Magandang gabi at maligayang pasko at manigong bagong taon sa inyong lahat, saan man kayo naroroon. Welcome sa espesyal na pamaskong handog ng serbisyo Filipino.
Ngayon ay araw ng pasko, kaya game show tayo, at ang subject ng ating game ay si Santa Claus.
Si Santa Claus ay isang folklore character na pinaniniwalaang bumabasa mula sa north pole at nagtutungo sa iba't ibang lugar ng mundo para mamigay ng regalo tuwing araw ng pasko.
Ngayon, narito ang tanong: Kung masasalubong mo si Santa Claus, ano ang hihingiin mong regalo sa kaniya?
Kung masasagot ninyo nang makuwela ang tanong na iyan, kayo ay tatanggap ng:
First prize: DVD Player
Second prize: MP4
Third prize: Tea set
Bibigyan ko kayo ng halimbawa, sample. Narito, mula sa 9174013194, kay Manuela: "Kuya Ramon, kung masasalubong ko si Santa, ang hihingiin kong regalo ay two-way ticket to China via Hong Kong, para mapuntahan ko ang iba't ibang lugar sa Beijing at makapunta sa itong kong para mag-shopping."
Ang tatlo sa unang grupo na tumugon sa ating tanong ay iyung mga batikang mang-aawit na Pilipino dito sa Beijing. Narinig ninyo ang kanilang mga tinig kagabi habang kumakanta at ngayon naman, maririnig ninyo ang kanilang mga sagot sa ating tanong.
Simulan natin kay Irish ng ANA NIKKO Hotel Beijing.
LELE: Sabi ng propesyonal na mang-awit na si Irish Jovellos, mayroong pasko kung mayroon kumukutitap na ilaw, magagandang parol, krismos tri na may krismas bol, at kung mayroong perang pang-shopping.
Iyan ang sagot ni Irish Jovellos ng ANA NIKKO Hotel.
Alam niyo, technically, kasali rin sila sa contest na ito, kaya kung hindi ninyo malalampasan ang mga sagot nila, baka sila ang makakuha ng mga premyo.
Noong isang gabi, sa pag-uusap naming sa telepono, naitanong ko kay Liz Bornhauser ng Germany ang tanong sa game na ito. Meron siyang sagot pero hindi maganda ang audio kaya hindi ko maiparinig sa inyo.
Sabi niya, kung makakasalubong niya si Santa Claus, sasabihin niya na isakay siya sa sasakyan nito at dalhin sa itaas ng Great Wall para makapanik siya ng Great Wall for the second time.
SISSY: Para naman kay Weng-Weng, mayroong pasko kung naririnig na natin ang cliché na: "Peach on earth to men of goodwill". Sabi niya, kung masasalubong niya si Santa Claus.
Iyan naman ang sagot ni Hazel Amora ng Swiss Hotel Beijing. Kung nakinig kayo ng gabi musika kagabi, tiyak na narinig ninyo nang buung-buo ang kantang narinig ninyo sa background.
May text message si La Trixia ng Cavite: Kuya Ramon, Merry Christmas sa inyong lahat lalo na doon sa mga kasamahan mo na na-meet naming dito sa Pilipinas last week of December. I hope you enjoy the yuletide season.
Sabi ng Pilipinong mang-aawit na si Michele Sverre, ang pasko ay nangangahulugan ng maraming bagay sa mga katulad niyang nagtatrabaho sa abroad at ang pagtatrabaho niya sa China bilang vocalist ay isa na ring kahulugan ng pasko.
At iyan naman ang sagot ni Michele Sverre ng SAS RADISSON hotel.
Salamat sa iyo 9106648357. Sabi ng kaniyang SMS, "Sumainyo ang kapayapaan ng panginoon. Maligayang pasko at manigong bagong taon. Sana manatiling masaya at mapayapa ang inyong mga araw. Ipagdiwang natin ang pagsilang ng ating savior." Oh, may mga sagot na rito via SMS.
Sabi ng 9286651420, "Kung masasalubong ko si Santa Claus, hindi ako hihingi ng regalo sa kaniya, ang hihingiin ko ay pambalot ng regalo. Marami akong pang-regalo pero wala akong pambalot."
Hindi ko na mababasa iyong ibang mga sagot dahil wala na tayong oras. Pero itong programa lang natin ang natatapos at hindi ang ating contest, ha? Hihintayin naming ang inyong mga sagot.
Pasensiya na kayo, talagang hanggang dito na lang ang oras natin para sa gabing ito. Itong muli si Ramon JR. Maraming salamat sa inyong pakikinig at sa ngalan ng lahat ng mga kasamahan ko dito sa serbisyo Filipino, maligayang pasko at manigong bagong taon sa inyong lahat!
|