• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-23 19:11:27    
Dalawang lolang nangangalaga sa Han River

CRI

Ang Han River o Ilog Han ay ang pinakamalaking sanga ng Yangtze River ng Tsina, umaabot sa mahigit 1500 kilometro ang kabuuang baha nito. Sa artikulong ito, isasalaysay sa inyo ang dalawang mahigit 50 taong gulang na lolang naninirahan sa pampang ng Han River – lunsod ng Xiangfan ng lalawigang Hubei sa gitnang Tsina. Para mapalangaaan ang ilog na ito, nagsagawa sila ng mga promosyon at pinalaganap nila ang ideya ng pangangalaga sa yamang-tubig sa bawat nayon at bawat indibiduwal. Pinasimulan din nila ang isang malaking aktibidad na tinawag na "Han River Environmental Protection Walking Tour" at matagumpay na napigilan nito ang pagkalat ng polutants ng mga bahay-kalakal sa lokalidad. Nakatawag din ng mas higit na malaking pansin ng lipunan ang kauna-unahang samahang di-pampamahalaan hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran ng lalawigang Hubei na itinaguyod ng nasabing dalawang lola.

Ang nasabing dalawang lola ay sina Yun Jianli at Ye Fuyi, kapuwa mga retirado at tumanggap ng pension. Napakaganda at napakaginahwa ng kanilang pamumuhay. Pero bakit ginusto nilang maggugol ng panahon sa pangangalaga sa kapaligiran? Sinabi ni Yun na ito ay dahil sa kaniyang karanasan nang dumaan siya ng tulay na tumatawid ng Han River noong tagsibol ng taong 2000 na:

"Nang tumawid ako ng Han River Bridge sakay ng public bus, sinabi ng ilang pasahero na maraming itinapong maruming tubig sa Han River at mabahung-mabaho ang ilog. Saganang akin, hinding hindi dapat magpatuloy ang kalagayang ito, kaya, ipinasiya kong ilaan ang nalalabi kong buhay sa pangangalaga sa Han River."

Nitong maraming taong nakalipas, ang Han River ay kilala sa kalinisan nito at magandang kalidad ng tubig. Ngunit, dahil sa walang humpay na pag-unlad ng kabuhayan nitong ilang taong nakalipas, maraming maruming tubig na galing sa ilang pabrika sa pampang ng ilog at pamahayan sa paligid ang dumadaloy patungo sa ilog na ito. Mula noong Marso ng 2000, magkakasunod na siniyasat ni Yun ang kalagayan ng polusyon ng mga purok sa may Han River sa loob ng lunsod ng Xiangfan, at natuklasan niyang napakagrabe ng kalagayan ng ilog na ito. Kaya, maraming beses na nanawagan siya sa pamahalaang lokal na siyasatin ang mga pinanggagalingan ng polusyon sa lalong madaling panahon.

Noong tagsibol ng 2002, narealisa niyang hindi lang dapat i-asa sa pamahalaan ang pangangalaga sa kapaligiran, dapat magsagawa rin ng ilang bagay ang mga pangkaraniwang mamamayan. Kaya, noong Agosto ng 2002, kasama si Ye Fuyi at iba pang mga tao, itinatag ni Yun ang kauna-unahang samahang di-pampamahalaan ng lalawigang Hubei na pinangalanang "Green Han River". Sinabi ni Ye na:

"Datapuwat napakahirap ng trabho namin, masaya naman kami, dahil nakapag-aambag ang aming ginagawa sa pangngalaga sa kapaligiran, at ang isang magandang kapaligiran ay mahalaga para sa bawat tao."

Sa pamamagitan ng pagsisikap ng dalawang lola at pagkatig ng mga may kinalamang pagsisikap ng pamahalaan, mabilis na lumaki ang kanilang samahan. Sa kasalukuyan, umaabot sa mahigit 100 ang mga kasapi nitong indibiduwal nito at sa 45 ang kasaping grupo.

Ipinalalgay ni Yun na pinakamahalaga ang pagpapalakas ng palagay ng mga tao sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran. Kaya, gawing pokus ng mga gawain ng kanilang samhan ang mga promotion activities. At ang pokus ng promosyon ay sa mga mga bata. Ipinalalgay rin ni Yun na dapat magbigay ng pinakamalaking pansin sa mga bata ang edukasyon ng pangangalaga sa kapaligiran. Dahil ang mga bata ay nangangahulugan ng kinabukasan. Nitong 4 na taong nakalipas, mahigit 70 libong tao ang tumanggap ng aralin hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran. Sinabi ng isang mag-aaral ng mababang paaralan sa lokalidad na si Zai Qianqian na:

"Pagkaraang marinig ang talumpati ni lola Yun, pag may nakita akong ibang tao na nagkakalat ng basura, pagsasabihan ko sila. Sasabihin ko na dapat pangalagaan ang kapaligiran."

Para maging mas epektibo ang promosyon, nagbukas din ng website ang "Green Han River" at naging kilalang kilala ang dalawang lola at ang kanilang samahan sa lokalid. Sa kasalukuyan, umaabot sa mahigit 6 na libo ang bilang ng mga boluntaryong nagsisilbing tagasunod nila. Nagkamit rin ang kanilang mga aktibidad ng pagkatig ng World Bank at Global Greengrants Fund. Dahil sa mga ito, magiging abalang-abla ang dalawang lola at kanilang samahan sa hinaharap.