Ang kabiserang Shijiazhuang ng lalawigang Hebei ay isang batang lunsod na umaahon kasabay ng pag-unlad ng mordernong sistema ng daam-bakal ng Tsina.
Ang 28 taong gulang na si Maike Livingston ay galing sa Kanada, 2 taong siyang nagturo sa isang pamantasan sa Shijiazhuang. Ipinahayag niyang sa loob ng panahong ito, malaki ang naging pagbabago sa lunsod. Aniya:
"Dumating ako ng Shijiazhang noong 2004. Sa susunod na 2 taon, naging berdeng berde ang lunsod at lumawak nang lumawak ang mga lansangan at marami na ring naitayong shopping malls. Ang unang impresyong naiwan ng Shijiazhuang sa akin ay ang mabilis na pag-unlad nito -- umuunlad ito tungo sa pagiging isang malaking lunsod ng Tsina."
Ang Shijiazhuang ay nasa dakong gitnang-kanluran ng lalawigang Hebei, at ito ay nagsisilbing mahalagang meeting point ng mga daambakal at pamabansang lansangan ng Tsina. Naakit ng umuunlad na lunsod na ito ang maraming taong kinabibilangan ni Maike. Kaugnay ng katangian ng lunsod na ito, sinbi ni Maike na:
"Nakapunta ako sa maraming lunsod ng Tsina na gaya ng Beijing, Xi'an, Shanghai, Guangzhou, Shenzhen at iba pa, magkakaiba ang bawat lunsod. Maliwanag ang katangian ng Shijiazhuang, hindi ito katulad ng Beijing at Xi'an na may mahabang kasaysayan. Ito ay matatawag na batang lunsod na dati ay isang nayon lamang. Nang tumira ako dito, naranasan ko ang kasaysayan ng paglaki ng Tsina."
Nagkaroon si Maike ng maraming kaibigan sa Shijiazhuang. Kung mayroon siyang probelma, palaging aktibong nagbigay-tulong sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan at kapitbahay. Sinabi ni Maike na magandang maganda ang kaniyang mga karanasan sa lunsod na ito.
Si Osso ay isang dalubhasang pinansiyal at nagturo siya sa isang unibersidad sa Shijiazhuang nang 3 taon. Isinama rin niya ang kaniyang 4-na-taong pamilya sa lunsod na ito. Kaugnay ng tanong na bakit ito ang pinili lunsod. Sinabi niyang dahil maganda ang kilama dito at mababait rin ang mga tao. Nakahandang silang tumulong sa iba. Malapit din ang distansya nito sa Beijing.
Bukod sa mga taong gaya ni Maike at Osso na tumira sa Shijiazhuang nang maikling panahon, maraming dayuhan ang namumuhay at nagtrabaho dito nang maraming taon. Mayroon silang sariling usapin, pamiliya at kaibigan sa lunsod na ito. Ganap na umangkop sila sa pamumuhay dito at malalim ang kanilang damdamin sa lunsod na ito. Para sa kanila, ang Shijiazhang ay ang kanilang ikalawang lupang tinubuan. Si Wilma Sullivan ay isa sa kanila. Siya ay guro ng wikang Engles sa Paaralan ng Wikang dayuhan ng Shijiazhang. Tumira siya dito nang 11 taon. Sinabi niya:
"Noong 1995, dumating ako ng Shijiazhang. Napakalaki ng agwat ng kalagayan ng lunsod na ito sa panahong iyon kumpara sa kasalukuyan. Walang anumang parke, golf course at iba pang pasilidad sa paligid. Sa loob ng 11 taon na ito, nasaksihan ko ang pag-unlad at pag-ahon ng lunsod na ito."
Noong setyembre ng taong ito, ginawaran si Wilma ng Friendship Award. Ang Friendship award ang pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob ng pamahalaang Tsino sa mga dalubahsang dayuhan na nakapagbigay ng dakilang ambag sa Tsina sa kani-kanilang larangan. Nagawaran din ang aming dear Ramon Junior ng parangal na ito. Si Wilma ang kauna-unahang dayuhang tumanggap ng Friendship Award sa lalawigang Hebei sa larangan ng kultura't edukasyon. Nang kapanayamin siya ng aming mamahayag karamihan sa kaibigan niya ay nasa kaniyang bahay para ipagdiwang ang malaking pangyayaring ito. Masayang masaya si Wilma sa naturang parangal. Sinabi niyang taos-pusong pinasasalamatan niya ang pamahalang Tsino sa pagkakaloob sa kaniya ng parangal na ito.
|