Mga Sangkap
1 buong isdang tumtimbang ng 1 kilo
50 gramo ng paminta
50 gramo ng hiniwa nang pinong winter mushroom
100 gramo ng vegetable oil
30 gramo ng toyo
50 gramo ng suka
30 gramo ng cooking wine
15 gramo ng asin
25 gramo ng cornstarch na tinunaw sa tubig
40 gramo ng asukal
20 gramo ng coriander
25 gramo ng bawang
40 gramo ng scallions
25 gramo ng luya
Paraan ng pagluluto
Tanggalan ng hasang at palikpik ang isda tapos hugasan. Hiwaan nang pahilis sa magkabilang tagiliran bago ihulog sa kumukulong tubig kasama ng tinadtad na scallions at luya, cooking wine at asin. Ilaga ang isda hanggang sa mamuti. Hanguin sa tubig at ilipat sa plato.
Mag-init ng mantika sa kawli tapos ihulog sa tinadtad na scallions, luya, bawang at winter mushrooms. Lagyan ng paminta at igisa. Lagyan ng tubig at asukal, suka, cooking wine at toyo. Palaputin ang sabaw sa pamamagitan ng cornstarch tapos lagyan ng ilang patak ng hot oil at haluin. Ibuhos ang mixture sa isda. Budburan ng coriander at isilbi.
|