• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-12-18 19:04:23    
Disyembre ika-11 hanggang ika-17

CRI

Sa paanyaya ng mataas na kapulungan ng Malaysia at Cambodia, lumisan noong Martes ng Beijing si Li Guixian, pangalawang tagapangulo ng pulitikal na konsultatibong kapulungan ng mga mamamayang Tsino, CPPCC at puno ng China International Exchange Association, CIEA at ang kanyang pinamumunuang delegasyon ng CIEA para sa isang dalaw pangkaibigan sa Malaysia at Cambodia.

       

Sa ilalim ng pagtataguyod ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, binuksan noong Huwebes sa Kuala Lumpur, Malaysia ang eksibisyon ng mga panindang Tsino at komprensiya sa pamumuhunan. Lumahok sa seremonya ng pagbubukas ang mga opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina at Ministri ng Kalakalang Pandaigdig at Industriya ng Malaysia. Masiglang lumahok sa eksibisyong ito ang mga mangangalakal ng iba't ibang bansang ASEAN at umabot sa halos isang libo ang mga eksibitor.

Sa Lalawigang Yunnan sa dakong timog kanluran ng Tsina. Idinaos dito noong Sabado ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagtitipon-tipon ng mga mamamayan sa hanggahan ng Tsina at Myanmar na ang tema ay "pagpapasulong sa may-harmonyang pag-unlad ng Tsina at Myanmar". Lumahok sa seremonya ng pagbubukas ang mga opisyal, mapagkaibigang personahe at mga kinatawan ng NGOs mula sa dalawang bansa. Napag-alamang napakaringal ng saklaw ng aktibidad na ito, lumampas sa 50 libong person-time ang bilang ng mga kalahok na tauhan ng kapuwa panig, at ang mga aktibidad na ito ay kinabibilangan ng seremonya ng pagbubukas ng stadium ng pagkakaibigan ng Tsina at Myanmar, eksibisyon ng bunga ng kooperasyon ng dalawang bansa at iba pa. Nitong nakalipas na ilang taon, ibayo pang lumalakas ang pag-uugnayang pangkaibigan ng Tsina at Myanmar, at unti-unting lumalawak ang pagpapalitan at pagtutulungan ng kapuwa panig sa larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, turismo at kultura.

Ipinatalastas noong Huwebes sa Nanning ng lupong tagapag-organisa ng China ASEAN Youth Artwork Creativity Contest o CAYACC na idaraos sa ika-24 ng buwang ito ang seremonya ng paggagawad ng gantimpala ng paligsahang ito. Ang kasalukuyang paligsahan ay naglalayong ibayo pang pasulungin ang kultura at kabuhayan ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN at pagpalitan ang sining ng mga bansang ito.

Nilagdaan noong Martes sa Beijing ng Beijing Perfect World Co. Ltd. at Level Up Inc. ng Pilipinas ang isang kasunduan hinggil sa pormal na pagluluwas sa Pilipinas ng isang 3D online game ng una na may pamagat na "Perfect World". Ang "Perfect World" ay isang online game na may background hinggil sa alamat ng Tsina at sa game na ito, maaaring likhain ng mga player ang sariling mukha batay sa kagustuhan. Ma-eenjoy ninyo ang game na ito sa malapit na hinaharap.