• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-03 16:13:34    
Disyembre ika-25 hanggang ika-31

CRI

Isinapubliko noong Martes sa Beijing ng Ministri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina ang ulat na nagsasabing noong ika-19 ng Disyembre, magkasamang natunton ng naturang ministri at Kawanihan ng Pagkikibaka sa Droga ng Pilipinas ang pagawaan ng "ice", nalutas ang napakalaking kaso ng drug trafficking at nakasamsam ng halos 350 kilogram na ice. Ayon sa salaysay, may 20 pinaghihinalaan sa Tsina at Pilipinas ang nadakip sa kasong ito, isang halos 3 libong metro kuwadrado na pagawaan ng ice sa Pilipinas ang nawasak at 3.2 milyong yuan RMB na drug money ang nabawi. Ipinahayag ni pangalawang puno Liu Yaojin ng Kawanihan ng Pagbabawal sa Droga ng nasabing ministri na ang matagumpay na paglutas sa kasong ito ay palatandaang natamo ng Tsina at Pilipinas ang bagong breakthrough sa kooperasyon sa pagtamasa ng impormasyon, magkasamang imbestigasyon, pagkokoordinasyon ng mga aksyon at iba pang larangan.

Nitong dalawang linggong nakalipas, nagsagawa ng pagdalaw sa Tsina si Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya. Noong Huwebes, nakipagtagpo kay Sihamoni si Tang Jiaxuan, kasangguni ng estado ng Tsina. Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Tang na nakahanda ang Tsina na walang tigil na pasulungin, kasama ng Kambodya, ang kooperasyon ng 2 bansa sa iba't ibang larangan sa isang bagong lebel. Sinabi ni Tang na ang komprehensibong partnership ng Tsina at Kambodya ay kinabibilangan ng pulitika, kabuhayan, military, kultura at iba pang larangan at mayaman nang mayaman at pragmatiko nang pragmatiko araw-araw ang nilalaman. Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Kambodya at hinahangaan ng Tsina ang pagsisikap at ambag ng royal family ng Kambodya sa kanilang relasyon. Sinabi ni Sihamoni na nagbigay ang Tsina ng pagkatig at tulong sa usapin ng mga mamamayan ng Kambodya para sa soberanya, pambansang rekonsilyasyon at mapayapang pag-unlad. Nagpapahayag aniya ang royal family, pamahalaan at mga mamamayan ng Kambodya ang pasasalamat sa mga mamamayang Tsino at nakahandang walang humpay na magsikap para sa malalimang pag-unlad ng relasyon ng 2 bansa. Sa panahon ng pagdalaw, bumisita rin si Sihamoni sa Huacheng Temple sa Bundok ng Jiuhua ng Lalawigan ng Anhui sa silangang Tsina at nag-abuloy siya ng isang jade Buddha statue sa templong ito.

Ipinatalastas noong Martes ng Ministri ng Pananalapi ng Tsina na mula sa Enero ng 2007, magbibigay ng magkahiwalay na preperensiyal na patakarang gaya ng concerted tex at preferential duties sa ilang in-aangkat na paninda mula sa sampung bansang ASEAN. Ayon sa pagsasaayos na ipinalabas ng naturang ministri, batay sa kasunduan ng Sino-Asean free trade zone, magbibigay ng concerted tax na mas mababa kaysa most-favoured nation tax sa ilang paninda mula sa 10 bansang ASEAN. Patuloy na magbibigay ang Tsina ng preferential duties sa ilang paninda mula sa mahigit 30 pinaka-di-maunlad na bansa gaya ng Cambodia, Myanmar, Laos, ilang bansang Aprikano at iba pa sa susunod na taon.

Ayon sa ulat mula sa may kinalamang departemento ng Lalawigang Yunnan ng Tsina, ang paggagalugad ng Lancang-Mekong river ay magdudulot ng malaking pagkakataon sa industriya ng turismo ng Timog Silangang Asya. Ang Lancang-Mekong river ay isang pandaigdig na river na dumadaloy sa 6 na bansa ng Tsina, Myanmar, Laos, Thailand, Kambodia at Biyetnam, at ang buong baba nito ay 4880 kilometro. Bukod sa katangi-tanging tanawin, may mahigit 90 etnikong grupo ang nakatira samga purok may Lancang-Mekong River, at ang kasaysayan?kultura at relihiyon nila ay umaakit sa mga turista mula sa iba't ibang lugar. Sa kasalukuyan, ang mga naglalakbay sa sub-region ng Mekong river ay lumalaki na paraniwang 7% bawat taon.