• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-27 16:13:33    
Nobyembre ika-20 hanggang ika-26

CRI
Opisyal na nilagdaan dito sa Beijing kahapon19 ang kasunduan hinggil sa ika-4 na proyekto ng patubig at koryente na nakontratang itayo ng China International Water and Electric Corp sa Laos. Ang pamumuhunan sa naturang proyekto ay 142 milyong dolyares at ang installed capacity ng power station ay umabot sa 100 lipong kilowatt. Sapul noong taong 1996, nakontratang itinayo ng Tsina ang 4 na proyekto ng patubig at koryente sa Laos na nagkakahalaga ng 170 dolyares.

Nagtagpo kahapon19 sa Vientiane sina Hu Jintao, pangkalahatang kalihim ng komite sentral ng partido kumunista at pangulo ng Tsina at Choummaly Saygnasone, pangkalahatang kalihim ng Lao People's Revolutionary Party at pangulo ng Laos. Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga lider ng 2 bansa na magkasamang magsikap para mapasulong ang walang tigil na pag-unlad ng relasyon ng 2 partido at 2 bansa batay sa mga patakaran ng pangmatagalang katatagan, pagkakaibigan, pagtitiwalaan, komprehensibong kooperasyon. Tinukoy ni Hu na maganda ang tunguhin ng pag-unlad sa iba't ibang larangan at antas ng relasyon ng 2 partido at 2 bansa. pinasalamatan ng Tsina ang Partido at pamahalaan ng Laos sa laging pagkatig sa Tsina sa ilang mahalagang isyung may kinalaman sa soberanya at saligang interes. Iniharap din niya ang mga mungkahi hinggil sa pagpapaunlad ng relasyon ng 2 bansa. Lubos na sinang-ayunan ni Choummaly ang mga mahalagang mungkahi ni Hu at ipinahayag niyang magsisikap, kasama ng Tsina para maisakatuparan ito. Magkasamang pinasinayaan kagabi ng mga lider ng 2 bansa ang FM station ng China Radio International. Sa seremonya, sinabi ni Hu na ang pagpapasimula ng pagsasahimpawid ng FM station sa Vientiane ay magiging isang bagong tulay para sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagkakaibigan.

Magkahiwalay na kinatagpo nang araw rin iyon19 sa Vientiane ni Hu Jintao, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista at pangulo ng Tsina, si Bouasone Bouphavanh, punong ministro ng Laos, at Thongsing Thammavong, pangulo ng pambansang asembleya ng Laos. Sa kaniyang pakikipagtagpo kay Bouasone Bouphavanh, ipinahayag ni Hu Jintao, na nagdudulot ng aktuwal na kabutihan ang kooperasyong pangkaibigan ng dalawang bansa sa kanilang mamamyan, at ang Tsina at Laos ay tunay na mapagkaibigang kapitbansa. Tinukoy ni Hu na malawak ang prospek ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa , at malaki ang nakatagong lakas. Ang susunod na pangunahing tungkulin ay galugarin ang nakatagong lakas, at pataasin ang antas sa kooperasyon. Para dito, iniharap ni Hu ang maraming mungkahi. Ipinahayag ni Bouasone na ang pamumuhunan ng Tsina sa kaniyang bansa ay nakakatulong sa pagpapatingkad ng bentahe ng kabuhayan ng Laos at paglutas ng kahirapan ng mga mamamayan, at ang kooperasyon ng dalawang panig sa malaking proyekto ay nakakabuti sa pagpapalakas ng batayan ng kabuhayan ng Laos. Iniangat ng pagdalaw ng pangulo Hu Jintao ang relasyong pangkooperasyon at pangkaibigan ng dalawang bansa sa isang bagong antas. Sa kaniyang pakikipagtagpo kay Thongsing Thammavong, sinabi ni Hu na nakahanda ang Tsina kasama ng Laos na patuloy na panatilihin ang komprehensibong pagpapalitang pangkaibigan ng departmentong lehislatibo ng dalawang bansa, at pahigpitin ang pag-aaral sa isa't isa sa mga larangan ng lehislasyon, superbisyon at iba't pa. Ipinahayag ni Thongsing na nagkaloob ang Tsina ng mahalagang karanasan ng lehislasyon sa pambansang asembleya ng Laos, at nagpataas ng episiyensiya ng lehislasyon. Umaasa ang Laos na magsasagawa ang dalawang panig ng mas maraming pagpapalitan, mapananatili ang pagdadalawan sa mataas na antas ng departmentong lehislatibo, pahihigpitin ang kooperasyon ng pagsasanay ng mga opisiyal ng pambansang asembleya ng Laos. Nakipagtagpo nang araw rin iyon sa Vientiane si Hu kay Khamtay Siphandone, dating tagapangulo ng Lao People's Revolutionary Party at pangulo ng Laos.

Nagpalabas ngayong araw20 sa Vientiane ang Tsina at Laos ng isang magkasanib na pahayag. Buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na nagpasulong ang 2 araw na dalaw na pang-estado sa Laos ni pangulong Hu Jintao ng Tsina sa trandisyonal na pagkakaibigang pangkapitbansa at komprehensibong pagtutulungan ng dalawang bansa sa isang bagong yugto ng pag-unlad. Anang pahayag, ipagpapatuloy ng dalawang panig ang simulain ng "Pangmatagalang Katatagan, Pagkakaibigang Pangkapitbansa, Pagtitiwalaan at Komprehensibong Pagtutulungan" at ibayo pang papalawakin ang pagtutulungan sa iba't ibang larangan para maging mainam na kapitbansa, kaibigan, kasama at katuwang ang dalawang bansa. Ayon sa pahayag, ipinasiya ng dalawang bansa na pahahalagahan at palalalimin ang kanilang pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan batay sa estratehikong pananaw. Batay sa prinsipyo ng "pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan, pagiging progamatiko, pagpaparami ng paraan at komong pag-unlad", patuloy na palalawakin ang saklaw ng pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan at lalo pang patataasin ang kalidad at lebel ng pagtutulungan. Sa pahayag, inulit naman ng panig Laosyano na patuloy nananangan ito sa patakarang isang Tsina.

