• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-17 10:50:30    
Si Zhu Mingying, tagapagpalaganap ng pagkakaibigan ng Tsina at Aprika

CRI
Si Zhu Mingying ay isang bantog na mang-aawit at mananayaw ng Tsina. Mula noong katapusan ng ika-7 dekada ng nagdaang siglo, umaawit na si Zhu Mingying ng maraming musikang Aprikano, Asyano at Latin-Amerikano, at ang kaniyang paraan ng pag-awit ay nagugustuhan ng malawak na masa ng mga manonood na Tsino at dayuhan. Sa mga mata ng maraming tao, siya'y isang tagapagpalaganap ng pagkakaibigan ng Tsina at Aprika.

Noong taong 1966, nagtapos si Zhu Mingying ng kaniyang pag-aaral sa Beijing Dance Academy, at pagkaraan nito sinimulan niyang magtrabaho sa China Oriental Song and Dance Troupe. Sinabi ni Zhu na noong panahong kasasapi siya sa naturang tropa, kaunti pa lamang ang pagkakataon sa pagtatanghal, kaya nakadama sila ng kasiphayuhan ng karamihan ng kaniyang mga kasamahan, ngunit nahikayat sila ni Zhou Enlai, dating Premyer ng Tsina nang katagpuin sila nito. Iminungkahi ni Zhou Enlai sa kanila na puspusang mag-aral ng wikang dayuhan, dahil sila'y hindi lamang mga alagad ng sining, kundi mga diplomata rin. Ayon sa Premyer, sa pamamagitan nila, mapapasulong ang pagpapalitang pangkultura at pansining ng mga mamamayang Tsino at Asyano, Aprikano at Latin-Amerikano at mapapalakas ang kanilang pagkakaibigan. Pagkatapos nito, batid ni Zhu na ang sining ng Asya, Aprika at Latin-Amerika ay isang festive singing and dance art, at kung matututo sila ng wika at awiting dayuhan, lalo nilang naipapakita ang kanilang husay sa pagsayaw. Kaya, ipinsiya niya na mag-aral ng awitin at wikang dayuhan.

Sa loob ng limang taon pagkatapos nito, nakakolekta si Zhu ng mahigit isang daang awiting kinanta niya sa mahigit 20 wika. Madalas siyang pumunta sa ibang bansa para magtanghal sa mga bansang Asyano, Aprikano at Latin-Amerikano.

Ang mga kanta sa lokal na wika na inawit ni Zhu Mingying sa ibang bansa ay mainit na tinatanggap ng mga manonood sa lokalidad. Sinabi niyang ang pang-awit niya sa Ehipto ng "Bai Si Bu Sa"--isang musikang lokal--ay nag-iwan sa kaniya ng malalim na impresyon. Sinabi niya na:

"Sa pagtatanghal sa Ehipto, pagkaraang awitin ko ang 'Bai Si Bu Sa', nakatanggap ako ng 32 ulit na palakpakan, at sinabayan ako ng mga manonood sa pag-awit nito."

Ang naturang malasakit ng manonood ay nakapagbigay ng mas malalim na damdamin kay Zhu Mingying sa usaping mahal sa kaniya. Ang bawat musika na inawit niya sa Aprika ay pawang nagpakita ng paggalang sa kultura ng iba't ibang bansang Aprikano, at nagtamo siya ng pagtanggap at pagkatig ng mga manonood na Aprikano.

Upang komprehensibong mapag-aralan ang sayaw at musikang Aprikano, noong taong 1985, pumasok si Zhu Mingying sa Berkley College of Music--isa sa tatlong bantog na unibersidad sa musika ng Estados Unidos, at pinili niya ang mga kursong kinabibilangan ng African music, kasaysayan ng musikang Aprikano, kasaysayan ng musikang Amerikano at iba pa. Pagkaraang matapos ang kaniyang pag-aaral, umuwi si Zhu at itinatag ang Beijing Mingying Development Company Ltd na nagsasagawa ng pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Aprika. Sinabi niyang sa kasalukuyan, naghahanda siyang itatag ang isang International Arts and Culture Academy para komprehensibong mapag-aralan ang sining ng Aprika.

Bilang tagapagpalaganap ng pagkakaibigan ng Tsina at Aprika, madalas dumalaw si Zhu Mingying sa Aprika. Sinabi niyang sa kasalukuyan, mas higit na maraming mamamayang Tsino ang makikita sa Aprika, at mas marami ring Chinese restaurants. Sa kasalukuyan, ang relasyong Sino-Aprikano aniya ay nasa pinakamagandang panahon sa kasaysayan.