• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-24 18:17:26    
Mga akdang Tsino, sumabay sa malaking pagbabago ng buhay-lipunan

CRI
Sapul nang pumasok ang ika-21 siglo, kasunod ng pagkakaroon ng pagbabago sa istilo ng pamumuhay sa lipunan, lumitaw din ang pagbabago sa kathang pampanitikan ng Tsina. Ang mga awtor na isinilang noong ika-5 hanggang ika-6 na dekada ng nagdaang siglo ay walang humpay na sumusulat ng mga katha ng sarili nilang panahon, at ang mga awtor naman na isinilang noong ika-7 hanggang ika-8 dekada ng kasalukuyang siglo ay lumilikha ng mga kathang nagpapakita ng lipunang Tsino sa ilalim ng reporma sa bagong aspekto.

Si Zhang Budai, isang 55 taong-gulang na awtor, ay walang-tigil na nagtatrabaho para mabuo ang iniisip na disenyo na angkop sa pabalat ng kaniyang sinulat na aklat. Ang katha niyang saga novel na pinamagatang "wilderness" ay ilalathala ng Author Publishing Company sa malapit na hinaharap. Sa kalagayan ng pagbabago ng lipunang Tsino nitong halos 30 taong nakalipas, ang nobelang ito ay nagpapakita ng paliku-likong karanasan ng pamumuhay ng isang siyentista at isang lokal na opisyal. Ang nobelang ito ay isa sa mga kathang kinatigan ng Samahan ng mga Awtor ng Tsina sa taong ito.

Katulad ng "wilderness", halos isang daang kathang pampanitikan ang kinatigan ng naturang samahan. Ang naturang mga gawa ay kinabibilangan ng nobela, tula, pagbabalita at iba pa. Mula noong taong 2004, bawat taon, naglalaan ang samahang ito ng mahigit isang milyong Yuan, RMB para mahikayat ang mga awtor na sumulat ng magagandang katha. Ipinalalagay ni Zhang Budai na nakapagbigay ang reporma at pagbubukas sa labas ng malaking pagbabago sa lipunang Tsino. Sinabi niya na:

"Nitong limang taong nakalipas, bilang mga awtor at makatang Tsino, lumikha sila ng maraming mamagandang kathang pampanitikan sa aspekto ng pagtatatag ng may harmoniyang lipunan at pagpapayabong sa diwa ng nasyong Tsino, at karamihan sa mga sinulat na aklat na ito ay may time at people spirit."

Ang mga likhang-sining na kinakatigan ng Samahan ng mga Awtor ng Tsina ay isang maliit na bahagi lamang ng maraming likhang-sining na ipinalalathala ng Tsina bawat taon. Kung saga novel ang pag-uusapan, nitong apat na taong nakalipas, halos walong daang katulad na nobela ang naipalathala ng Tsina bawat taon. Ang mga awtor ng mga nobela ay kinabibilangan ng mga bantog na propesyonal at mga amatyur. Ipinalalagay ni Bei Qiao, isang bantog na essayist na ang kasalukuyang kapaligirang panlipunan ng Tsina ay angkop sa malayang pagpapatingkad ng mga awtor ng kanilang talento. Sinabi niya na:

"Sa pagsisimula ng bagong siglo, umunlad nang malaki ang mga kathang pampanitikan ng Tsina, at napanatili ng maraming beterano at bagitong awtor ang mataas na kasiglahan sa pagkatha, at maganda ang kapaligiran ng paglikha ng mga akda. Higit na lumalapit ang mga awtor sa pamumuhay, at nagbibigay sila ng mas malaking pansin sa aktuwal na buhay panlipunan at katayuan sa buhay ng mga mamamayan."

Bukod sa mga nobela, napakasigla rin ng pagsulat ng tula sa Tsina, at sumibol ang maraming mahusay na makata. Marami rin ang mga website na may kinalaman sa poetry.

Bagama't dumarami nang dumarami ang mga awtor at akda, ipinalalagay ng ilang essayist na sa kasalukuyan, umiiral ang ilang problema sa sirkulo ng panitikan ng Tsina. Maraming akdang ipinalalabas at ipinalalathala bawat taon, ngunit mangilan-ngilan lamang ang nakakatawag ng pansin ng mga tao; mas marami ang mga awtor kumpara sa dati, ngunit mas maliit ang impluwensiya kumpara sa dati. Kaugnay nito, sinabi ni Bei Qiao na:

"Sa palagay ko, ang modernong panitikan ay dapat magsikap sa aspekto ng spiritual quality, at dapat nila ipakita ang kasalukuyang sibilisasyon ng lipunan at pagkaiba-iba ng pamumuhay, at dapat ipakita ang diwa ng aming nasyon."