• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-08 16:38:29    
Kabundukan at katubigan sa Sichuan

CRI
Ang Bundok Qingcheng ay bantog na lugar na pinagmulang ng Taoismo. Itinuturing itong ika-5 bantog na bundok sa Tsina. Nakatalikod ang Qingcheng sa maniyebeng bundok Minshan, at nakaharap naman sa kapatagan ng Chengdu. Samantalang ang yungib Tianshi ang siyang pusod nito na mahigit 120 kilometro ang kabilugan. Sapul pa noong sinaunang panahon, napabantog na ito sa loob at labas ng bansa dahil sa magandang likas na tanawin at napakaraming tanawin hinggil sa sangkatauhan. Ang Bundok Qingcheng ay may 36 na taugatog, 8 malalaking kuweba, 72 yungib, at 108 purok na may magandang tanawin. Umaabot ng 2434 metro ang pinakamataas na lugar nito mula sa pantay-dagat, at 726 metro ang taas ng pinakamababang lugar nito mula sa pantay-dagat. Tumataas-bumababa ang Bundok ng Qingcheng elegante at marikit, malalago ang mga punongkahoy, matataas ang mga kawayan, at luntian sa buong taon. Napapaligiran ito ng mga bundok na parang pader ng kalunsuran, kaya tinawag itong Qingcheng, ibig sabihin ay luntiang lunsod. Mayroon doon ngayong 11 templo ng Taoista. Ang estilo ng arkitektura nito'y nagtataglay ng katangian ng kulturang Taoista at kaugalian sa kanluran ng Sichuan. Nasa masukal na kagubatan ang buong Bundok ng Qingcheng na hindi lagusan ng sinag ng araw. Nakikitimpalakan ito sa Bundok Emei sa kagandahan.

Sinabi ni Huang Weiqi, isang taga-drowing na galing sa Guangzhou na: "Para aming landscapist, ang bundok Qingchang ay isang napakaideyal na lugar. Kung may pagkakataon, gustong gusto ko tumira dito nang mahabang panahon."

Ang Dujiangyan Irrigation system ay isang dakilang proyekto ng patubig noong sinaunang panahon ng Tsina na napabantog sa loob at labas ng bansa. Nagdanas na ito ng 2200 taong pagsubok at kahirapan. Hanggang ngayo'y nabibiyayaan pa nito ang mga mamamayan. Ang Dujiangyan ay nasa paanan ng Bundok Yuleishan sa labas ng kanlurang tarangkahan ng Guanxian country ng lalawigang Sichuan, at nasa itaas na seksyon ng Ilog Minjiang, na siyang pinakamataas na lugar sa hilagang kanluran ng kapatagan ng Chengdu.

Ang Ilog Minjiang ay isang medyo malaking sangang ilog sa itaas na seksyon ng Yangtze River, nagmumula ito sa mataas na kabundukan sa hilaga ng Sichuan. Tuwing may malakas na agos mula sa bundok sa panahon ng tagsibol at tag-init, dadaloy sa Minjiang ang tubig sa pamamagitan ng malalaki't maliliit na sangang ilog, na rumaragasa pababa, at papasok sa kapatagan ng Sichuan mula sa Guanxian country. Dahil makikipot ang mga lagusan ng tubig, kaya madalas na magkaroon ng baha noong unang panahon. Noong panahon ng nagdidigmaang Estado, ang opisyal ng Prepekturang Shu na si Libing at ang kanyang anak ay nagmalasakit sa pagdurusa ng mga mamamayan. Nag-inspeksyon sila sa kalagayan ng lupa at tubig sa magkabilang pampang ng Minjiang. Noong 250 BC, inorganisa nila ang mga mamamayan na magbungkal ng lupa, at alisin ang punso. Nagtayo sila ng mga sangang dike upang paghiwalayin ang pagdaloy ng rumaragasang tubig ng Ilog Minjiang. Nagbungkal sila ng mga kanal sa kapatagan, upang padaluyin ang tubig at mapatubigan ang bukirin. Sapul noon, dumadaloy sa Dujiangyan ang rumaragasang tubig, sa gayo'y naging ligtas ang mapanganib na kalagayan. Hindi lamang naiwasan ang kapahamakan, kundi napakinabangan pa ito, at nabigyan ng biyaya ang mga pananim. Sa gayo'y naging masaganang lupa ang kapatagan ng Chengdu.

Sinabi ni Ken Boyd, isang turista mula sa E.U. na: "lubos na na-shock ako dahil ang dakilang proyektong ito ay itinatag noong 2000 taong na ang nakaraan. Ipinalalagay kong ito ay isang dakilang milagro na nilikha ng mamamayang Tsino."