• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-12-25 10:30:59    
Mga bahay-kalakal na Tsino, idinidebelop ang sariling tatak

CRI

Sa proseso ng pagpapalawak ng pamilihan sa ibayong dagat, maraming bahay-kalakal na Tsino ang nagpapahalaga sa pagdedebelop ng sariling tatak. Sa kasalukuyan, sa tradisyonal na industriya man o sa hay-tek, ang mga bahay-kalakal na Tsino ay aktibo sa pagdedebelop ng sariling tatak.

Sa mula't mula pa, nangunguna na sa pamilihan ng sasakyang-de-motor ng Tsina ang mga tatak na dayuhan na tulad ng Audi, Benz, BMW, Volkswagan, Hyundai at Ford. Pero, nitong ilang taong nakalipas, nagsusulputan din ang mga bahay-kalakal na Tsino na may sariling IPR, karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip. Gawin nating halimbawa ang Chery Automobile Co., Ltd.. Kasiya-siya ang market share ng bahay-kalakal na ito sa loob ng Tsina at malaki rin ang bolyum ng pagluluwas nito. Noong unang hati ng kasalukuyang taon, ang bilang ng iniluwas na kotseng Chery ay bumuo ng 70% ng kabuuang bolyum ng iniluwas na kotse ng Tsina. Sa mahigit 40 bansa't rehiyon, mabibili ang kotse ng Chery. Simula ngayong taon, ang makina ng Chery ay iniluluwas na rin sa pamilihan ng Hilagang Amerika. Noong unang anim na buwan, sa Estados Unidos lamang, mahigit 7000 ganitong makina ang nailuwas.

Sinabi ni Li Feng, Pangalawang Tagapangasiwa ng Chery, na ang pagdedebelop ng orihinal na tatak ay garantiya sa pagiging matagumpay ng kompanya. Sinabi pa niya na:

"Upang maipromote ang tatak na Chery, nagsisimula kami mula sa bantam car at yugtu-yugtong papasok kami sa upmarket."

Salamat sa pag-unlad ng Chery, mabilis ang pag-unlad ng mga may kinalamang bahay-kalakal. Nitong 9 na taong nakalipas sapul nang itatag ang Chery, mahigit 230 bahay-kalakal na nagpoprodyus ng piyesa ng mga sasakyang-de-motor ang nagtayo rin ng base sa Wu Hu, lunsod kung saan matatagpuan ang punong tanggapan ng Chery. Noong unang kalahating taon, umabot sa 9.3 bilyong Yuan RMB o mahigit 1.1 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng output ng Chery at naturang mga may kinalamang bahay-kalakal na halos katumbas ng 40% ng industrial output value ng lunsod.

Sa industriya ng hay-tek, nagsusulputan din ang mga bahay-kalakal na Tsino na may sariling IPR. Ang Beijing Huaqi Information Digital Technology Co. Ltd. na itinatag noong 1993 ay isa sa mga ito. Malaki ang market share ng mga digital products nito na may tatak na Aigo sa loob at labas ng bansa. 10 taong singkad na nananatiling mahigit 60% ang taunang paglaki ng bolyum ng negosyo ng kompanya. Sinabi ni Feng Jun, Presidente ng kompanya, na ang mahusay na sariling tatak ay hindi lamang pinanggagalingan ng tubo ng bahay-kalakal, kundi isa ring manipestasyon ng lakas ng bansa. Sinabi pa niya na:

"Malalimang napagtatanto naming ang tatak, lalung lalo na ang pambasang tatak ay nangangahulugan ng kredibilidad, diwang inobatibo at dignidad ng nasyon. Madaling makitang ang komong katangian ng isang kilalang tatak na pandaigdig ay dapat muna itong maging pambansang taktak, ibig sabihin, gawing base nito ang pamilihang panloob at pagkatapos, sumulong ito patungo sa pamilihang pandaigdig."

Sa ilalim ng globalisasyong pangkabuhayan, mahalaga kung may sariling tatak, pero, hindi ito sapat, at higit na mas kritikal kung papaanong maipo-promote ang tatak na ito. Kaugnay nito, sinabi ni Li Yanhong, tagapagsimula ng Baidu.com, na noong isang taon, naisagawa ng kanyang kompanya ang IPO sa Nasdaq at sa pamamagitan nito, hindi lamang makapagtatamo ang kanyang bahay-kalakal ng mas maraming pondo, kundi, nagkakamit na rin ng magandang pagkakataon para sa promotion ng bahay-kalakal.

Para naman sa panig ng Pamahalaang Tsino, sinabi ni Bo Xilai, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na magsisikap pa ang kanyang pamahalaan para tulungan ang mga bahay-kalakal na paunlarin ang sarili nilang tatak. Sinabi pa niya na:

"Kilala sa buong daigdig iyong mga produktong may nakatatak na 'GAWA SA TSINA'. Pero, dapat din kaming magkaroon ng aming sariling tatak at dapat ding ipromote ang mga ito para maging kompetetibo sa daigdig."