Ang ceramics ay nagsimula noong 6000 taon na ang nakararaan noong panahon ng New Stone Age, at ang tanda ng pagsisimulang ito ay ang imbensyon ng pottery at iba pang bagay. Ang kauna-unahang earthenware ay iminomolde ng kamay; medyo matagal-tagal din bagon lumabas ang potter's wheel. Sa simula, sinusunog mula ang luad o clay sa temperaturang 500-600 degree centigrade. nagsimulang makilala ang pinintahang pottery sa panahon ng Yangshao at Longshan cultures.
Ang maraming terra cotta soldiers and horses ng Qing Dynasty, na natuklasan sa Shanxi Province noong 1974, ay nakapagpatunay ng kahusayan sa kiln-firing at paglililok na natamo noong maagang panahong iyon. Umabot sa isa pang ruruok ng pag-unlad ang arte ng pottery noong Tang Dynasty (618-907A.D.), bagay na napatunayan ng kilalang "tri-coloured glaze".
Base sa pottery, nadebelop ang porselana sa Tsina noong 300 taon na ang nakararaan sa panahon ng Shang Dynasty. Nahukay ang mga blue-glazed ware sa mga labi ng panahong iyon sa Henan at Jiangxi Province. Pinatunayan ng pagsusuri na ang mga ito ay yari sa kaolin at sinunog at ginawang bubog sa mataas na temperaturang 1200c. nakilala ang ceramics ng Tsina sa daigdig simula noong Tang Dynasty. Ang porselanang Tsino, kasama na ang tsaa at seda ng bansang ito, ay dumagsa sa mga bansang dayuhan sa pamamagitan ng Silk Road at ibang mga daan sa lupa at dagat.
Ang Jingdezhen sa timog Tsina ay ang nagsilbing pangunahing sentro ng industriya ng porselana sa panahon ng Song Dynasty. Pinalayawan ito ng "porcelain metropolis" kung saan nakikita pa ang mga mahalagang labi ng sinaunang workshps at kilns.
Ang isang mahalagang tuklas na arkeolohikal ay ginawa nang mahukay ilang taon na ang nakararaan sa Zhejiang Province ang isang porcelain kiln ng Eastern Han Dynasty. Ito ang kauna-uanhang porcelain-producing site na natuklasan sa Tsina at sa buong daigdig.
Natamo ng industryang ito ang mabilis na progreso sapul nang itatag ang bagong Tsina sa pamamagitan ng pagmana at lalo pang pagpapaunlad ng sinaunang paraan. Ngayon, ginagawa ang iba't ibang uri ng mga porselana sa mga piansulong na paraan sa maraming lugar sa Tsina, para salubungin ang mga mamimili sa loob at labas ng bansa.
|