Ipinatalastas noong Huwebes sa Beijing ni tagapagsalita Liu Jianchao ng ministring panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas, opisyal na dadalaw sa Pilipinas at lalahok sa ika-10 pulong ng mga lider ng Asean, Tsina, Timog Korea at Hapon (10+3), ika-10 pulong ng mga lider ng Tsina at Asean at ika-2 summit ng Silangang Asya si premyer Wen Jiabao ng Tsina mula ika-13 hanggang ika-16 ng buwang ito. Sa panahon ng kanyang pagdalaw, mangungulo rin siya sa ika-7 pulong ng mga lider ng Tsina, Timog Korea at Hapon. Ipinatalastas din ni Liu na sa paanyaya ni kalihim Alberto Romulo ng mga suliraning panlabas ng Pilipinas, lalahok si ministrong panlabas Li Zhaoxing ng Tsina sa pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Asean, luncheon ng mga ministrong panlabas ng 10+3 at luncheon ng mga ministrong panlabas ng summit ng Silangang Asya mula ika-11 hanggang ika-12 ng buwang ito, mangungulo rin siya sa ika-4 na pulong ng komisyon ng Tsina, Timog Korea at Hapon.
Idinaos noong Miyerkules sa Changsha, lunsod sa gitnang Tsina, ang seremonya ng pagkatapos ng taong 2006 training school para sa mga Indonesyang guro sa wikang Tsino. Sa loob ng tatlong lingo ng kurso, ang 31 guro sa wikang Tsino na galing sa Indonesia ay hindi lamang nag-aral ng batayang kaalaman ng wikang Tsino, kundi lumahok sa mayaman at makulay na pagmamasid at pagsasanay ng pagtututo.
Unti-unting nagiging mahalagang hub na may sulong at three-dimensional na transportasyon ang Lalawigang Yunnan sa dakong timog kanluran ng Tsina, at nagpapakita ito ng mas mahalagang bentahe at papel sa pagiging tulay sa pagitan ng Tsina at Timog Silangang Asya. Sa kasalukuyan, umabot sa 167 libong kilometro ang haba ng pambansang lansangan ng lalawigang ito, at nananatiling una ito sa buong bansa. Lumampas sa 5 libong kilometro ang mga pambansang lansangan sa mataas na antas, at umaabante ang mga pangunahing pambansang lansangan nila ng Biyetnam, Myanmar, Thailand at iba pang bansa sa isa pang kaatasan. Bukod dito, nabuo sa kabuuan ang network ng abiyasyon sa pagitan ng lalawigang ito at mga pangunahing lunsod sa loob at labas ng lalawigan at mga bansa ng Timog Silangang Asya. Samantala, mapapasulong ng pagdedebelop ng ilang ilog na gaya ng Lancang-Mekong river ang mabilis na paglaki ng kabuhayan ng iba't ibang bansa sa paligid ng ilog na ito.
|