Sasabihin namin sa inyo ang hinggil sa kung papaanong nagsimula ng kani-kanyang negosyo sa creative industry ang dalawang binatang Tsino na isinilang noong unang dako ng 1980s.
Si Mao Kankan ay 22 taong gulang na lamang at ang kanyang pinakapaboritong libangan ay ang pagkanta ng Karaoke. Bilang isang propesyonal naman, nagsisilbi siyang punong arkitekto at Chief Executive Officer ng Majoy, isang kompanya ng digital games na nakabase sa Beijing at sa katotohanan, ang Majoy ay tawag din ng laro na idinidebelop ng kompanya. Sa kasalukuyan, namumuno si Mao sa kanyang kompanya na mamuhunan ng 300 milyong Yuan o 37.5 bilyong dolyares para makalikha ng isang katangi-tanging theme park na nagtatampok sa digital games, ibig sabihin, iyong mga gustong maglaro ng Majoy ay maaring magsuot ng prop costume at pumasok sa nabanggit na parke bilang papel ng laro. Bibigyan din sila ng PDA (personal digital assistant) at iba pang mga espesyal na digital equipment at inaasahang silang makakatupad ng mga misyon na tulad ng pakikibaka laban sa ribal at paghahanap ng yaman sa tulong ng iba't ibang hay-tek. Ngayon, tingnan natin kung paanong inilarawan ni Mao ang hinggil sa isang tagpo ng kanyang laro.
"Alas 3:58 PM sa ika-28 ng Mayo, 2010, sa pagsasagawa ng misyon ng paghahatid ng intelihensiya, napababagsak ang isang eroplanong militar ng bansang A at nawawala na ang intelihensiya. Sa ilalim ng naturang kalagayan, naglalabanan ang bansang A at bansang B para maagaw ang impormasyon."
Napag-alamang ang naturang laro ay inaasahang makakalikha ng 150 milyong Yuan o mahigit 18 milyong dolyares na taunang kita at si Mao ay maaring makapagtamo ng 20% ng stock nang walang ni-katiting na sentimos na puhunan.
Ang isa pang binata ay si Li Xiang, CEO ng pcpop.com. Ang website ni Li ay nagsisilbi isang plataporma ng pagtatanghal ng iba't ibang digital products na tulad ng laptop, desktop, MP3, MP4, kamera, TV, cellphone at hardware. Bilang nagsimula ng website, sinabi ni Li na:
"Komprehensibo ang aming serbisyo na nangunguna ito sa mga katulad na website na Tsino."
Noong isang taon, umaabot sa mahigit 20 milyong Yuan o 2.5 milyong dolyares ang kita ng pcpop.com at lumampas sa 10 milyong Yuan o 1.25 milyong dolyares ang tubo. Ang 24 na taong gulang na Li ay nagkakaroon ng 50% ng mga stock ng kompanya.
Pero, ang kamangha-mangha ay wala sa kanila ang tumanggap ng higher education. Paano nilang natamo ang ganitong tagumpay?
Dahil napakahina sa kurso ng heograpiya sa senior high school, nawalan si Mao ng pagkakataon ng pagpasok sa pamantasan at saka huminto siya sa paaraalan. Sinabi ni Mao na ang di-pagpasok sa pamantasan ay hindi nangangahulugang di-pag-aaral.
"Naaalaala kong noong ako ay 17 taong gulang pa lamang, nakapagtamo na ako ng mga certificate bilang Microsoft at CISCO certified expert. Dalawang Asyano lamang ang nagkaroon ng naturang titulo at ako ay isa sa dalawa."
Para kay Li Xiang naman, noong pa man bilang estudyante ng junior school, hibang na hibang na siya sa computer sciences at noong nasa senior high school, nagbukas na siya ng sarili niyang website. Pagkaraan ng tatlong taon nang lumapit ang university entrance examination, napagpasiya naman ni Li na talikdan ang eksaminasyon at magkonsentra sa pagpapaunlad ng kanyang website.
Kapuwa ipinalalagay nina Mao at Li na kung gustong makapagtagumpay, sa halip ng diploma, ang pagtatakda ng target at ang pagsisikap para sa pagsasakatuparan dito ay kritikal para sa isang kabataan.
Sinabi ni Li na nitong 8 taong nakalipas sapul nang magsimula siya ng kanyang negosyo, marami siyang natututuhang karanasan sa pangangasiwa sa bahay-kalakal. Ipinagtapat niya na:
"Nagkakamali ako at sinasalubong rin ko ang iba't ibang kahirapan. Pero, buong husay na nalulutas ko ang mga ito at sa prosesong ito, lumalaki ako. Palagay ko'y di-masama ang mga problema at mabuti ang mga ito."
Para kina Mao at Li, mahaba pa ang kanilang landas na dapat nilang tahakin at mahirap din para sa atin na tayahin ang hinaharap ng kanila at kanilang bahay-kalakal. Gayunpaman, nagbabago sila ng tradisyonal na rules of the game ng pamilihan at lumilikha sila ng bagong alamat ng pagyaman.
|