• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-18 19:00:52    
Relasyon sa Pagitan ng Chinese at Islamic Ceramics

CRI
Ang pananaliksik sa seramiks ng rehiyong Islamiko ay isinasagawa na sa Kanluran nitong nagdaang ilang dekada. Gayunman, ang pananaliksik sa paksang ito ay nagsisimula pa lamang sa Tsina at si Propesor Ma Wenkuan na mula sa Archaeology Institute ng Chinese Academy of Social Sciences ay isa sa iilang iskolar na nagsasagawa ng pag-aaral dito. Pagkaraan ng ilang taong puspusang pag-aaral, nakita niya ang malapit na relasyon sa pagitan ng mga seramiks na Tsino at Islamiko. Sabi niya ang kulturang Islamiko ay nalikha sa pamamagitan ng pagsasama ng pinakapurong esensiya ng mga kulturang Kanluranin at Silanganin. Ito anya ay bumubuo ng mahalagang kawing sa magkakaugnay na pag-unlad ng pandaigdig na kultura. Ang seramiks ang nagsisilbing tuwirang repleksiyon ng kung paanong ang iba't ibang kultura ay nagtagpo at nagsama sa rehiyong Islamiko.

Idinagdag pa niya na ang porselana ay isang mahalagang imbensiyon ng mga mamamayang Tsino, pero hindi ito nangangahulugan na ang porselanang Tsino ay nadebelop nang walang anumang impluwensiya mula sa labas sa nagdaang milenya. Noong sinaunang panahon, ang Tsina at daigdig na Islamiko ay nagkaroon ng madalas na pagpapalitang pangkultura. Ang kanilang kontaks ay matutunton noon pa mang mahigit 1,300 taon sa panahon ng Dinastiyang Tang at nagpatuloy sa mga Dinastiyang Ming at Qing. Ipinagmamalaki kapuwa ng mga mamamayang Tsino at Islamiko ang kanilang produksiyong seramiko. Naimpluwensiyahan nila ang isa't isa sa larangang ito noong mga siglo ng palitang pangkultura. Makikita natin ang mutuwal na impluwensiyang ito sa maraming ceramicsartifacts na Tsino at Islamiko na may nakakagulat na pagkakatulad ng hugis, dekorasyon at paraan ng paggawa.

Si Propesor Ma Wenkuan ay nakapagtipon ng maraming datos hinggil sa seramiks na Tsino at Islamiko mula sa lahat ng bahagi ng mundo sa panahon ng kanyang malawakang pananaliksik nitong nagdaang dekada. Anya, sa depinisyon, ang pagpapalitan ay two-way. Sa pangkalahatan, ang impluwensiya ng porselanang Tsino sa seramiks na Islamiko ay mas malaki kaysa sa impluwensiya ng mga gamit na Islamiko sa mga gawang Tsino. Pero pinag-aaralan ng mga iskolar na Kanluranin ang paksang ito sa loob ng ilang taon, kaya ang pokus ng kanyang pag-aaral ay kung paanong naimpluwensiyahan ng seramiks, ang komposisyon ng lokal na putik, pagkakagawa ng urno at iba pang teknik ay hindi nagpahintulot sa mga artisan na magprodyus ng seramiks na ang kalidad ay katulad ng sa Tsina. Gayunman, naitatag ng mga mamamayang Islamiko ang kanilang posisyon sa produksiyong seramiko sa kanilang napakagandang mapalamuting teknik. Sa ilang paraan, sila ay mas nakahihigit sa gawang Tsino sa paggamit ng kulay at patern.

Ayon kay Propesor Ma, ang isang katangi-tanging parte kung saan ang Tsina ay nakakuha ng benepisyo mula sa pagpapalitang ito ay makikita sa bantog na Tang Dynasty Qinghuang o puti at itim na porselana. Ang pigment na ginamit sa mga piyesang ito ay inangkat mula sa rehiyong Islamiko.

Ang ipinagkaiba naman ng porselanang Qinghua ay ang panginahing pigment na ginamit dito ay cobalt. Ito ay nagpoprodyus ng matingkad na kulay asul na hindi kumukupas o nagbabago.

Malaki ang pagkakaiba ng kemikal na komposisyon ng cobalt ore ng Tsina at ng sa rehiyong Islamiko. Ang sa Tsina ay maraming manganese at konti lang ang cobalt. Ang sa rehiyong Islamiko ay konti lang ang manganese at maraming arsenic. Ito ay kilala bilang cobaltite.