Mga sangkap
Isang batang manok na tumitimbang ng 600 gramo at inalisan ng laman
50 gramo ng labong
50 gramo ng karot
50 gramo ng green peppers
100 gramo ng langis na panluto
3 gramo ng asin
2 gramo ng vetsin
10 gramo ng hiniwa-hiwang scallion
10 gramo ng hiniwa-hiwang luya
5 gramo ng pinatuyong siling labuyo
1 gramo ng durog na paminta
5 gramo ng sesame oil
50 gramo ng suka
20 gramo ng mixture of cornstarch and water
20 gramo ng shaoxing wine
125 gramo ng tubig
Paraan ng pagluluto
Lagyan ng tubig ang isang palayok at ilubog ang manok. Lagyan ng malakas na apoy ang ilalim ng palayok at ilaga hanggang sa maluto ang manok. Alisin ang ulo, leeg at mga paa ng manok. Buksan ang dibdib ng manok at alisin ang lahat ng mga buto. Hiwa-hiwain ayon sa himay-may ang karne ng manok sa pirasong 5 sentimetro ang haba at 1 sentimetro ang lapad. Gayatin ang labong, karot at green peppers. Hiwa-hiwain din nang maliliit ang pinatuyong siling labuyo.
Maglagay ng langis na panluto sa kawa at initin sa malakas na apoy sa temperaturang 135 hanggang 170 degree centigrade. Ihulog ang mga piraso ng karne ng manok, luya at pinatuyong siling labuyo at igisa hanggang sa lumutang ang bango. Ihulog ang labong, karot at green peppers, buhusan ng shaoxing wine at suka, tapos lagyan ng asin at durog na paminta at patuloy na igisa sa loob ng 1 hanggang 2 minuto. Buhusan ng tubig at pagkaraang kumulo, bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng ilang minuto hanggang sa sumingaw ang ibang tubig. Lagyan ng scallion at mixture of cornstarch and water at wisikan ng sesame oil. Isalin sa plato at isilbi.
Katangian: may magandang kulay.
Lasa: maalat, kaunting maasim at kaiga-igaya.
|