• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-12-04 11:00:33    
Nobyembre ika-27 hanggang Disyembre ika-3

CRI

         

Kinatagpo noong Miyerkules ni Jiang Xiaoyv, Pangalawang Tagapangulong Tagapagpaganap ng Beijing Olympics Organizing Committee si Ignacio Bunye, Kalihim ng Pamamahayag ng Pilipinas. Isinalaysay ni Jiang ang pinakahuling kalagayan sa proseso ng paghahanda para sa Beijing Olympics, at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa mga aspektong gaya ng pagbabalita sa Olimpiyada. Nagpahayag si Bunye ng pag-asang maagang makakalahok sa pagbabalita sa Beijing Olympics. Ipinahayag naman ni Jiang na lubos na kakatigan ito ng panig Tsino.

Lumagda noong Lunes ang TCC Group ng Thailand at sangay ng Industrial at Commercial Bank ng Tsina sa Lalawigan ng Yunnan sa isang kontrata na may kinalaman sa pagbili ng una ng five-star Bank Hotel ng Kunming sa halagang 210 milyong yuan RMB. Ang naturang hotel ay pinatatakbo dati sa pamamagitan ng pondo ng Yunnan branch ng Industrial at Commercial Bank ng Tsina at bilang isang di-pinansyal na ari-arian, ibinenta ng naturang bangko ang hotel na ito pagkaraang ma-enlist sa stock markets ng Hong Kong at interyor ng Tsina.

Sa pagdalaw sa Chongqing, isang lunsod ng timog kanlurang Tsina, ipinahayag noong Lunes ng delegasyong Thai na binubuo ng mga opisiyal ng ministri ng edukasyon at mga puno ng mababa at mataas na paaralan, na umaasa silang maanyayahan ang mga prestihiyosong gurong Tsino na magturo ng wikang Tsino sa Thailand. Isinlaysay ng isang opisiyal ng ministri ng edukasyon ng Thailand na katanggap-tanggap ang wikang Tsino sa kaniyang bansa at ang pag-anyaya sa mas maraming gurong Tsino na magturo sa Thailand ay isa sa mga mahalagang layunin ng kanilang pagdalaw na ito.

         

Idinaos noong Martes ang seremonya ng pagbubukas ng konsulado ng Thailand sa Xi'an, punong lunsod ng lalawigang Shaanxi ng Tsina. Dumalo ang pangalawang ministrong panlabas ng Thailand at mga pangunahing lider ng Shaanxi sa seremonya at bumigkas ng talumpati. Napag-alaman, ang konsuladong ito ng Thailand ay namamahala sa mga suliraning Thai sa Shaanxi, Gansu, Rehiyong Autonomo ng Hui ng Ningxia sa hilagang kanluran ng Tsina.

Isiniwalat noong isang linggo ng pamahalaan ng prepekturang autonomo ng Dehong ng Dai nationality at Jingpo nationality sa Lalawigang Yunnan sa dakong timog kanluran ng Tsina na idaraos ang "akdibidad bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng malaking kasiyahan ng mga mamamayan sa purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar" sa lunsod Luxi, kabisera ng prepekturang autonomo ng De Hong na nakaluklok sa hanggahan ng dalawang bansa mula ika-15 hanggang ika-17 ng susunod na buwan. Noong gitnang dako ng Disyembre ng taong 1956 sa Luxi ng Dehong ay ginanap ang isang malaking kasiyahan na nilahukan ang halos 15 lipong mamamayan sa purok-hanggahan sa hanggahan at mga lider ng sentral at lokal na pamahalaan na kinabibilangan ng mga punong ministro ng dalawang bansa.