa mabilis na pag-unlad ng industriya ng aming nasyon. Lumakas ang aming kamalayan sa mga kilalang tatak, at nagugustuhan ng mga mamimili ang mga panindang Tsino. Naghanap ako ng dalawang dayuhan, isa ay galing sa Aprika, at isa galing sa Pransya at itinanghal namin ang programang ito."

Sinabi ni Ma na katulad ng mga tradisyonal na kulturang Tsino na gaya ng Beijing opera, folk song at paper-cut, naipluwensiyahan ng comic dialogue ang modernong media at entertainment industry. Mula noong ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, mabagal ang pag-unlad ng comic dialogue. Nitong dalawang taong nakalipas, bunga ng pagtataguyod ng estado sa pangangalaga sa tradisyonal na katutubong kultura, tumataas nang tumataas ang kasiglahan ng mga mamamayan sa mga tradisyonal na kultura, at naging mainit muli ang comic dialogue sa pamumuhay ng mga mamamayan.

Bilang isang bantog na alagad ng sinig, maraming ulit na pumunta si Ma Ji sa iba't ibang purok ng daigdig para lumahok sa mga pagpapalitang pangkultura ng Tsina at ibang bansa. Noong nagdaang taon, pumunta siya sa Aprika, at nagtanghal siya doon kasama ng mga lokal na alagad ng sining.