• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-15 19:43:00    
Enero ika-8 hanggang ika-14

CRI
Idinaos noong Araw ng Linggo sa Cebu, Pilipinas ang ika-10 Summit ng Tsina at ASEAN. Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na sa bagong taon, sa patnubay ng "Magkasanib na pahayag ng Commemorative Summit ng Tsina at ASEAN", nakahanda ang kanyang bansa na patuloy na palakasin at palalimin ang estratehikong partnership nila ng ASEAN para mapasulong ang kanilang pagtutulungan sa mas mataas na antas. Iminungkahi niyang dapat palakasin ang estratehikong pagkokoordinahan ng mga lider ng dalawang panig sa pagtutulungan ng Silangang Asya at ng mga organisasyong panrehiyon at pandaigdig na gaya ng APEC, Pulong ng Asya at Europa at UN sa arenang panrehiyon at pandaigdig at dapat nilang pabilisin ang kanilang talastasan hinggil sa bilateral na kasunduan ng pamumuhunan at palakasin ang kanilang pagtutulungan sa mga larangang kinabibilangan ng pagbibigay-dagok sa krimeng transnasyonal, seguridad sa dagat, pagbabawas sa kalamidad, pagpigil at pagbibigay-lunas sa mga epidemiya, pangangalaga sa kapaligiran at iba pa. Ipinahayag din ng Premyer Tsino na aktibong kinakatigan ng Tsina ang pagtatayo ng ASEAN Community at integrasyon, at nakahanda itong pasulungin ang kanilang pagpapalitang panlipunan at pangkultura. Pagkatapos ng pulong, magkasamang dumalo si Wen at ang mga lider ng ASEAN sa seremonya ng paglalagda sa mga dokumentong gaya ng "Kasunduan ng kalakalang pangserbisyo sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN".

Nang araw ring iyon, idinaos sa Cebu ang ika-7 pulong ng mga lider ng Tsina, T.Korea at Hapon na nilahukan nina premiyer Wen, pangulong Roh Moon-hyun ng T.Korea at PM Abe Shinzo ng Hapon. Nangulo sa pulong si Wen at ipinahayag niyang dapat pahigpitin ng nasabing 3 bansa ang kanilang pagtitiwalaang pulitikal, palalimin ang pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan, palawakin ang pagpapalitang kultural at palakasin ang pagkokoordinahan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Ipinalabas din ng pulong ang magkakasanib na pahayag ng tatlong panig. Ayon sa pahayag, nasisiyahan ang tatlong bansa sa kasalukuyang pag-unlad ng kanilang relasyon. Anito, ipinalalagay ng tatlong panig na dapat pahigpitin ang kanilang regular na pagpapalitan, ipinasiya rin nilang itatag ang mekanismo ng pagsasanggunian sa pagitan ng mga diplomata para makapagkoordina sila hinggil sa kanilang mahalagang isyung diplomatiko at gayundin sa kanilang pinahahalagahang isyung panrehiyon at pandaigdig. Ang kauna-unahang ganitong pagsasanggunian sa pagitan ng tatlong panig ay naka-iskedyul na idaos sa Tsina. Bukod dito, itinakda ng tatlong bansa ang kasalukuyang taon bilang Taon ng Pagpapalitang Pangkultural.

Idinaos din ang ika-10 Summit ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea. Ipinahayag sa summit ni Wen na patuloy na kakatigan at lalahukan ng Tsina ang pagtutulungan ng Silangang Asya at magsisikap, kasama ng iba't ibang bansa, para magkakasamang mapasulong ang kapayapaan at kaunlaran ng Silangang Asya. Sinabi ng Premyer Tsino na nitong halos 10 taong nakalipas, nananatiling maganda ang tunguhin ng pag-unlad ng pagtutulungan ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea, at ito ang nagsilbing pangunahing tsanel sa pagtutulungan ng Silangang Asya. Upang ibayo pang mapataas ang antas at lebel ng pagtutulungan ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea, nagharap si Wen ng ilang mungkahing gaya ng pagpapalakas ng estratehikong pagpaplano. Ipinahayag din ng mga kalahok ng iba't ibang bansa na dapat ibayo pang palakasin ang pagtutulungan ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea sa hinaharap.

Mula noong Huwebes hanggang Biyernes, idinaos sa Cebu ang pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at ASEAN at working luncheon ng mga ministrong panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea na nilahukan ni ministrong panlabas Li Zhaoxing ng Tsina. Binigyan ng mga kalahok na ministro ng positibong pagpapahalaga ang bagong progresong natamo ng kooperasyon ng Tsina at Asean nitong nakalipas na isang taon. Sumang-ayon ang kapuwa panig na ibayo pang palakasin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalimin ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, palawakin ang kooperasyon sa larangan ng di-tradisyonal na katiwasayan at gumawa ng ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito. Ipinahayag ni Li na kumakatig ang panig Tsino sa pagpapatingkad ng Asean ng namumunong papel sa kooperasyon ng Silangang Asya, at umaasang walang humpay na mapapatibay ang pundasyon ng kooperasyon ng 10+3.

Inihatid noong Lunes ng Tsina sa Pilipinas ang kauna-unahang batch ng relief supplies na nagkakahalga ng 6 milyong Yuan RMB. Ang mga ito ay kailangang kailangan ngayon ng mga rehiyong dinalaw ng bagyo. Bukod dito, 3 beses na nagkaloob ang pamahalaang Tsino ng mahigit 10 milyong Yuan RMB na relief supplies.

Ipinahayag noong Araw ng Linggo sa Beijing ng tagapagsalita ng ministri ng komersyo ng Tsina na lilikha ang kasunduan ng kalakalang panserbisyo ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina't Asean (CAFTA) na nilagdaan ng Tsina at Asean ng mas maraming pagkakataong pangkalakalan sa kapuwa panig. Nilagdaan ngayong araw sa Cebu ng Pilipinas ng Tsina at 10 bansang Asean ang kasunduan ng kalakalang panserbisyo ng CAFTA. Ipinahayag ng nasabing tagapagsalita na ang paglalagda sa kasunduang ito ay isa pang mahalagang bunga sa proseso ng konstruksyon ng CAFTA, at ito ang palatandaan ding sumulong ang konstruksyon ng CAFTA ng isang masusing hakbang at naglatag ng mas matibay ng pundasyon para sa ganap na pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ayon sa itinakdang iskedyul.