Kasunod ng pag-unlad ng mga lunsod ng Tsina, unti-unting bumuti rin ang konstruksyon ng mga komunidad sa lunsod. Bukod sa mga service provider at tagapamahala, nagsisikap rin ang mga residente para maitatag ang isang may harmonyang komunidad. Walang humpay na lumalakas din ang kanilang kamalayang pampubliko.
Ang komunidad ng "Youth Park" ay isang lumang komunidad sa Ji Nan, isang lunsod sa silangang Tsina. Napakaliit ng saklaw nito at hindi rin maganda ang mga pasilidad at mahigit 6 na libong pamilya ang nakatira sa maliit na komunidad na ito. Ngunit, sa taong ito, ito ang naging kauna-unahang komunidad sa Chineses Mainland na nagawaran ng World Health Organization ang parangal na "Pinakaligtas na Komunidad".
Ang parangal na ito ay naglalayong papurihan ang mga komunidad na walang humpay na nagsisikap para makapagkaloob ng isang ligtas na kapaligiran ng pamumuhay.
Para maigarantiya ang seguridad ng lumang komunidad na ito, mula noong 2002, nagsagawa ang residents' committee ng komunidad na ito ng maraming gawain. Bilang tugon sa mga mapanganib na aksyon sa pangkaraniwang pamumuhay ng mga residente, lumahok sa pagsasanay na may kinalaman sa seguridad ang lahat ng mga personahe ng residents' committee at pagkaraan nito, bumisita sila sa bawat pamilya para sa promosyon ng mga may kinalamang kaalaman. Sinabi ni Dong Chuanshi, isang personaheng namamahala sa mga gawaing panseguridad na:
"Mahalagang mahalaga ang pagpapalaganap ng mga kaalaman hinggil sa seguridad. Dahil dito, nang maganap ang pangkagipitang kalagayan, alam ng mga residente kung papaano hahawakan ang kalagayang ito. Nagsagawa ang aming committe ng maraming gawain ng pagpigil."
Pagkaraan ng mga ito, tumataas nang malaki ang kamalayan ng mga residente sa seguridad at totohanang gumanap ng pepel ang mga ito sa kanilang pangkaraniwang pamumuhay. Sinabi ni residente Dong Guilan na:
"3 beses na bumisita sa bahay ko ang personahe ng residents' committee para palaganapin ang mga kaalamang penseguridad at nagdaos din sila ng mga pagsasanay hinggil sa pagpigil sa sunog."
Bukod sa nasabing komunidad, may magkakaiba ring katangian ang mga komunidad sa iba pang lunsod ng Tsina sa aspekto ng pagtatatag ng isang may harmonyang komunidad. Hindi lamang nagsisikap ang mga miyembro ng komunidad para makalika ng isang mainam na kapaligiran, pinalalakas rin nila ang kamalayang pampubliko ng mga residente. Pinangangalagaan at pinagganda nila ang kapaligiran sa pamamagitan ng kani-kanilang aksyon. Halimbawa, sa isang komunidad sa dakong kanluran ng Beijing, may isang residenteng nagngangalang Li Zhen. Nagboluntaryo siyang alisin ang mga ilegal na billboards sa kaniyang komunidad. Nitong 3 taong nakalipas, mahigit 400 libong ilegal na billboards ang naalis niya.
Hinggil dito, ipinahayag ng isang dalubhasa sa larangang ito na si Bei Ye na sa nakaraan, ipinalalagay ng mga mamamayang Tsino na ang tirahan ay ari-ariang pang-estado. Ngunit, sa kasalukuyan, kasunod ng reporma sa sistema ng paninirahan ng Tsina, naging pribadong ari-arian ang bahay, sa gayo'y, ang komunidad ay naging komong ari-arian ng mga residente. Kaya, sinimulang magtatag ng komunidad sa kanilang sarili. Halimbawa, bumili ka ng isang bagong bahay, ang halaga nito ay depende sa pangkalahatang kapaligiran ng komunidad. Kaya, kung mapagtatanto ng mga tao na ang kahalagaan ng komunidad ay hindi lamang depende sa kani-kanilang bahay, kundi sa kapaligiran ng buong komunidad at kapitbahayan, at gayun din sa harmonya ng buong bansa, mapapasulong nito ang pagsasakatuparan ng may harmonyang lipunan ng buong bansa.
|