• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-04 20:50:52    
Isang mangangalakal na Taywanes na nangangalaga sa kasaysayan ng magkabilang pampang

CRI

Sa Xia'men, isang lunsod sa lalawigang Fujian sa katimugang Tsina, may isang magadang maliit na pulo na tinatawag na Park in the Sea --- ang Gu Langyu Island. 1.9 na kilometro kuwadrado lamang ang lawak nito. Sa artikulong ito, isasalaysay ang kuwento ng isang mangangalakal na Taywanes sa pulong ito.

Si Hong Mingzhang ay isang mangangalakal na Taywanes na ngayon ay naninirahan sa Gu Langyu. Naglgay siya ng isang pribadong museo sa pulong ito para pagtanghalan ng kaniyang mahigit 30 libong cultural relics. Naglaan siya ng mahigit 10 milyong Yuan RMB para dito. Siya ay tinaguriang living cultural relics ng magkabilang pampang. Sinabi niya na:

"Ang mga ninuno ko ay magsasaka sa bayang Nan'an ng lalawigang Fujian at lumipat sila sa Taiwan. Sa kasalukuyan, Nandito akong muli sa Fujian. Pareho kami ng karanasan ng mga cultural relics ko. Kapuwa kami naglalakbay sa pagitan ng mgakabilang pampang. Kaya, tinawag akong living cultural relic."

Ang Museo ng Magkabilang Pampang ng Taiwan Straits ay ang kauna-unahang museo na itinaguyod ng mangangalakal na Taywanes sa Chinese Mainland. Maraming beses na pinapurihan ito ng mga lider ng magkabilang pampang na gaya nina dating tagapangulong Lian Zhan ng Kuomintang, alkalde Ma Yingjiu ng Taipei at iba pa.

Sa museo ni Hong, may isang walang katumbas na halagang mana – ang tablet na may inskripsyon ng emperador. Isinalaysay ng isang caretaker ng museo na:

"Ito ang pinakamahalagang cultural relic ng aming museo. Ang tablet na ito ay ipinalabas ni emperador Qian Long ng Qing Dynasty noong 1772 at may inskripsyong 'bayan ng Zhanghua ng rehiyong Taiwan ng lalawigang Fujian'. Maliwanag na ipinakikita nitong ang Taiwan ay palagiang bahagi ng Tsina sa kasaysayan."

Sinabi ni Hong na natuklasan niya ang nasabing tablet sa isang matandang gusali sa bayan ng Yong Ding ng lalawigang Fujian. Mula sa panahong iyon, sinimulang niyang hanapin ang cultural relics na may kinalaman sa kasaysayan ng magkabilang pampang na kinabibilangan ng mga matagal na dokumentong opisiyal ng Fujian at Taiwan, celebrities' calligraphy and painting ng magkabilang pampang, mga kasangkapan sa pgasasaka, pangngsida at pamumuhay at iba pa. Sa kasalukuyan, ang lahat ng mga ito ay nakatanghal sa museo sa pulong Gu Langyu. Lubos na ipinakikita nito ang mahigpit na relasyon ng Taiwan at Fujian nitong mahabang panahong nakalipas.

Hindi tulad ng iba pang museo, sa museo ni Hong, maraming cultural relics ang maaaring hipuin o kahit gamitin. Kung minsan, maari ring maglaro ang mga turista ng mga sinaunang larong minsan naging popular na popular kapuwa sa Taiwan at Fujian. Kaugnay ng isyung ito, sinabi ni Wu Yongqi, isang dalubhasa sa larangang ito na:

"Ang paraang ito ay nakakatulong sa pagpapalitan ng mga tao. Sa pamamagitan ng cultural relics, malalaman ng mga bisita ang mga kuwento sa likod ng mga ito. Nakakatulong ito sa muling pagsasa-alangalang sa ilang bagay na may kinalaman sa kasaysayan."

Sa kasalukuyan, nasa Fujian na uli kapuwa ang pamilya at usapin ni Hong. Ngunit, nang maaalaala niya ang kaniyang karanasan sa paglalakbay sa pagitan ng magkabilang pampang, sinabi niya na ang pagsasakatuparan ng direct flight sa magkabilang pampang ay ang kaniyang pinakamalaking hangarin. Umaasa siyang pagkaraang maisakatuparan ang direct flight, matutulungan siya ng pamahalaan na magpadala sa Taiwan ng cultural relics sa kaniyang pribadong museo para sa eksibisyon. Umaasa siyang mapapalakas nito ang pagkaunawa ng mga mamamyang Taywanes sa kasaysayan ng Taiwan at relasyon ng magkabilang pampang. Kaugnay ng kinabukasan ng cultural relics, ipinahayag ni Hong na ang bawa't isa ay isang pasehero ng kasaysayan, bilang kasalukuyang pansamantalang may-ari ng mga mana, iiwanan niya ang lahat ng cultural relics na ito sa mainland at sa inang-bayan.