Ang Luo o Gong sa wikang Filipino ay isa sa mga tradisyonal na percussion instrument ng Tsina. Ito ay isang napakahalagang instrumentong musikal sa mga tropa ng pambansang instrumento ng Tsina. Malawakan itong ginagamit sa iba't ibang okasyon sa apat na sulok ng Tsina.
Ang pinakamaagang paggamit ng Luo sa Tsina ay yaong mga pambansang minoriya na naninirahan sa rehiyon ng timog kanluran ng Tsina. Pagdating ng mga ikalawang siglo, kasunod ng mas malimit na pagpapalitan ng kultura ng iba't ibang nasyonalidad, ang Luo ay unti-unting pumasok sa interyor ng Tsina.
Ang Luo ay ginagamit na sa iba't ibang lugar at okasyon, kaya sa proseso ng pag-unlad nito sa mahabang panahon ay lumitaw ang iba't ibang uri ng Luo na hanggang ngayo'y may mahigit 30 uri na natatagpuan sa iba't ibang purok, nguni't ang dalawang uri lang ang ginagamit na palagi: Daluo at Xiaoluo o malaking gong at maliit na gong.
Ang Daluo ay 30 hanggang 100 sentimetro ang diyametro at isa itong pinakamalaki sa iba't ibang uri ng Luo. Ang tunog nito ay malawak at malalim at malambot at mahimig ang tone flavour at mahaba ang umaalingawngaw nito.
Ang Xiaoluo naman ay may tatlong uri ayon sa taas ng tono: Gayinluo na mataas ang tono, Zhongyinluo na katamtaman ang tono at Diyinluo na mababa ang tono. Ang tatlong luring ito ay 21 hanggang 22.5 sentimetro ang diyametro. Ang mga ito, pangunahin na'y ginagamit sa pagsaliw sa mga opera, iba't ibang porma ng folk perfoming art at mga sayaw-bayan.
Ang Gu o tambol ay isa sa mga popular na percussion instrument ng Tsina. Maaga ang isinilang ng Gu at hanggang ngayo'y may mga 3,000 taon na ang nakararan. Sa sinaunang panahon, ang Gu ay hindi lamang ginagamit sa mga aktibidad na gaya ng pag-aalay ng sakripisyo, awit' sayaw, ginagamit pa ito sa panahon ng digmaan at sa pananakot sa mga hayop. Ang Gu ay ginagamit pa sa sinaunang panahon bilang kasangkapan sa pagbibigay-alarm at panahon.
Marami-rami ang uri ng Tambol: Yaogu, Dagu, Tonggu, Huapengu at iba pa. Ang Yaogu ay may apat na uri at ang tunog nito ay malutong at lagi itong ginagamit sa pagsaliw sa dance music.
|