Sa ngalan ng pamahalaan ng Tsina, inilipat kahapon14 ni Li Jinjun, embahador ng Tsina sa Pilipinas, ang relief material na nagkakahalaga ng 5 milyong yuan RMB sa pamahalaang pilipino bilang tulong sa re-konstruksyon ng Pilipinas pagkaraan ng bagyo. Ipinahayag ni Li ang pagkabalisa at pakikiramay ng mga mamamayan at pamahalaan ng Tsina sa mga mamamayang Pilipino sa sinapit nilang kapahamakan na dulot ng bagyo kasabay ng pag-asang ang naturang relief material ay maaaring makatulong ng mga mamamayan ng binahang purok para makahulagpos sa kahirapan at para sa rekonstruksyon ng bansa sa lalo madaling panahon. Binigyan-diin ni Li na ang Tsina at Pilipinas ay matalik na magkapitbansa at sa sandaling nakaranas ng mga mamamayan ng Pilipinas ng kahirapan, nakahanda ang Tsina na magkaloob sa kanila ng tulong at umaasang magkasamang mapapalakas ng dalawang bansa ang kooperasyon sa pagpigil at pagbabawas sa epektong pananalasa. Pinasalamatan ng pangalawang kalihim ng pag-unlad at kagalingang panlipunan ng Pilipinas sa ngalan ni pangulong Gloria Magapacal Arroyo ng Pilipinas at pamahalaan ng Pilipinas ang Tsina sa maagap na pagkakaloob ng relief material.
Sa Hanoi, kabisera ng Biyetnam. Idinaos dito kahapon16 ang pag-uusap nina Pangulong Hu Jintao ng Tsina, pangkalahatang kalihim Nong Duc Manh ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam at Pangulong Nguyen Minh Triet ng bansang ito. Nagpalitan ang kapuwa panig ng kuru-kuro hinggil sa relasyon ng kanilang mga bansa at partido at mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Buong pagkakaisang ipinahayag nilang komprehensibong pasusulungin nila ang relasyong Sino-Biyetnames sa bagong panahon at walang humpay na iaangat ang relasyon ng 2 bansa at 2 partido sa isang bagong antas. Ipinahayag ni Hu na ang pangangalaga at pagpapa-unlad sa pagkakaibigang Sino-Biyetnames ay di-nagbabagong tunguhin ng kasaysayan at komong hangarin ng mga mamamayang ng dalawang bansa. Nagharap din siya ng 4 na mungkahi para sa komplehensibong pagpapasulong sa relasyon ng 2 bansa sa bagong panahon. Binigyang-diin ni Hu na dapat pabilisin ng kapuwa panig ang proseso ng demarkasyon ng kanilang hanggahang panlupa, palakasin ang pragmatikong kooperasyon sa Beibu Gulf at pasulungin ang komong paggagalugad sa Nansha Islands o Spratly Islands ng Tsina batay sa pangkalahatang kalagayan ng kanilang relasyon.
Sa Hanoi, kinatagpo ngayong araw17 ni pangulong Hu Jintao ng Tsina si PM Nguyen Tan Dung ng Biyetnam at ipinaliwag niya ang mga paninindigan ng panig Tsino sa pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan nila ng Biyetnam. Ipinahayag ni Hu na dapat pasulungin ng dalawang panig ang kanilang pagtutulungan sa iba't ibang larangan, himukin ang kanilang mga bahay-kalakal na palawakin ang saklaw ng pangangalagal, aktibong galugarin ang bagong growth point ng kalakalan, palawakin ang pagtutulungan sa mga malaking proyekto sa larangan ng industriya, konstruksyon ng impratruktura, enerhiya at iba pa at palakasin ang pagtutulungan sa larangan ng multilateral na kabuhayan. Pinapurihan ni Nguyen ang dalaw na ito ni Hu, at ipinalalagay niyang ini-angat ng pagdalaw na ito ang komprehensibong relasyong pangkooperasyon at pangkaibigan ng dalawang bansa at partido sa isang bagong antas.
Sa Hanoi, Kinatagpo dito ngayong araw17 ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina si Tagapangulong Nguyen Phu Trong ng parliamento ng Biyetnam. Sa pagtatagpong ito, sinabi ni Hu Jintao na may mahalagang responsibilidad ang mekanismong lehislatibo ng dalawang bansa sa pagpapasulong sa socialist democracy at ng usapin ng konstruksyon ng pamamahala ng bansa sa pamamagitan ng batas. Ipinahayag niya na ang pag-asang mapapasulong ang kooperasyon sa mekanismong lehislatibo ng dalawang bansa para mapasulong ang pag-unlad ng kanilang kabuhayan at pagtatatag ng sistema ng batas. Tinukoy naman ni Hu Jintao na pinapapurihan ng partido at pamahalaan ng Tsina ang pag-unlad ng dalawang bansa at nakahanda sila ng Biyetnam na pasulungin ang kanilang relasyon sa bagong panahon sa mas mataas na lebel. Ipinahayag ni Nguyen Phu Trong na nakahanda ang Biyetnam na pag-aralan ang mga karanasan ng Tsina at mapasulong ang pagpapalitan ng karanasan sa pamamahala ng estado.
Sa Hanoi, kabisera ng Biyetnam, nagpalabas dito kahapon17 ang Tsina at Biyetnam ng Magkasanib na pahayag. Nasasaad sa naturang pahayag na buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na tagumpay ang pagdalaw ni pangulong Hu Jintao ng Tsina sa Biyetnam at tiyak na malakas na pasusulungin nito ang patuloy na pag-unlad ng kanilang relasyong pangkaibigang pangkapitbansa at pangkooperasyon. Sinabi ng naturang pahayag na ikinasisiya ng dalawang panig ang walang humpay na pagpapahigpit at pag-unlad ng relasyong ng dalawang bansa at dalawang partido at nakahandang magkasamang magsikap para mapaunlad ang pangmatagalan at matatag na relasyon ng Tsina at Biyetnam. Sinabi din ng naturang pahayag na ang Tsina at Biyetnam ay may komong estratehikong kapakanan sa maraming mahalagang isyu. Ikinasisiya ng dalawang panig ang progresong natamo ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Sang-ayon din ng dalawang panig na lalo pang palawakin ang saklaw ng kanilang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan para mapataas ang kalidad at lebel nito. Sumang-ayon din silang pabilisin pa ang proseso ng gawaing may kinalaman sa demarkasyon ng kanilang hanggahang panlupa para maigarantiyang matatapos ang may kinalamang gawain sa taong 2008 at malalagdaan ang bagong dokumento hinggil sa sistema ng pamamahala sa hanggahan.
Dumalo kagabi19 sa Vientiane sina pangulong Hu Jintao ng Tsina at pangulong Choummaly Sayasone ng Laos sa seremonya ng pagsisimula ng pagsasahimpapawid ng FM radio station (FM 93 MHz) ng China Radio International, CRI, sa Vientiane. Nangulo sa seremonya si Wang Gengnian, director-general ng CRI. Sinabi ni Hu sa seremonya na ang pagsasahimpapawid ng radyong ito ay magpapasulong ng pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Laos at magbibigay ng bagong ambag komprehensibong relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa na may pangmatagalang katatagan, pagkakaibigan at pagtitiwalaan. Ang naturang radio station sa Vientiane ay ikalawang FM radio station ng CRI sa ibayong dagat pagkaraan ng kauna-unahang iyon sa Nairobi, Kenya. Isasahimpapawid nito ang 12.5 oras na programa bawat araw sa mga wikang Laosyano, Engles at Mandarin.
|