Pagkaraang salantain ng bagyong Durian ang Pilipinas, nagpadala sina premiyer Wen Jiabao at ministrong panlabas Li Zhaoxing ng Tsina ng mensahe sa pangulo at ministrong panlabas ng Pilipinas bilang pagpapahayag ng pakikiramay at pakikidalamhati. Nagkaloob din ang pamahalaang Tsino ng 200 libong dolyares na walang bayad na tulong sa Pilipinas. Isinalaysay noong Martes sa isang regular na preskon ang naturang kalagayan ni Qin Gang, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina. Sinabi niyang pinagtutuunan ng pansin ng Tsina ang kalagayan ng kalamidad ng Pilipinas at mag-aabuloy ang Red Cross ng Tsina ng 50 libong dolyares sa Red Cross ng Pilipinas. Kinumpirma ng may kinalamang departamento ng Pilipinas na mga 425 tao ang namatay sa nasabing kalamaidad at 599 ang nawawala.
Sa panahon ng kanyang paglahok sa pulong na ministeryal ng ASEAN at bansang kadiyalogo na idinaos sa Cebu, Pilipinas, kinatagpo noong Sabado ni Li Zhaoxing, ministrong panlabas ng Tsina ang kanyang counterpart na Pilipino, si Alberto Romulo. Sa kanyang pakikipagtagpo kay Romulo, mataas na pinahahalagahan ng dalawang panig ang pag-unlad ng relasyong Sino-Filipino at ipinahayag na nakahandang palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan at magkasamang magsikap para mapasulong ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN, ASEAN at Tsina, Hapon, at Timog Korea.
Sa isang pulong na idinaos noong Biyernes sa Cebu, Pilipinas, nagsanggunian si Bo Xilai, ministro ng komersyo ng Tsina at ang mga ministrong pangkabuhayan at pangkalakalan ng mga bansang ASEAN hinggil sa mga isyung may kinalaman sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at magkakasama silang lumagda sa isang supplemental agreement. Ang nasabing kasunduan ay naglalayong lutasin ang mga naiwang isyu sa 'balangkas ng kasunduan hinggil sa ganap na kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at ASEAN' at 'kasunduan hinggil sa kalakalan ng paninda ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN'. Pagkaraan ng pulong na ito, ipinahayag ni Bo na ang paglalagda ng kasunduang ito ay nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga ng dalawang panig sa malayang sonang pangkalakalan. Ipinahayag naman ng mga ministrong pangkabuhayan at pangkalakalan ng mga bansang ASEAN na nakahanda silang magsikap, kasama ng Tsina, para patuloy na mapasulong ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan.
Ipinatalastas noong Sabado sa Beijing ni Qin Gang, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina na dahil sa malakas na bagyo, ipinagpaliban ni premiyer Wen Jiabao ng Tsina ang pagdalaw sa Pilipinas. Napag-alamang sa isang preskon na idinaos noong Araw ng Linggo sa Cebu, Pilipinas, sinabi ni Marciano Paynor, tagapagsalita ng pambansang organizing committee ng ASEAN-Pilipinas na namamahala sa ika-12 ASEAN Summit at mga may kinalamang pulong, na pagkaraan ng pagsasanggunian ng iba't ibang panig at opisyal ng mga bansang ASEAN, ang ika-12 ASEAN Summit, serye ng summit ng ASEAN at mga bansang kadiyalogo, at ika-2 summit ng Silangang Asya na ipinagpaliban dahil sa bagyo ay idaraos sa Cebu sa ika-8 hanggang ika-13 ng Enero ng susunod na taon. Sinabi ni Paynor na ang kapasiyahang ito ay naglalayong mapangalagaan ang kaligtasan ng mga lider ng mga kalahok na bansa.
Tinukoy noong Huwebes ni Datuk Seri Keng Yaik, ministro ng enerhiya, tubig at telekomunikasyon ng Malaysia na napakalaki ng kooperasyon ng Tsina at Asean sa maraming larangan. Sa porum ng komersyo ng Tsina at Asean para sa taong 2006 na idinaos nang araw ring iyon sa Kuala Lumpur, ipinahayag niyang itatatag ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Asean (CAFTA) sa taong 2010, at ang kooperasyon ng Tsina at Asean na may kani-kanilang sariling bentahe at pagkokompliment ay makakabuti sa kapuwa panig. Tinukoy din niyang ang walang humpay na paglaki ng pangangailangan ng Tsina sa langis, koryente at iba pang enerhiya ay lumikha ng napakainam na pagkakataon sa mga bahay-kalakal ng ilang bansang Asean na kinabibilangan ng Malaysia. Mahigit 100 dalubhasa, iskolar, kinatawan at personahe ng sirkulo ng mga bahay-kalakal mula sa Tsina at Asean ang kalahok sa nasabing 2-araw na porum, tinalakay nila ang isyung kung papaanong ibayo pang mapapaunlad ng Tsina at Asean ang kanilang partnership na pangkooperasyon sa bagong panahon.
|