• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-04 10:44:15    
Yixing, "Pottery Metropolis"

CRI
Ang lunsod ng Yixing sa lalawigan ng Jiangsu na kilala sa Tsina bilang "Pottery Metropolis", ay nagpoprodyus ng isang klase ng napakahalagang red ware.

Ang mga teapots sa kategoryang ito na gawa sa lunsod na ito ay itinuturing rito na pinakamagandang lalagyan na may kasaysayang nagsimula sa Song Dynasty,isang libong taon na ang nakararaan.

Karaniwang kilala ang Yixing earthenware sa pagiging simple at sa magandang craftsmanship nito pero pinahahalagahan din ito dahil sa praktikal na gamit nito.Ang materyal,na tinatawag na Zisha o purple sand ay nagkalat sa Yixing.Kahit na hindi ito kasingputi o kasingpino ng kaolin,hindi nito kailangan ng barnis,at pagkatapos na sunugin,solidong-solido at wika nga walang tagas pero meron namang sapat na puwang para singawan ng hangin,o porous.Ang isang Yixing teapot ay nakakatulong sa pagpapatingkad ng kulay,pagpapalutang ng bango at pagpapatapang ng lasa ng tsaa na niluluto dito.Kung tag-init naman,napapanatili nitong sariwa ang tsaa sa buong magdamag.Hindi rin ito nakakapaso ng kamay kahit may lamang mainit na tsaa,sa dahilang mahinang heat-conductor ang purple sand.Kung taglamig naman,ito ay nakapagsisilbing handwarmer at naiiwan din sa mahinang apoy para mailuto ang ibang uri ng tsaa na kinakailangang pakuluan.Para sa mga connoisseur na Tsino,ito ay isang ideal teapot.

Magagamit din ang purple sand sa paggawa ng maraming iba pang lalagyan. Ang kasirola, halimbawa, ay isa sa mga pinakakaraniwang kagamitan sa mga kusinang Tsino. Ang mga baso at coffee sets ng klaseng ito ay winiwelkam din sa dahilang mahusay sila sa pagpapanatili ng bango ng inumin. Bilang isang paborito ng mga flower lovers, ang mga pasong yari sa purple sand ay sumisipsip ng ekstrang tubig, nakakatulong sa pagsingaw ng hangin mula sa lupa, napapanatiling buhay ang ugat, at naggagarantiya sa kabuuan, sa malusog na paglaki ng halaman.

Ang pangunahing atraksyon ng earthware ng Yixing ay ang magandang disenyo nito. Iniuukit ng mga artisan sa hindi pa nasusunog na katawan ang mga larawan ng mga ibon at isad, bulaklak at hayop, karakter ng wikang Tsino at seal marks. Ang lahat ng mga ito ay isinasagawa sa tradisyonal na istilo, kaya ang mga utensil na may praktikal na gamit ay nagagawa ring likhang sining na may pambansang katangian.

Salamat sa inobasyong tekniko nitong ilang taong nakalipas, nagagawa ngayon ng Pottery Metropolis ang maraming kasangkapang pangkusina na tulad ng kaldero, saingan o rice cooker, palayo at kawali. Nakakatagal ang mga ito sa drastikong pagbabago ng temperature at nagagamit sa kahit aling klase ng apoy para mailuto ang pagkain sa pamamagitan ng pagpapakulo, pagpapasingaw, pag-iihaw o pagpiprito. Sa gayon, maraming bagong gamit ang nadebelop para sa tradisyonal na earthenware.