Kung natatandaan ninyo, sa mga nakaraang serye, ibinahagi namin sa inyo ang ilang pinakamagagandang tanawin sa Sichuan, siguro naman mayroon na kayong larawan ng Sichuan sa inyong isip. Ngayong gabi, sa ikaapat at panghuling serye ng ating paligsahan, ibabahagi naming sa inyo ang tungkol sa sinasabing hayop na simbolo ng Sichuan-Giant Panda. Dadalain namin kayo sa kanilang pamiliya sa- Wolong Natural Reserve Areas, mga 20 kilometro ang layo mula sa Chengdu, punong lunsod ng lalawigang Sichuan.
Bago tayo dumako sa ating artikulo, gaya ng dati, narito muna ang dalawang tanong: Una, ang Sichuan ba ang lupang tinubuan ng giant panda? Oo o hindi? Ikalawa, ilang maiilap na giant panda ang matatagpuan sa Wolong Natural Reserve?
Nitong 20 taong nakalipas, dahil sa malawakang pagsira sa ng Arrow-Bamboo, isang pangunahing pagkain ng giant panda, lumikha ang isang composer na Tsino ng isang awit para makapangalap ng abuloy para sa giant panda. At sa kasalukuyan, sa loob ng Wolong Natural Reserve Area, malalabay ang mga arrow-bamboo, at ang giant panda, na isa sa kanilang pinakamatatandang hayop ay namumuhay nang maginhawa.
Ang Wolong Natural Reserve Area, sa dakong hilagang kanluran ng lalawigang Sichuan ay isang pangunahing purok-panirahan ng giant panda, kaya, ang Sichuan ay itinuturing na lupang-tinubuan ng giant panda. Dahil makikita lamang ang maiilap na giant panda sa kagubatan ng ilang rehiyon ng lalawigang Sichuan, Shanxi, Gansu, kung gusto silang makita nang malapitan ng mga turista sa loob at labas ng bansa, dapat magsadya ang mga turistang ito sa pasilidad ng panda sa loob ng natural reserve na ito. Isinalaysay ni Zhang Liming, namamahalang tauhan ng Wolong Natural Reserve Area na: "Ang layunin namin ay mapanatiling sustenable at malusog ang pamumuhay ng giant panda, at magkaloob ng isang pagkakataon sa mga taong gustong makita ang giant panda, at ipaalam sa mga turista ang dahilan kung bakit kailangang mapangalagaan ang kapaligirang ekolohikal, ang sinaunang kasaysayan ng giant panda. Kasabay ng panonood sa giant panda, malalaman ninyo ang katuturan ng giant panda bilang isang may mahabang kasaysayang hayop at "living fossil".
Sa mula't mula pa, ang bagay na nagbibigay ng pinakamalaking pagkabalisa sa giant panda ay ang kanilang pagkain. Napaga-alaman ng mamamahayag mula sa working staff doon na noong ilang taong nakalipas, kumakain ang giant panda ng karne, ngunit, hindi sila gaanong kumakain ng gulay at ang pangunahing pagkain ay kawayan. Malagihay ang klima sa Wolong, at angkop na angkop ito sa paglago ng kawayan. kaya, sa mula't mula pa nahihikayat na nito ang mga giant panda na manirahan doon. Si Rebecca Haase, isang Amerikano, ay nakakita ng giant panda sa kauna-unahang pagkakataon. Sinabi niya na: "natutuwa akong makadalaw dito at makalapit sa mga giant panda. Malulusog at mababait silang lahat. Gusto ko na dumami pa ang panda sa Wolong."
Nag-alamang, ang death rate ng baby pandas ay lubhang mataas, dahil sa inborn o postnatal na sakit, at ang isa pang pangunahing dahilan ay pagkaraang makapagsilang ng maraming anak, isa lamang ang kanyang alagaan ng ina. Kaya, ang mga mananalisik dito ay nagkakaloob ng pangangalgang pantao sa mga baby panda para mapataas ang livability ng mga.
Bukod ng mga giant panda na inaalagaan sa kulungan, sa kasalukuyan, may mahigit 100 mailap na giant panda doon, na umabot sa 10% ng kabuuang bilang ng giant panda sa daigdig.
|