• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-16 14:39:59    
Paghahanap at pag-aalaga ng crickets

CRI
Naghahanap ang mga crickets lovers kung saan-saan para makakita ng cricket na talagang magaling.

Upang mahanap ang mga mahusay na mandirigmang cricket, tuwing Agosto, pagmalapit na ang fighting season, pupunta ang maraming cricket lovers sa Ningyang, isang maliit na bayan sa Shandong Province, sa dahilang ang mga cricket doon ay may magandang reputasyon para sa pagiging malaki, malakas at mahusay.

Nakaluhod araw at gabi ang mga manghuhuli ng cricket para hanapin ang isa pang Mike Tyson sa daigdig ng insekto. Ang pinakaimportante, dapat lumabas bago magmadaling araw kung kailan pinakamaingay ang mga crickets. Paborito nilang puntahan ang mga pastulan at taniman ng mais. Malalaman ng isang bihasang mangangaso ang kahusayan ng isang cricket sa pamamagitan ng lakas at dalas ng huni nito. Ang mangangaso, na armado ng net at flashlight, ay palihim na susubaybay sa kanyang walang kahina-hinalang biktima na masayang humuhuni at walang kamalay-malay na hindi magtatagal, siya ay magiging isang gladiador.

Mas madaling mag-alaga ng cricket kaysa manghuli nito. Kahit na sa panahon ng istriktong pagsasanay, hindi maseselan ang mga maliit na mandirigmang ito sa pagkain; kuntento na sila sa kanin, prutas at gulay. Gayunman, kinakailangang panatilihin silang maginhawa sa isang maumido at malamig-lamig na klimang katulad ng sa kanilang natural na bahay. Napakapopular ng boksing ng mga cricket noong panahon ng Tang Dynasty mula noong ika-7 hanggang ika-10 siglo. Haling na haling ang isang emperador sa isport na ito kaya inutusan niya ang mga magsasaka na magbayad ng kanilang buwis sa pamamagitan ng top class crickets. Sa ilalim ng suporta sa ganitong lebel, hindi kataka-takang magsulat ng mga libro tungkol sa temang ito. Mababasa ng mga trainer ng cricket ang mga payo ng mga eksperto sa maraming libro noong panahong iyon na naglalarawan ng iba't ibang lahi ng cricket at nagbibigay-payo sa mga pangunahing bagay na tulad ng kung paano pakainin at ibahay. Maaring maging napakataas ng istandard ng akomodasyong na-eenjoy ng mga champions na may iba't ibang hugis o yari sa mga mahahalagang materyal at madalas magaganda ang dekorasyo. Dahil nga sa marami ang talagang lokong-loko sa pagpusta sa paborito nilang mandirigma, nagsikap ang pamahalaan para mapigil ang cricket fighting. Pero mahirap mapawi ang tradisyon at ang cricket fighting naman ay balik din nang balik nang may tunog ng tagumpay.