Nilagdaan kamakailan nina Zhang Mingpei, direktor ng tanggapang agrikultural ng Guangxi at Arthur Yap, kalihim ng agrikultural ng Pilipinas sa ngalan ng panig na Tsino at Filipino ang balangkas na kasunduan hinggil sa paggagalugad at pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas sa renewable energy. Ayon sa nasabing kasunduan, magkakaloob ang Pilipinas ng 40 hanggang 50 libong hektaryang lupa para sa mga may kinalamang departmento ng Tsina para magproduce ng materyal ng renewable energy at itatag ang may kinalamang pagawaan. Magsisikap ang dalawang panig para ilakip ito sa mga proyektong pangkooperasyon sa antas ng estado.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinalabas kahapon sa mga telebisyon sa rehiyong Timog Silangang Asya ang international edition ng documentary na 'Forbidden City'. Ang pagpapalabas ng nasabing documentary ay nasa magkakasamang kolaborasyon ng China Central Television at National Geographic Channel. Ipinahayag ng mga may kinalamang namamahalang tauhan ng National Geographic Channel na ang Forbidden City ay isang dakilang architecture, mayroon itong espesyal at lihim na kasaysayan, kaya, ito ay bagay na bagay na magpanood ng mga mamamayan ng buong daigdig.

Magkahiwalay na kinatagpo ngayong araw nina pangalawang pangulong Yusuf Kalla at tagapangulong Hidayat Nur Wahid ng People's Consultative Assembly (MPR) ng Indonesya si dumadalaw na pangalawang tagapangulo Ismail Amat ng pambansang kongresong bayan ng Tsina (NPC). Sa kanilang pagtatagpo, ipinahayag ni Yusuf na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang kooperasyon nila ng Tsina sa iba't ibang larangang gaya ng kabuhayan, teknolohiya at pamumuhunan at nakahandang itong magsikap, kasama ng Tsina, para matupad ang komong pagalay na narating ng mga lider ng dalawang bansa at mapalalim ang kanilang relasyon. Ipinahayag naman ni Amat na nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng Indonesya, para itakda ang plano ng aksyon ng kanilang estratehikong partnership sa lalong madaling panahon at isagawa ang kooperasyong may-mutuwal na kapakinabangan sa iba't ibang larangan.

Isiniwalat kamakailan sa ginanap sa kunming, kapital ng Yunnan na ika-2 pulong hinggil sa kooperasyon ng lalawigang Yunnan ng Tsina at hilagang Laos na magkasamang itatayo ng Yunnan at may kinalamang panig ng Laoas ang sentro ng pagsasanay sa wikang Tsino sa Laos. Napag-alaman, tutulungan naman ng Laos ang Yunnan University of the Nationalities sa pagtuturo ng wikang Lao.

Ipinahayag kahapon21 sa Beijing ni Chen Zhili, kasangguni ng konseho ng estado ng Tsina, na ang kooperasyon at pagpapalitan ng Tsina at Singapore sa edukasyon ay mahalagang bahagi ng relasyon ng dalawang bansa, at umaasa siyang ibayo pang mapapasulong ang komprehensibong pag-unlad ng kooperasyon at pagpapalitan ng dalawang bansa sa naturang larangan sa hinaharap. Ipinahayag ito ni Chen sa kaniyang pakikipagtagpo kay Tharman Shanmugaratnam, ministro ng Edukasyon ng Singapore, at ang mga mahalagang miyembro ng Khoo Teck Puat Foundation. Sa pagtatagpong ito, pinapurihan ni Chen ang Khoo Teck Puat Foundation sa pagbibigay ng pondo sa Peking University para sa konstruksyon ng palaestra ng Peking University (2008 Olympic games table tennis stadium).

Isiniwalat dito sa Beijing ngayong araw23 ni Jiang Yu, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina, na idaraos sa Pilipinas sa gitnang dako ng susunod na buwan ang ika-10 pulong ng mga lider ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3) at ipadadala ng Tsina ang delegasyon sa mataas na antas para lumahok sa naturang pulong. Isinalaysay ni Jiang na ang pangunahing tema ng naturang pulong ay pagbalik-tanaw at pagtaya ng pag-unlad sa hinaharap ng 10+3. Malalim na magpapalitan ang Tsina at mga lider ng kinauukulang bansa ng mga palagay hinggil sa kung paaanong pahihigpitin at palalalimin ang kooperasyon ng 10+3 sa ilalim ng bagong kalagayan at pagtatatag ng komunidad ng Silangang Asya, umaasa ang Tsina na makakamit ng naturang pulong ang positibong bunga.

Sa kabiserang Rangoon ng Myanmar, nilagdaan 23ng mga kinatawan ng pamahalaan ng Tsina at Myanmar ang maraming dokumento hinggil sa pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan para ibayo pang mapasulong ang walang humpay na pag-unlad ng pangkabuhaya't pangkalakalang relasyong pangkooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Ipinahayag ni Chen Jian, kalahok na asistente ng ministro ng komersyo ng Tsina na kasabay ng pagpapaunlad ng tradisyonal na relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan, dapat buong sikap na paunlarin ang komprehensibo at may mutuwal na kapakinabangan na pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan na kinabibilangan ng larangan ng pamumuhunan, contracted project, pagtutulungang pangkabuhaya't panteknolohiya, turismo at iba pa.