Nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim na rin ng magkasamang pagsisikap ng magkabilang panig, walang humpay na lumalalim ang pagpapalitan ng magkabilang pamapang ng Taiwan Straits at mas maraming kababayang Taywanes ang nagpunta sa mainland para mag-aaral o mag-negosyo. Para naman mahatdan sila ng isang magandang kapaligiran, walang humpay na nagsisikap ang mga tanggapan sa suliranin ng Taiwan ng iba't ibang lugar ng Tsina. Sa artikulong ito, isalaysay sa inyo ang mga bagay na may kinalaman sa tanggapan sa mga suliranin ng Taiwan ng lalawigang Sha'anxi.
Ang lalawigang Shaanxi ay nasa dakong kanluran ng Tsina. Ito ay nag-aangkin ng maraming makasaysayng lugar na gaya ng Mausoleum of the First Qin Emperor, Terra-Cotta Warriors and Horses at iba pa. Ngunit, para sa mga Buddhist ng Taiwan, ang Famen Temple sa kabiserang Xi'an ng lalawigang ito ay pinaka-kaakit-akit na lugar na natural lamang. Dahil idinadambana dito ang Buddhist relics ni Sakyamuni. Nitong maraming taong nakalipas, gustung gusto ng Buddhist circle ng Taiwan na itanghal ang nasabing nasabing Buddhist relics sa isang eksibisyon sa Taiwan. Ngunit, sapul nang matuklasan ang Buddhist relics noong 1987, liban sa Thailand, hindi na ito kailanman umalis ng Sha'anxi papunta sa ibang lugar. Para matugunan ang hangarin ng mga kababayang Taywanes, noong 2002, ipinasiya ng mainland na sang-ayunan ang pagpapadala sa Taiwan ng Buddhist relics. Sa 37 araw na eksibisyon sa Taiwan, nagging katanggap-tanggap ito at mahigit 4 na milyong kababayang Taywanes ang nagbigay-galang dito.
Sa prosesong ito, nagbigay ng malaking pagkatig ang tanggapn sa suliranin ng Taiwan ng Shaanxi. Sinabi ni Liao Zhenghao, isang kilalalang personahe mula sa Taiwan na:
"Pinaglapit ng ganitong aktibidad ang puso ng mga mamamayan ng magkabilang pampang. Sa kasalukuyan, pinapasulong namin ang pagsasagawa sa Taiwan ng isa pang eksibisyon ng mga cultural relic ng Famen Temple."
Bukod sa nasabing mga malaking aktibidad, palagiang nagsisikap rin ang mga may kinalamang departamento ng mainland sa pang-araw-araw na gawain. Mula noong 1997, marami nang mangangalakal na Taywanes ang namumuhunan sa Shaanxi. Para mapangalagaan ang kanilang lehitimong interes, nagtakda ang pamahalaan ng Shaanxi ng mga may kinalamang regulasyong lokal para maigarantiya ang pagsasakatuparan ng "Batas sa Pangangalaga sa Pamumuhunan ng mga Kababayang Taywanes" at iba pang may kinalamang batas. Bukod dito, kaugnay ng isyung hindi pamilyar sa batas at regulasyon ng mainland ang mga bagong dating na mangangalakal na Taywanes, nagbukas ang nasabing tanggapan ng isang special training class para sa kanila. Sinabi ng isang namamahalang tauhan na si Zhang Ping na:
"Simula pa noong 2001, 3 special training class ang binubuksan namin bawat taon at itinuturo dito ang mga bagay na kinabibilangan ng mga patakaran at regulasyon sa aspekto ng adwana, taripa, pagsusuri't kuwarantenas sa paninda at iba pa."
Kasunod ng walang humpay na pagpapalawak ng pagpapalitan ng magkabilang pampang, lalung lalo na pagkaraan ng pagdalaw sa Sha'anxi ni Lian Zhan at James Soong. Higit na maraming kababayang Taywnes ang naglalakbay sa Sha'anxi. Noong nagdaang taon, umabot sa 100 libo per person-time ang bilang ng mga turistang Taywanes na bumisita sa Sha'anxi na lumaki nang 30%. Buong sikap na nagbibigay rin ang tanggapan ng iba't ibang tulong sa mga turista. Isinalaysay sa amin ni Shang Jinlin, isang namamahalang tauhan ng Tanggapan sa Suliranin ng Taiwan ng Shaanxi, na:
"Noong isang araw ng nagdaang taon, isang turistang Taywanes ang nawalan ng passport at iba pang mahalagang papeles at naka-iskedyul siyang bumalik sa Taiwan sa susunod na araw. Agarang tinulungan siya ng aming tanggapan. Nilakad naming ang mga kinakailangang papeles noong gabi ring iyon at maalawang nakabalik siya sa Taiwan nang sumunod na araw."
Sa kasalukuyan, itinuturing ng mga kababayang Taywanes sa Shaanxi ang nasabing tanggpan bilang kanilang sariling bahay, at ang mga tauhan nito bilang kanilang kaibigan. Sinabi nilang ang nasabing tanggapan ay isa pa ring tahanan nila sa mainland.
|