• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-20 19:14:10    
Agwat sa pagitan ng mga lunsod at nayon ng Tsina, unti-unting nawawala

CRI
Si Gu Yongfa ay isang mamamayang nakatira sa lunsod ng Wuxi sa Lalawigan ng Jiangsu sa silangang Tsina. Hindi pa natatagalan siya at ang kanyang pamilya ay mga magsasaka sa isang nayon na malapit sa Wuxi, ngunit sa kasalukuyan, sila ay namumuhay bilang mga tagalunsod at may malaking bahay sa lunsod.

"Noong araw, ako at ang aking pamilya ay mga magsasaka sa nayon at nagtanim kami ng palay, gulay at ubas. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho ako sa Yinxiuyuan Property Management Company at ang aking asawa ay nagtatrabaho sa isang bahay-kalakal na pinatatakbo ng aming distrito. Kung ihahambing sa nakaraan, malaki ang ipinagbago ng kalidad ng aming pamumuhay at kondisyon ng tahanan at tumaas ang standard ng aming pamumuhay."

Ang tahanan ni Gu ay matatagpuan sa isang komunidad na tinawag na "Yinxiuyuan" sa Lunsod ng Wuxi at ang lahat ng nakatira roon ay mga magsasaka na pumasok sa lunsod.

Bilang isang katam-tamang laking lunsod na may medyo maunlad na kabuhayan sa dakong silangan ng Tsina, isinagawa ng Wuxi ang maraming kapakipakinabang na pagsubok sa proseso ng integrasyon ng mga lunsod at nayon ng buong Tsina. Ang populasyon ng Wuxi ay mahigit 4 na milyon at ang GDP per capita nito sa kasalukuyan ay lumampas sa 5 libong Dolyares na labis na malaki kaysa sa GDP per capita ng buong bansa na 1 libong Dolyares. Ang mainam na kondisyong pangkabuhayan ay naging matibay na pundasyon para sa koordinadong pag-unlad ng mga lunsod at nayon ng Wuxi.

Si Fan Jinlong ay isa sa mga pangunahing namamahalang tauhan sa Lunsod ng Wuxi. Ipinahayag niya na lubos na maliwanag ang plano ng pamahalaan ng lunsod hinggil sa proseso ng integrasyon ng mga lunsod at nayon. Sinabi niya,

"Sa aspekto ng pagsasaayos ng distribusyon ng produktibong lakas na industriyal, pinili ng lunsod ang tatlong rehiyon para ipauna ang pagpapaunlad. Ang mga rehiyong ito ay una, dalawang pampang ng Ilog ng Yangtze; ikalawa, tabi ng haywey, at ikatlo, baybayin ng Taihu Lake."

Ang pagsasama ng mga bayan sa lunsod ay isa pang paraan sa nasabing proseso ng Wuxi. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang mga working staff sa pamahalaan sa iba't ibang antas, napababa ang halaga ng administrasyon at napagaan ang pasanin ng mga magsasaka. Ang Jiangyin ay isang lunsod na nasa ilalim ng tuwirang pamamahala ng Wuyi. Noong unang dako ng taong ito, ang ilang bayan na malapit dito ay isinama sa lunsod na ito. Kaugnay nito, sinabi ni Huang Manzhong, pangunahing namamahalang tauhan sa Jiangyin,

"Ayon sa kabuuang plano ng pagpapaunlad ng Lunsod ng Jiangyin, ang mga bayang ito ay naging mga distrito ng lunsod. Sa gayo'y mapapabilis nito ang paglilipat sa lunsod ng mga trabahor mula sa kanayunan at mapapataas ang lebel ng urbanisasyon ng buong lunsod."

Para sa mga magsasaka na pumasok sa lunsod, nagkaloob ang Wuxi ng mabuting garantiya sa pamumuhay at paraan para sa empleyo. Pinagkalooban sila ng pamahalaan ng mga bahay sa preperensyal na presyo, isinaayos ang kanilang trabaho at binigyan sila ng medical insurance at endowment insurance.

Bukod sa nabanggit na paraan, ang pagsasama ng mga nayon sa isang mayamang nayon ay naging epektibo rin sa proseso ng mga lunsod at nayon. Sa pamamagitan nito, ang mga maliit na nayon ay nagiging malaki kaya lumalaki rin ang saklaw ng kabuhayan ng bagong nayon at samantala, utang sa karanasan ng mayamang nayong ito, mabilis din ang naging paglaki ng kabuhayan ng bagong nayon at yumayaman din ang mga mamamayan sa nayong ito.

Ayon sa estatistika, sa kasalukuyan, ang urbanization rate ng Wuxi ay umabot sa 60%. Sa kasalukuyang Wuxi, makikita ninyo na lumiliit ang agwat ng mga lunsod at nayon at hindi na gaanong nagkakalayo ang ang mga lebel ng pamumuhay ng mga taga-lunsod at taga-nayon.