Sa kasalukuyan, ang Tsina ay ang bansa sa buong mundo na may pinakamabilis na tumatandang populasyon at umabot sa 144 milyon ang bilang ng mga mahigit 60 taong gulang na populasyon nito na katumbas ng kalahati ng matandang populasyon ng buong Asya. Sa kalagayang ito, naging kapansin-pansin kapuwa sa buong lipunan at pamahalaang Tsino ang isyung kung papaanong makapagka-kaloob ng isang maligaya at maginhawahang pamumuhay sa mga elderli. Sa artikulong ito, isasalaysay ang mga may kinalamang kalagayan.
Kasunod ng walang humpay na paglaki ng bilang ng mga elderli, lumalaki nang lumalaki din ang presyur sa hanap-buhay ng mga kabataang Tsino at wala silang sapat na panahon para matingan ang kanilang mga magulang. Kaya, mas maraming elderling Tsino ang napipilitang mamumuhay sa kanilang sarili. Sa kondisyong ito, ang eventide home at iba pang welfare organization sa lipunan ay naging kanilang pinakamabuting pagpili. Sa kasalukuyan, umabot sa 40 libo ang bilang ng ganitong organisasyon sa mga lunsod at kanayunan ng Tsina. Ngunit, kumpara sa 144 milyong elderling Tsino, ang bilang ng ganitong organisasyon ay lubhang di-sapat. Maraming elderli ang nakakapagpamuhay lamang sa kanilang bahay. Ngunit, dahil sa kanilang edad, hirap na hirap silang hawakan ang ilang bagay na may kinalaman sa pang-araw-araw na pamumuhay. Para malutas ang isyung ito, sa isang komunidad sa Shijiazhuang, isang lunsod sa lalawigang Hebei sa hilagang Tsina, nagtatag sila ng isang organisasyon na tinawag na Yi Yangyuan Service Centre para magbigay ng living service sa mga elderli. Sinabi ni Zhang Yusheng, isang elderli sa komunidad na ito na:
"Sa kasalukuyan, dahil sa mga serbisyo na ipinagkakaloob ng Yi Yangyuan, napakaganda ng pamumuhay ko. Tunay na nagdudulot ito ng maraming kaginhawahan sa pamumuhay ko."
Pinapapalaganap ngayon sa buong bansa ang bagong modelong ito. Magkakasnod na itinatag ng mga lunsod ang ganitong service centre. Maliit na halaga lamang ang babayaran ng mga elderli at makapagtatamasa na sila ng mga serbisyo na gaya ng pagpapadala ng pagkain, medisina at iba pang kinakailangang serbisyo sa kanilang pamumuhay. Sinabi ni Cao Yuke, tagpagpasimula ng modelong ito na:
"Para makatugon sa mga kalilingan ng karamihan ng mga elderli, dapat magkaloob kami ng mga magkakaibang serbisyo sa iba't ibang antas. Nananalig akong sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng pamahalaan, lipunan at mga indibiduwal at bahay-kalakal na may malalaking puso, tiyak na magiging mas maganda ang pamumuhay ng mga elderling Tsino."
Bukod sa mga di-kaginhawahan sa pamumuhay, nagdudulot din ang pagtanda ng mga problema sa isip sa mga elderli, lalo na doon sa mga nawalan ng asawa. Lagi silang nalulumbay at wala silang pesimistiko sa buhay. Kaya, bukod sa buong sikap na pagbibigay-ginhawa sa pamumuhay ng mga elderli, nitong ilang taong nakalipas, binigyan ng Tsina ng mas maraming pansin ang pagbibigay ng tulong na pangkaisipan sa kanila. Buong sikap na nag-oorganisa ang mag pamahalaang lokal ng iba't ibang aktibidad na pampalakasan at pansining para mapasagana ang buhay na pangkaisipan ng mga ederli at mapalaki ang kanilang pagmamahal sa buhay.
Kasunod ng pagkakamit ng mga progreso sa usapin ng pagbibigay-serbisyo sa mga elderli, maliwanag na narealisa rin ng pamahalaang Tsino ang mga hamoan na kinakaharap nito sa larangang ito. Ipinangako na ng pamahalaang Tsino na patuloy na dagdagan ang laang-gugulin sa konstruksyon ng social segurity system. Isinalaysay ni Li Bengong, isang opisiyal ng pambansang komite ng mga gawaing may kinalaman sa elderli, na:
"Sa panahon ng ika-11 5 year plan, hiniling ng bansa sa iba't ibang lugar na unti-unting dagdagan ang laang-gugulin sa aspekto ng konstrksyon ng mga pasilidad, pagdaraos ng mga aktibidad at iba pa para sa mga elderli. Aktibong papatnubayin din ng bansa ang mga pondong pribado at dayuhan na mamuhunan sa usaping ito."
|