• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-18 19:01:23    
San Andres Boys: Siyempre lahat kami rito walang hinahangad kundi inyong kaligayahan

CRI
Dear Pilipino Service,

Isang masayang bati mula sa San Andres Boys para sa panahon ng kapaskuhan. Siyempre lahat kami rito walang hinahangad kundi inyong kaligayahan. Siguro hindi ninyo alam na marami sa amin dito ay masugid na sumusubaybay sa inyong palatuntunan sa radio. Binabasa rin naming ang soft copies sa inyong website.

Matagal na naming inaabangan ang pinagsama-sama naming tinig na umaawit ng awting pamasko. Hindi naming alam kung nagustuhan ninyo.

Naniniwala kami na ang pasko ay pag-ala-ala, hindi lamang sa mga inaanak. Ito ay pag-ala-ala rin sa mga kapus-palad na mga kapuwa-tao natin. Marami sila. Ang pasko ay hindi lang pagbili ng bagong damit. Pag-iisip din kung sino sa ating kapuwa ang walang damit.

Pinasasalamatan namin kayo sa inyong tapat na paglilingkod sa amin at sa pagtuloy na pagbibigay ng importansiya sa amin kahit kami ay ganitong lang-mga istambay sa kanto. Pero hindi lang kami mga istambay talaga. Mahinna lang ang kita.

Malakas ang appeal sa amin ng inyong programang Gabi ng Musika kasi maririnig namin ang mga test message ng mga kaibigan naming, patina sa amin. Ganoon din naman ang inyong Dear Seksiyong Filipino kasi naririnig namin mga sulat ng kaibigan at sa amindin.

Kung masasalubong namin si Santa Claus, ang hihilingin naming ay dahilan niya kami sa kaniyang sasakyan sa China Radio International para magka magkakila-kilala tayo nang personal.

San Andres Boys
San Andres, Manila
Philippines