• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-05 16:15:29    
Iba't ibang lugar ng Tsina, itinatakda ang plano sa pagpapaunlad ng industriyang kultura

CRI
Natapos kamakailan ang ika-4 na simposyum na pambagong-taon hinggil sa industriyang pangkultura ng Tsina. Tinalakay ng mahigit isang daang kinatawan na galing sa departamento ng Pamahalaan, sirkulong komersyal at akademiko ng bansa ang hinggil sa mga problemang gaya ng estratehiya ng pag-unlad ng industriyang pangkultura ng Tsina sa malalim na antas.

Sapul noong taong 2000, mabilis na umunlad ang naturang industriya ng Tsina, at magkakasunod na nagpalabas ang Pamahalaang sentral ng maraming patakaran ng pag-aakit, at dumami nang mabilis ang mga bahay-kalakal na nagnenegosyo sa industriyang ito. Naitatag sa maraming Lalawigan ng buong bansa ang sonang industriyal hinggil sa inobasyon ng kultura, at malinaw na lumaki ang proporsiyon ng industriyang pangkultura sa pambansang kabuhayan. Ang nasabing simposyum ay idinaos sa ilalim ng ganitong kalagayan.

Ang naturang taunang simposyum ay itinaguyod ng Sentro ng Inobasyon, Pag-unlad at Pananaliksik ng Industriyang Pangkultura ng Estado ng Tsina. Ang layon nito'y magbigay ng patnubay ng teorya para sa pag-unlad ng industriyang ito ng Tsina at magkaloob ng isang plataporma ng pagpapalitan ng karanasan para sa may kinalamang sirkulo. Ang tema ng simposyum sa taong ito ay kinabibilangan ng pagsasanay ng mga telento, pag-unlad ng rehiyon, pamumuhunan at pangongolekta ng pondo sa industriyang pangkultura at iba pa. Nang kapanayamin ng mamamahayag, ipinalalagay ni propesor Chen Shaofeng, Pangalawang Puno ng nasabing Sentro na lumitaw sa iba't ibang purok ng Tsina ang "mainit na industriyang pangkultura", at kung hindi pag-uukulan ng pansin ang siyentipikong pagpaplano, posibleng lumitaw ang bulubok. Sinabi niya na:

"Sa panahon ng magkakasamang pagpaplano ng Pamahalaang lokal at ng mga bahay-kalakal at sirkulong akademiko, halimbawa kung nais tayong magtatag ng industrial zone na gaya ng iba't ibang cartoon zone, iminungkahi kong mula sa pagsisimula, pag-isahin namin ang pagprodyus at pananaliksik, ibig sabihin, dapat namin hanapin ang direksyon ng pag-unlad."