• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-12-14 14:20:11    
Kasaysayan ng Macao--noong sinaunang panahon

CRI
Noong unang dako ng ika-16 siglo, kasabay ng pagbubukas ng pandaigdig na daang pantubig, napukaw din naman ang amibisyon ng mga kanluraning mananakop na sunggaban ang maraming resources ng silangan, at ang Tsina na malawak sa teritoryo at sagana sa iba't ibang likas na yaman ay ang naging pangunahing target nila. Ang mga kauna-unahang nakarating sa Tsina sa pamamagitan ng paglalayag pasilangan mula sa Europa ay ang mga Portuges.

Noong panahong iyon, ang Tsina ay nasa ilalim ng huling dako ng pamumuno ng Ming Dynasty kung akilang istupido at walang kamuwang-muwang ang emperador sa nagaganap na pagbabago sa daigdig. Noong 1510, sinakop ng armadong armada ng Portugal ang Goa ng India at inilagay nito roon ang gobernador heneral ng Portugal. Sa gayon, ang Goa ay naging isang base para sa patuloy na pagpapalawak pasilangan ng mga mananakop na Portuges. Pagkatapos ng isang taon, nilupig nila ang Malacca ng Malaysya at ginawa itong outpost para sa pagsalakay naman nila sa mga baybaying purok ng Tsina.

Noong 1514 at 1515, dalawang beses na nagpadala ang Portugal ng merchant ship sa Tsina upang humanap ng trade opportunity at buksan ang isang ruta sa dagat. Pero pumalya sila sa dalawang tangka na iyon. Gayunman, tumbubo sila nang malaki sa pamamagitan ng pagpupuslit sa Damen Island sa Canton. Noong 1517, dumating sa naturang Damen Island ang mga sugong Portuges na nakasakay sa mga armadong bapor, pero napigil sila ng mga opisyal na Tsino. Sa ganitong kalagayan, nagpaputok ng kanyon ang mga sugong Portuges bilang demonstrasyon at nagpilit silang pumasok sa inland River Zhujiang ng Tsina at dumaong sa Guangzhou. Natatala ang insidenteng ito sa librong pangkasaysayan ng Tsina. Sa gayon, pinasimulan ng mga Portuges sa dagundong ng kanyon ang pananalakay nila sa Tsina.

Sa kabila ng karahasang ginamit nila sa pagpasok sa Tsina, nakatanggap pa rin ang mga sugong Portuges ng mainit na welkam mula sa panig Tsino. Buong husay ding inimbak sa bodega ang kanilang mga kargo. Bukod dito, pinyagan pa silang makipagkalakalan sa mga taga-Guangzhou. Pero ang lahat ng mga ito ay hindi ikinasya ng mga Portuges. Nanatili sila sa Guangzhou at ayaw nang umalis.

Hindi nagtagal, sinimulan nilang mangalakal sa mga tao at gumawa ng iba't ibang krimen. Sinuhulan pa nila ang mga opisyal na Kantones para maipadala nila ang isang tagapagsaling Portuges sa imperial court sa Beijing. Ang tagapagsaling ito ay isang spiya. Napakatuso niya kaya hindi nagtagal ay natamo niya ang pagtitiwala ng Emperador. Noong bandang huli, dumating sa Beijing ang sugo ng emperador ng Malaysiya na noo'y sinakop ng Portugal upang humingi ng saklolo sa Ming Dynasty at ibunyag ang mga marahas na aksyong ginawa ng mga Portuges sa Malaysiya. Samantala, nalaman din ng emperador Tsino ang mga krimeng ginawa ng mga mananakop na Portuges sa teritoryo ng Tsina. Ang lahat ng mga ito ay labis na ikinasindak ng pamahalaan ng Ming Dynasty. Ipinapatay kaagad ng emperador Tsino iyong tagapagsaling Portuges at ipinakulong ang mga sugo ng Portugal.