• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-27 16:11:23    
Fried pork fillet with sweet and sour sauce

CRI

Mga sangkap

350 gramo ng lomo ng baboy
50 gramo ng scallion na hiniwa-hiwa sa mga piraso
25 gramo ng luya na hiniwa-hiwa sa mga piraso
10 gramo ng asin
5 gramo ng soy sauce
15 gramo ng suka
2 gramo ng vetsin
5 gramo ng siling labuyo
2 gramo ng paminta
5 gramo ng minasang bawang
1 puti ng itlog
5 gramo ng pasta ng spicy bean
10 gramo ng mixture ng cornstarch at tubig
100 gramo ng langis na panluto
5 gramo ng tuyong cornstarch

Paraan ng pagluluto

Hiwa-hiwain ang lomo ng baboy sa mga pirasong 6 na na sentimetro ang haba at 0.3 sentimetro ang kapal. Lagyan ng 1 gramo ng asin, puti ng itlog at tuyong cornstarch at haluing mabuti.

Gamitin ang nalalabing asin, soy sauce, suka, vetsin, paminta at mixture ng cornstarch at tubig para gumawa ng pasta.

Initin ang langis sa temperaturang 70 hanggang 100 degree centigrade at igisa ang mga piraso ng baboy hanggang sa maluto. Alisin at patuluin. Panatilihin ang 25 gramo ng langis sa kawa at initin sa temperaturang 70 hanggang 100 degree centigrade. Ihulog ang scallions, luya, siling labuyo at minasang bawang at igisa hanggang lumutang ang bango. Buhusan ng shaoxing wine at lagyan ng pasta ng spicy bean at tapos haluin nang ilang beses. Lagyan ng mga piraso ng baboy at unang pasta. Haluing mabuti at isalin sa plato at isilbi.

Katangian: makintab na may kulay na kayumanggi.

Lasa: may kaasiman at masarap. Masustansiya pero hindi mamantika.