• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-19 19:52:33    
Tsina, pinapahigpit ang pangangalaga sa Great Wall

CRI
Mula noong unang araw ng nagdaang Disyembre, opisyal na isinagawa ang "Regulasyon sa Pangangalaga sa Great Wall". Sa bantog na Great Wall na ito ng Tsina, pitong aksiyon ang malinaw na ipagbabawal sa regulasyon na gaya ng pagkuha ng lupa at bato at pagtatanim. Masayang masaya si Dong Yaohui, isang dalubhasa sa pangangalaga sa Great Wall, sa pagpapatupad ng regulasyong ito.

Ang 50-taong-gulang na si Dong Yaohui ay Pangalawang Puno ng Samahang Akademiko sa Great Wall ng Tsina. Ang Bayang Funing, Lalawigang Hebei--kaniyang lupang-tinubuan--ay nasa paligid ng Great Wall.

Ang Great Wall ay itinuturing na isa sa mga dakilang estrukturang likha ng tao. Noong ikalawang siglo BC, bago pag-kaisahin ang estado, pinag-ugnay-ugnay ni Qin Shihuang, kauna-unahang Emperador ng Tsina, ang mga pader na pantanggulan na itinayo ng mga vassal states na naging Great Wall. Sa loob ng darating na mahigit isang libong taon pagkatapos nito, pinahaba at isinaayos ito ng mga sumunod na dinastiyang Tsino, kabilang dito, pinakamalaki at pinakamabuti ngayon ang Great Wall na itinayo noong Ming Dynasty mahigit anim na taon na ang nakararaan.

Noong una, si Dong Yaohui ay nagtatrabaho bilang isang empleado ng Electric Power Bureau ng lunsod ng Qinghuangdao, sa kahilagaan ng Great Wall. Gustung-gusto na niyang panikin ito maging noong siya ay isang baguhang awtor. Noong ika-8 ng dekada ng nagdaang siglo, biglaang pumasok sa isip niya ang ideyang paglalakad at pagsusuri sa Great Wall, at pinasimulan niya kasama ng kaniyang dalawang kaibigan ang paglalakad na ito. Nang mabanggit ang inisyal na hangarin ng kaniyang paglalakad 10 taon na ang nakararaan, sinabi ni Dong Yaohui na: "Dahil isinilang ako sa paligid ng Great Wall, noong bata pa, nagkaroon ako ng isang sensitibong kaalaman hinggil sa Great Wall, at nakahiligan ko ang pag-akyat dito, at sa kurso ng pag-akyat, marami akong naka-ugnayan dito. Gusto kong magkaroon ng ibayo pang kaalaman hinggil sa Great Wall, ngunit limitado ang mga may kinalamang aklat. Sa palagay ko, ang paglalakad sa kahabaan ng pader na ito ay isang napakamakabuluhang karanasan."

Pagkaraan ng isang taong paghahanda, noong ika-4 ng Mayo ng taong 1984, pinasimulan ng 28 taong-gulang na si Dong Yaohui kasama ng kaniyang dalawang kaibigan ang kanilang paglalakad. Naharap sila sa marami at malaking kahirapan. Sinabi niya na: "Sa katotohanan, pagkaraang isagawa ang aming paglalakad, napalayo nang napalayo kami sa lipunan, at ang kalungkutan ang pinakamalaking kalaban ko."