• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-12-14 14:19:15    
Paglalakbay ng mga mamamahayag ng BBC sa Guangdong

CRI
Noong Oktubre ng taong ito, dumalaw sa Lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina si George Arney, mamamahayag ng British Broadcasting Corporation o BBC, at ang halos 10 kasamahan niya, at ang nasabing 11 araw na pagdalaw ay lubusang nagpabago sa impresyon niya sa Tsina. Sabi niya, konti lang ang alam niya sa Tsina.

"Nasa interyor ako ng Tsina ngayon at medyo bumagal ang takbo ng tren nang pumasok ito sa interyor mula sa HongKong. Alam namin ang HongKong sa pagkakaroon ng double-decker bus sa mga lansangan nito at mga pahayagang may bukas na pananalita, pero kung kabisado namin o hindi ang interyor ng Tsina sa labas ng tren, hindi pa namin masabi. Hinihintay pa namin ang mga susunod na mangyayari."

Pagkarang dumating ng Tsina, nagsasagawa si George ng 3 ulit na live broadcast araw araw sa pamamagitan ng satellite phone nila ng punong himpilan ng BBC para maibalita ang nakikita at naririnig niya.

Nitong nakalipas na 25 taon sapul nang simulan niya ang trabaho ng pagbabalita, pumunta minsan si George sa maraming bansa at rehiyon para sa panayam, pero ito ang kauna-unahang pagkakataong dumalaw siya sa interyor ng Tsina at tulad ng mga mamamayang dayuhang kaunti lang ang alam hinggil sa Tsina, pinagdududahan ni George ang mabilis na pag-unlad ng Tsina, pero pagkatapos ng pagdalaw sa ilang karaniwang lunsod sa dakong timog ng Tsina na gaya ng Guangzhou, Shenzhen at Dongguan, nagkaroon siya ng bagong pananaw sa Tsina.

Bukod sa kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan, ang family planning policy, pagsasaayos sa polusyon sa kapaligiran at kalagayan ng edukasyon sa mga unibersidad ng Tsina ay kabilang sa plano ng panayam ni George. Bumisita siya sa mga paaralan at bahay na residensiyal, kinapanayam ang mga opisyal ng pamahalaan, mangangalakal, mag-aaral sa unbersidad, manlalaro at iba pa. Sa isang mababang paaralan, natuklasan niyang maaaring makausap ang mga grade-1 at grade-2 students, sa wikang Ingles. Natuklasan din niyang tulad ng mga batang dayuhan, mahilig din silang manood "Toy Story" at "Harry Potter". Anya, ang sistema ng pagtuturo ng computer doon ay mas sulong pa kumpara sa paaralan ng kanyang anak na lalaki.

Pagkaraang bumisita sa paaralan, kasama ng isang kasamahan, bumisita si George sa pamilya ni Li Yongquan, isang elderling mamamayang Tsino na naninirahan sa isang matandang rehiyon ng Guangzhou, para malaman nang mas mabuti ang talagang kalagayan ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.

Masiglang-masigla pa rin si Li nang mabanggit ang pagdalaw ng naturang 2 panauhing dayuhan, anya:

"Tuwang-tuwa ang pamilya ko na madalaw ng mga kaibigang Britaniko. Nagpalitan pa kami ng regalo. Binigyan ko siya ng isang painting na ang tema ay pag-asa sa walang hanggang pagkakaibigang Sino-Britaniko."

Kasabay ng pagpapalalim ng bisita niya, unti-unting nagbago ang impresyon ni George sa Tsina. Nilutas ang mga tanong niya nauna rito. Ipinalalagay niyang konti ang pagkaunawa niya sa Tsina at napakahalaga ng katuturan ng pagdalaw na ito para sa kanya. Sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, totohanang nalaman niya ang pamumuhay ng mga pamilya sa Tsina at naramdaman ang malalim at totohanang ugnayan at damdamin sa pagitan ng magkakaibang tao.

Si Zheng Yun ay isang taga-Guangdong, siya rin ay tagapagsalin ni George sa panahon ng pananatili niya sa Guangdong. Naramdaman rin niya ang pagbabago ng pananaw ni George sa Tsina. Sinabi niyang:

"Ikinagulat ni George ang tagumpay ng konstruksyon ng kabuhayan ng Lalawigang Guangdong. Mayrong siyang obdiyektibong palagay sa Tsina sa pamamagitan ng kanyang sariling karanasan. Ang paglalakbay sa lalawigang ito ay nakapagbago nang malaki sa pananaw niya sa Tsina.

Ang pag-unlad ng Lalawigang Guangdong, sa katunayan, ay isang parte lamang ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina. Ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng ilang lugar ng Tsina ay mas mabilis kumpara sa lalawigang ito. Nang lumisan siya ng Tsina pauwi pagkatapos ng pagdalaw, sinabi ni George na magbabalik siya para makapanayam ang mas marami pang mamamayang Tsino para mas malalim pang malaman ang hinggil sa Tsina.