• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-13 14:53:36    
Monasteryong Templo ng Jokhang

CRI
Isa sa nga pinakamaagang konstruksyon sa Tibet ang Monasteryong Templo ng Jokhang. Pinaunlad ang lunsod Lhasa alinsunod sa kalagayan sa paligid ng templong ito. Ayon sa kasabihan, pinahakot ng lupa ni Prinsesa Wencheng ng Dinastiyang Tang ang mga kambing upang punan ang lawa at itinayo doon ang monasteryong Templo ng Jokhang. Hanggang ngayo'y nasa labas pa ng pintuan ng templo ang punong willow na itinanim nina Prinsesa Wencheng at Songzanganbu at nasa tabi ng punong willow ang bantog na "Lapidang Alyansa ng pamangkin at tiyo" na tinatawag ding "Lapida ng Alyansa ng Chang Qinghui".

Noong taong 648 itinayo ang monasteryong ito. Ilang ulit itong inayos at pinalaki. Hanggang noong ika-l7 siglo saka nagging katulad ng sa kasalukuyan ang laki. Nasa kalyeng Bajiao ng lunsod Lhasa ang templong ito, nakaharap sa kanluran, may 4 na palapag,nagtataglay ito ng estilo ng arkitektura ng Dinastiyang Tang at humugot din ng katangian ng sining ng arkitektura na Nepal at India.Nilatagan ng ginto ang bubungan, pinalamutihan din ng ginto ang palupo. Talagang maringal at nakasisilaw sa paningin. May 20 malaking haligi sa pangunahing bulwagan sa loob ng templo. Inukitan ng mga emehe ng tauhan, hayop at ibon ang barakilan sa panaklong ng haligi. Nakalagay sa pangunahing bulwagan ang rebolto ni Sakyamuni nang siya'y 7 taong gulang. Dinala ito dito ni Prinsesa Wencheng mula sa Chang-an.

Sa mga silid sa magkabilang tabi ng pangunahing bulwagan ay may mga rebulto nina Songzanganbu. Prinsesa Wencheng at Prinsesa Chenzun. Napakahusay at buhay na buhay ang pagkakaga. Noong nobyembre 30,2000, pinagtibay ng komite ng pagpapahalaga sa mgas pamanang pandaigdig ng UNESCU na ilakip ang Monasteryong Templo ng Jokhang sa aytem ng pagpapaunlad ng Palasyo ng Potala, pamanang cultural ng daigdig.