• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-12-21 19:34:51    
Nagsisikap ang Tsina para sa pagtatatag ng may-harmonyang lipunan

CRI

Hanggang sa kasalukuyang taon, 2006, patuloy sa mabilis na pagsulong ang kabuhayan ng Tsina, pero, ipinalalagay ng ilan na ang pinakamalaking tagumpay nito sa taong ito ay nakasalalay, hindi sa kabuhayan, kundi sa malinaw na pagharap ng pamahalaan sa target na pagtatatag ng may-harmonyang lipunan at aktibong pagsisikap para rito. Sa kasalukuyan, nagsimula nang makita ang bunga ng pagsisikap na ito sa ilang aspekto.

Si Sun Jianhua ay isang 30 taong gulang na magsasaka mula sa Ningyang, isang bayan ng Lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina. Nitong nakalipas na 8 taon, nagtatrabaho siya sa mga lunsod ng iba pang lalawigan. Sinabi ni Sun na kasabay ng pagpapabuti ng estado sa mga patakaran nito na may kinalaman sa mga magsasakang nagtatrabaho sa lunsod, tumaas ang kita niya sa mahigit 2 libong yuan RMB mula sa dating ilang daan. Pero ang pakiramdam niya, wala siyang katatagan sa kanyang trabaho.

"Dahil wala akong medicare. Kung dadapuan ako ng malubhang karamdaman. Hindi ko makakayanang isabalikat ang gastusin ng pagpapagamot. Bukod dito, dahil sa wala rin akong endowment insurance, hindi ko rin alam kung ano ang magiging buhay ko."

Mawawala rin ang pagkabalisa ni Sun sa malapit na hinaharap. Upang maisakatuparan ang malusog na pag-unlad ng lipunan, noong nakaraang 2 taon, iniharap ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang estratehiya ng pagtatatag ng may-haramonyang sosyalistang lipunan, at pinagtibay sa ika-6 na sesyong plenaryo ng ika-16 na Komite Sentral ng CPC sa taong ito ang kapasiyahan ng pagtatatag ng may-harmonyang sosyalistang lipunan.

Sa proseso ng pagtatatag ng naturang lipunan, ang pagpapabuti sa social security ay isang napakahalagang nilalaman. Sapul nang magsagawa ng reporma at pagbubukas sa labas, mahigit 20 taon ang nakaraan, inisyal na naitatag ng Tsina ang isang serye ng security systems na kinabibilangan ng sistema ng basic endowment insurance, medicare at employment insurance. Pero nangingibabaw pa rin ang ilang problema. Nagsasagawa ngayon ang mga may kinalamang kagawaran ng Tsina ng hakbangin para malutas ang mga problemang ito. Ipinahayag kamakailan sa isang pulong ni pangalawang premyer Huang Jv na …

"Dapat buong sikap na pag-aralan at lutasin namin ang ilang mahalagang isyu sa social security system, itatag ang mabisa at pangmatagalang mekanismo at isakatuparan ang sustenableng pag-unlad."

Ang di-pagkakabalanse ng pag-unlad ng lusod, nayon at iba't ibang lugar ay isa ring isyung nangangailangan ng solusyon. Para rito, ibayo pang pinalakas ng pamahalaan ang pagkatig na pinansyal sa gawing kanluran at pinag-ibayo ang paggagalugad sa gawing kanluran ng bansa at reporma sa mga matandang base ng industrya sa dakong hilagang silangan. Nagtakda rin ang pamahalaan ng espesyal na hakbangin na nakatuon sa mga gruping etniko na naninirahan sa mga lilib na purok.

Bukod dito, nagsagawa rin ang pamahalaang Tsino ng maraming patakaran at hakbangin para mapalakas ang konstruksyon sa iba pang larangang gaya ng konstruksyon ng sistemang pambatas ng pangangalaga sa iba't ibang karaparan, pagpapabuti sa sistema ng edukasyon, pagpapalakas ng konstruksyon ng sistema ng serbisyong pampubliko, pagpapaibayo ng pangangalaga sa kapaligiran at iba pa.

Kasabay ng pagsasagawa ng mga patakaran at hakbangin, ipinakikita ang inisyal na epekto nito. Si Zhuang Yuehui ay isang 77 taong gulang na retirado. Siya ay isa rin sa mga nagtatamasa ng benebisyo mula sa mga hakbanging ito, dahil nadagdagan ang sahod niya nang mahigit 200 RMB. 

"Tuwang-tuwa ako. Dahil sa paglaki ng sahod, magiging mas maganda at mas masagana ang pamumuhay ko sa hinaharap. Sa kasalukuyan, ikinasisiya ko ang kasalukuyang pamumuhay sa iba't ibang aspekto."

Nananalig kaming sa ilalim ng papel ng nasabing mga hakbangin at patakaran, malilipos ng harmonya ang lipunan ng Tsina sa malapit na hinaharap.